SUGA'S POV
"Yoongi." pabulong kong sabi
Gusto ko sanang bumaba ng sasakyan ngunit na ka Go na ang traffic light. Hindi ako maaaring magkamali dahil he looks exactly like me.
"What's wrong babe?" rinig kong sabi ni Layla
"N-nothing" sagot ko sakanya
"Para kasing nakakita ka ng multo." sabi naman niya
"I was just amazed from that building." sagot ko sakanya
"Hmmm. Ok." tanging sabi ni Layla habang binigyan ako ng kanyang napakagandang ngiti
After 4 hours of driving. We arrived in Busan. Pagbaba namin ng sasakyan ni Layla ay agad kaming sinalubong ng mga staff ng hospital doon. Nakita narin namin ang iba naming classmates na nagaayos na ng kanikanilang table dahil mayamaya lamang ay magkakaroon kami ng medical mission for the poor. Inayos narin namin ni Layla ang kanya kanya naming tables. Inayos ang mga kailangan gamitin. Binigyan kami ng list of patience na kailangan namin icheck up mamaya.
"Are you ready for todays Medical Mission?" tanong ng head doctor na kasama namin at the same time isa sa mga paborito kong professor.
"Yes."sagot naming lahat
"Good. Mayamaya lamang ay dadagsa ang mga patient." sabi pa nito
"Alam kong kayang kaya niyo yan dahil magagaling kayong mga students ko." dagdag pa nito
Mayamaya pa nga ay nagsi datingan na nga ang aming nga patient. Halos ng napunta sakin ay puro matatanda. Nakita ko namang puro bata ang napuntang pasyente kay Layla. I love seeing Layla wearing her doctor's gown. Bagay na bagay sakanya. At nakatali ang buhok niya. Masaya ako kasi parehas kami ni Layla ng kinuhang propesyon at parehas kaming nakakatulong sa kapwa namin.
"Iho." rinig kong sabi ng isang matandang lalaki na nasa edad 70 na
"Ho."tanging sagot ko rito. Nawala ako sa focus dahil nakatingin ako kay Layla. Napailing na lamang ako habang may ngiti sa mga labi.
"Ano hong nararamdaman niyo lolo."tanong ko rito.
Agad kong chineck ang vitals ni lolo. Kailangan ko siyang ipaX-ray dahil hindi maganda ang tunog ng paghinga nito.
"Lolo, pasasamahan ko po kayo sa X-ray room para po makapagpaX-ray po kayo." sabi ko rito
Pinasamahan ko siya sa assistant kong nurse at agad namang sumunod si lolo.
Nang lumabas ang result ay maraming plema ang nakita sa X-ray ni lolo. Kaya nahihirapan siyang huminga.
"Lolo kailangan niyo pong inumin ang mga gamot na ito. Tatlong beses sa isang araw pagkatapos kumain. Kailangan na may laman po ang inyong tiyan bago ito inumin." sabi ko kay lolo
"Iho. Maaari mo bang isulat ng malaki para makita ko? Malabo na kasi ang mga mata ko at makakalimutin narin ako." ani ni lolo sakin habang hawak ang kamay ko
"Sige ho.Huwag po kayong mag-alala" sabi ko rito at binigyan siya ng ngiti
Isinulat ko sa cartolina ang instruction para sa pag-inom ng gamot ni lolo. Ginamitan ko ito ng iba ibang kulay ng marker. At ipinaliwanag kong muli sakanya kung paoaano iinumin ang mga nireseta kong mga gamot sa kanya.
"Salamat, iho." sabi ni lolo
"Walang anuman po, magpagaling po kayo." tanging sagot ko kay lolo
Nang matapos ang medical mission, agad kaming nag-ayos ng mga gamit at saka kami pumunta sa main room para magmeeting.
"Naging maganda ang medical mission natin ngayong araw. Mas marami pa tayong magiging activity sa mga susunod pang mga araw." sabi ng head doctor namin
BINABASA MO ANG
Switch
FanficHello Everyone, This story is based on my imagination. Not a true event. It is created to give entertainment for those bias is Suga. The characters are fictional. It is a fanfic story. Min Suga and Min Yoongi were twins But raised in different famil...