NICK'S POV
Halos gabi gabi parin akong di makatulog ng maayos simula ng mangyari lahat.
5 years narin akong nangungulila sa anak kong si Yoongi. Sa buong limang taon umaasa parin ako na buhay siya at makikita ko siya ulit. Kami, kaming mag-asawa umaasa kami na babalik siya sa amin ng buo at buhay.
Ayoko lang ng nakikitang sobrang nahihirapan tanggapin ni Claire ang mga nangyari. Araw-araw niyang sinisisi ang sarili niya dahil sa mga nangyari.
Lagi siyang umiinom ng alak habang umiiyak at binabanggit ang pangalan ni Yoongi. Hindi ko maatim na araw-araw kong nakikita aking asawa na ganun ang kalagayan.
Lagi niya ring pinagbubuhatan ng kamay ang anak naming si Suga. Sinisisi niya ito na dahil sa kanya ay nawala ang kapatid niya.
Hindi ko na maatim ang ginagawang pagmamalupit ni Claire sa anak naming si Suga. Alam ko na hindi kasalanan ni Suga ang mga nangyari.
Kung minsa'y nasisigawan ko si Claire dahil sa mga ginagawa niyang pamamalo at pananampal sa anak namin.
"D-d-daddy." ani ni Suga habang umiiyak na lumapit sakin na nakahawak sakanyang bibig.
"Why are crying anak?"sabi ko rito at tinanggal ko ang kanyang kamay na nakatakip sa kanyang bibig.
Laking gulat ko na nagdudugo ang bibig ni Suga.
"What happened to your mouth anak?Who did it to you?"pagtatakang tanong ko.
Hindi siya sumasagot at patuloy lang sa pagiyak.
Dali-dali kong kinuha ang first aid kit sa cabinet.
Ginamot ko ang sugat sa kanyang bibig. Kilala ko na kung sino ang may gawa nito nasambit ko na lang sa isip ko. Matapos kong gamutin ang sugat ni Suga ay dinala ko na siya sa kanyang silid. Inihiga ko na siya sa kanyang kama at kinumutan. Binasahan ko siya ng paborito niyang aklat at agad naman siyang nakatulog. Pinatay ko ang ilaw sa silid. Binuksan ko ang musical lampshade na nasa gilid ng kanyang kama. Kapag binuksan ito ay lalabas ang mala-galaxy na datingan na may maliliit at malalaking bituin. Mahilig si Sugang tignan ang mga bituin sa langit. Sumagi sa isip ko si Yoongi. Napatanong ako kung si Yoongi kaya ano kaya ang gusto niya?
Na sana ay nandito siya at nababasahan ko din ng mga kwento mula sa aklat.Matapos kong patulugin si Suga ay nagtungo na ko sa study room. Madilim ang silid at lampshade lamang ang tanging nagbibigay ng liwanag rito.
knock knock
"Mr. Chairman." tawag ng isang lalaki na mula sa labas ng silid.
"Come in." agad kong sabi rito.
"Have a sit."anyaya ko rito.
"Wala pa tayong lead chairman ngunit may bago akong irereport sayo." sabi niya na may iniabot na envelope
"Sa tingin ko ay buhay pa ang anak mo." dagdag pa nito
Agad kong binuksan ang envelope at tinignan kung ano ang laman nito.
Mga documents at copy ng passport ang nakalagay dito.Tinignan ko ang dalawang copy ng passport. Parehong pangalan. Pangalan ni Yoongi. Ngunit ang isa ay Park at ang isa ay Min.
"Ano ang ibig sabihin nito?"agad kong tanong sakanya
"Nakuha ko yan sa isang matalik na kaibigan. Siya naman ay maasahan. 2 years ago dalawang bata ang kapangalan ng anak mo na lumabas ng bansa. Ang isa ay Park Yoongi at ang isa ay Min Yoongi. Base sa edad ay kaedad ng iyong anak. Maaring iisang tao lang sila at maaring anak mo ito Chairman." banggit niya
"London, nasa London siya."dagdag pa nito
"Wala pa kaming matinding patunay rito. Ngunit malakas ang kutob ko na buhay pa ang anak mo Chairman." saad pa nito.
BINABASA MO ANG
Switch
FanfictionHello Everyone, This story is based on my imagination. Not a true event. It is created to give entertainment for those bias is Suga. The characters are fictional. It is a fanfic story. Min Suga and Min Yoongi were twins But raised in different famil...