CLAIRE'S POV
"Y-Yoongi." sabi ko
Ngunit hindi si Yoongi ang nasa harap ko.
"Mr.Kang, hindi siya ang anak ko. Nasaan ang anak ko?" tanong ko
"Ano ba ang sinasabi mo Mrs.Min. Siya si Yoongi. Suot niya ang kwintas na inilabas niyo sa Press noon." sagot niya
Tinignan ko ang suot niyang kwintas. Ngunit ito ay gaya lamang sa orihinal na kwintas na isinuot ko kay Yoongi. Hindi ko alam pero agad akong umalis ng mansyon ng walang sabi sabi. Halo halo ang nararamdaman kong emosyon.
Agad kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan ko si Nick.
"N-nick. Ang anak natin."sabi ko
"Anong nangyari Claire?" tanong niya sa kabilang linya
"Nasaan ka ba? Bakit hindi ka man lang nagsabi sa akin. Sana ay kasama mo ako ngayon." nagaalalang tanong niya saakin
"Si Y-Yoongi Nick." tanging nasabi ko rito.
Naputol ang usapan namin dahil may caller id na tumatawag sakin. Hindi ko alam kung sino ito pero agad kong sinagot ang tawag.
"Hello." tanging sabi ko
"Kumusta Mrs.Min?"sagot ng lalaki sa kabilang linya
Matagal ankong natigilan dahil sa boses ng lalaki. Hindi ako maaaring magkamali. Siya ang lalaking iyon.
"Nakalimutan mo na ba agad ako Mrs.Min? Haha."dagdag pa ng lalaki
"Nasaan ang anak ko. Alam kong buhay pa ang anak ko!" agad kong sagot sakanya
"Ikaw ang nagplano ng lahat ng ito. Alam kong hawak mo ang anak ko!"dagdag ko pang sabi rito
"Gusto mong malaman ang totoo?"tanong lalaki sa kabilang linya
"Sa tamang panahon at pagkakataon Mrs.Min huwag kang magmadali." Dagdag pa nito
Hanggang sa naputol na ang linya.
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Parang nawala ako sa sarili ko. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa kinatatayuan ko. Pero sa puso ko ay buhay si Yoongi at hawak niya ang anak ko.
Nagpasya na akong bumalik sa hotel para makapagpahinga bago umuwi ng Seoul.NICK'S POV
Naputol ang usapan namin ni Claire. Hindi ko alam kung bakit pero nagaalala na ko sakanya.
Sinubukan kong tawagan si Claire.
ring......ring....ring...
Agad naman niyang sinagot ito.
"Hello Claire. Nasaan ka na ba? Nagaalala na ko sayo." agad kong sabi sakanya
"Uuwi ako ng Seoul bukas ng umaga Nick. Hawak niya ang anak natin alam kong buhay si Yoongi at hawak niya ang anak natin." sabi ni Claire sa kabilang linya
"Magiingat ka diyan Claire. Dito na natin pagusapan sa bahay. Susunduin kita bukas sa airport." sabi ko sakanya.
kinabukasan.......
Agad kong niyakap si Claire ng makita ko siya.
"Thank God. You're safe." sabi ko sakanya habang yakap ko siya
Bigla siyang humagulgol ng iyak
"Shhhh. Claire. Let's go home. Kailangan mong magpahinga. Hinihintay ka ni Suga. Kahapon ka pa niya hinihintay." sabi ko kay Claire
Makalipas ang dalawang oras na biyahe mula airport ay nakarating na kami sa bahay. Nakita kong nakatayo si Suga sa labas ng aming gate.
Agad akong bumaba para salubungin siya.
BINABASA MO ANG
Switch
FanfictionHello Everyone, This story is based on my imagination. Not a true event. It is created to give entertainment for those bias is Suga. The characters are fictional. It is a fanfic story. Min Suga and Min Yoongi were twins But raised in different famil...