Three weeks have passed since magkita kami ni Adam sa office nya and it's frustrating na hindi ko sya nakitang dumalaw o kung dumalaw nga ba sya kay Nana.
Okay, I admit it! I really miss him that much. Nakaya ko naman tiisin sya di makita ng limang taon pero this time is a different story. Minsan ko na ngang binalak puntahan sya sa office nya pero ano naman idadahilan ko? Ilan beses ko na din hiniling makita ko sya sa bar ni Blake but I think the stars are against it.
Friday ngayon at feeling ko sobrang nakakapagod ang buong week. Bumaba na ako para mag almusal bago pumasok sa office. Hindi ako madalas magbreakfast pero dahil nga sobrang busy ko hindi ko masyado nakakausap sina Nana kaya gusto kong magbigay ng time ngayon kahit saglit lang.
"Masama ba pakiramdam mo hija?" Bungad ni Nana Rosa ng makita ako. Umiling lang ako at naupo na sa dinning. Sobrang tinatamad kasi ako ngayon at ang bigat bigat ng pakiramdam ko. O baka dahil sa lungkot na nararamdaman ko.
"Nana-" tawag ko dito na ikinahinto sa ginagawa nyang pag hahain ng pagkain.
"Ano yun hija?"
Tumikhim muna ko at umiwas ng tingin na kunway hindi naman ako ganoon kainteresado sa tatanong ko. "D-dinalaw na ba kayo. ni Adam? I mean kung ano-"
Tumawa ito ng mahina. "Kaya ka ba malungkot dyan dahil inaalala mo si Adam? " Napamulagat ako sa sinabi nito.
"Nana hindi po sa ganoon. Gusto ko lang po malaman kung tinupad nya po yung sinabi nyang dadalaw sya sa inyo ni Tata." Nakita ko si Ate Jen na nangingiti at tinignan ako na parang nanunudyo.
"Ay naku Nana, sabi ko sa inyo sabihin nyo na kay Miss Pam para sumaya naman." Sabat ni Ate Jen. Matagal na din si ate Jen sa amin. Highschool palang ako ng mag umpisa sya maging kasambahay. Ten years ang tanda nito sa akin. Kaya parang ate ko na ito. Hindi ako nagpapatawag ng ma'am sa kanya kaya lang ay ayaw nya akong tawaging Pam lang, kaya miss Pam nalang daw.
"Jen wag mo ng asarin si Pam baka lalong humaba ang nguso nyan." At talagang pinagkaisahan pa ako ng dalawa.
"Nana.... Bahala nga kayo dyan. Nagtatanong lang naman ako." Kunwa'y inis na sabi ko.
"Mga tatlong beses na ata syang dumalaw kung hindi ako nagkakamali." Si Nana na nag isip ng malalim.
"Apat na Nana. Di ba nga muntik pa sila magpang abot." Si Ate Jen.
So, iniiwasan nya talaga ako? Lalo ata ako nainis isipin iyon.
"Sabi ni Adam wag ko nalang daw muna sabihin." Si Nana.
"Bakit daw ho?" Tanong ko na nakakunot noo.
"Baka daw kasi magalit ka at hindi mo na daw sya payagang dumalaw sa amin. Pag nag tanong ka nalang daw." Paliwanag ni Nana.
"Ang kulit nga eh. Ayaw nya pa muna ipaalam pero sa twing dating naman laging ikaw unang tinatanong. Tapos pag wala ka ay sayang daw at di ka nanaman daw nakita." Si ate Jen na ikinalingon ko sa kanya.
"Sya lang po ba mag isa?" Di ko napigilan itanong.
"Mag isa lang naman sya hija. Sino naman isasama nya?" Parang nagtatakang tanong ni Nana sa akin.
"Baka lang po kasama nya gf nya." Halos sabay tumawa si Nana at Te Jen.
"Wala naman daw syang gf." Si Nana na nakangiti.
Natawa ako sa sinabi ni Nana. So, inilihim pala nito si Yvon. Alam kasi siguro nitong hindi na sya papayagan nila Nana dumalaw pag ganoon.
"Bakit Miss Pam? Meron ba?" Seryosong tanong ni Ate Jen. Nagkibit balikat lang ako.
BINABASA MO ANG
Knives in my heart
General FictionThey say: Never give up on something that you can't go a day without thinking about. Just because I let you go, doesn't mean I wanted to. - Pamela Jimenez A person that truly loves you will never let you go, no matter how hard the situation is. - Gr...