Alas kwatro ng madaling araw kami umalis sa bahay at mga dalawang oras mahigit din bago kami nakarating sa resort.
der Liebling Hotel and Resort. Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba ito o ikaiinis ko. Ito lang naman kasing name ng resort ay ang napagkasunduan namin dating ipangalan. Liebling in German means favorite. der Liebling also means an endearment like love, honey, darling, sweetheart.
Gusto ko na mainis ng makita ang bahagi ng resort at makapasok sa loob ng lobby ng hotel. Naiinis ako hindi dahil sa ang hotel and resort na ito ay nakaayon sa kung ano ang gusto kong ayos nito noon, kundi naiinis ako isipin na hindi na ako ngayon ang kasama nya na namamahala sa hotel tulad ng plano namin dati. Para akong sinasampal ng katotohanang, hindi porket binuo ang plano kasama ako ay hindi na ito mabubuo ng mag isa sya o iba ang kasama nya.
"Did you like it?" Napalingon ako kay Adam ng magtanong ito. Seryoso ang mukha nito at feeling ko talagang pinamumukha nya sa akin.
"Yes. Sinunod mo pa din pala." Umiwas ako ng tingin at baka makita nya ang panghihinayang ko.
"Yup. Ganoon din naman kasi talaga ang gusto ko. I hope you don't mind." Sagot nito na naglakad na.
"No worries." Agad na sagot ko na sumunod na din. Nakasunod naman sa akin sina Nana, Tata at Ate Jen habang manghang mangha sa nakikita. Kita naman kasi sa mga detalye ng gusali na talagang pinagisipan at ginastusan ito. Maging ang mga mwebles na halatang mamahalin. Brown and white ang combination ng pintura nito. At may mga kulay gintong detalye. Napakalinis at napaka bango ng paligid. May mga halaman din sa ilang sulok na nagbigay ng relaxing feeling at pati ang malaking wall na may water falls.
Ting! Hudyat na nasa tamang floor na kami. Tahimik lang ako at umiiwas na magkasalubong ang mata namin. Kumaliwa kami at nakarating sa naiisang pinto. Salamin ang halos kalahati ng pader kaya kitang kita ang magandang view ng buong resort at maging ang dagat.
"Wow! Ang ganda naman!" Nagulat pa ako sa biglang turan ni Ate Jen na manghang mangha. Si Nana at Tata naman ay ngiting ngiti at kita sa mga mata nila ang saya at paghanga.
"Ang ganda ng resort mo Adam." Si Tata.
"Ganda din nitong kwarto. Kitang kita lahat. Pwede bang dito nalang tayo tumira." Nagtawanan kami sa sinabi ni te Jen.
" Actually po, idea ni Pam halos lahat." Nakangiting sabi ni Adam na tumingin sa akin.
" Wow! Miss Pam ang galing mo naman. Mahal siguro magcheck in dito?" Si ate Jen na lumapit pa sa fiber glass wall.
Ngumiti lang ako. Hindi ko naman alam sasabihin at ewan ko ba may sakit kasi akong nararamdaman. Parang torture sa akin lahat ng nakikita ko dahil bumabalik yung saya ng kasama ko si Adam at alam ko na malabo na mabalik kami sa dati.
"Three bedrooms po itong pent house. Iyon pong dulo ang kwarto ko. At ito pong dalawang room po magiging kwarto nyo. " Si Adam na binuksan ang pinto ng kwarto. May queen size bed ito sa loob at may kama din sa mismong bintana na mas malaki sa single bed. Bawat kwarto ay may sariling cr. Unang kwarto ang pinili nina Tata at Nana at kami naman ni Ate Jen ang sa kasunod. Para itong buong bahay na kumpleto sa gamit. May swimming pool din ito na overlooking.
"Sure ka ba Miss Pam na tabi tayo?" Si Ate Jen na ikinalingon ko ng buksan nya ang kwartong para sa amin.
" Bakit naman?" Si Nana ang nagtanong na nagtataka din siguro.
Iniisip ko na baka iniisip nya dun nalang sya sa may bintana dahil may kama din naman iyon.
"Kasi akala ko po ay sila ni Sir Adam ang magkasama sa kwarto." Nagtawanan sila at ako naman ay nakakunot noo lang.
BINABASA MO ANG
Knives in my heart
General FictionThey say: Never give up on something that you can't go a day without thinking about. Just because I let you go, doesn't mean I wanted to. - Pamela Jimenez A person that truly loves you will never let you go, no matter how hard the situation is. - Gr...