Nawalan ka na ba ng tiwala sa sarili?
o ng tiwala sa iba?
Naloko ka na ba ng minsan...
Nasaktan ng sobra..
Pinaasa..
Iniwan.....
at Pinagmukhang tanga?
Pero paano kung sa gitna ng paghihirap mo....
May dumating na isang tao na handang magmahal sayo....
Ipagtatabuyan mo ba siya kahit may nararamdaman ka na para sa kanya?
o Bibigyan mo pa ang sarili mo ng SECOND CHANCE para magmahal muli.
Mark's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Umiinom at umiiyak.
Kakahiwalay lang kasi namin ng Long time Girl friend ko na si Clariz.
Matagal kaming nagsama. Almost 5 years. Akala ko siya na yung taong makakasama ko hanggang pagtanda, pero dahil sa pagalis niya nawala lahat ng mga pangarap ko para saming dalawa.
*FlashBack*
"Mahal, pag uwi mo galing Japan magpapakasal na tayo ah." sabi ko kay Clariz.
"Oo naman mahal. Pangako ko sayo na paguwing paguwi ko, aasikasuhin natin agad yung sa kasal natin." sagot naman niya.
*End of FlashBack*
Yan yung isa sa mga alaalang masaya ako na kasama siya..
"Nangako ka na paguwi mo magpapakasal tayo. Pero nasan na ?! Nasan na yung pangako na yun!" sigaw ko habang nagbabasag ng bote dito sa bahay ko.
Ang sakit pa din ng ginawa mong pagpapaasa sakin. Bakit di mo agad sinabe ng maaga ng hindi na ko nagmukhang tanga.
Yan ang paulit ulit na sinasabi ng isip ko.
Sorie, Mark. Hindi na ko makakauwi ng Pilipinas kasi buntis ako at ikakasal na ko bukas. Mahal kita pero hindi na tayo pwede. Sorie. Ingatan mo na lang ang sarili mo. Hindi ako deserving para mahalin mo. Ayoko lang masaktan ka kaya di ko agad inamin sayo.. Makakahanap ka din ng babaeng mamahalin mo at mamahalin ka ng higit sa pagmamahal ko. Sorie talaga. Bye.
Yan ang huling sabi sakin ni Clariz bago ko basagin ang Laptop na gamit ko para makausap siya. Nag-i- SKYPE kami ng aminin niya na buntis siya.
Pinagmukha niya kong tanga. Ginago nila ko. Magmula ngayon wala na kong tiwala sa mga babae na yan! Mga manloloko sila!
Ayoko ng magmahal ulit.
Ayoko ng masaktan pa.
Ayoko ng umasa..
at ayoko ng magmukhang tanga.
**
Short story lang po to.
Please read vote and comment.
maykiLig_22
BINABASA MO ANG
Second Chance ♡ (Short Story)
Short StoryAll of us deserve to have a second chance..