Third Chapter

238 11 2
                                    

Mark's POV

Nagising ako.

"Aray!" sabi ko. Napakasakit ng ulo ko.

Teka. Ano bang nangyare kagabi?


Sa sobrang kalasingan ko di ko na maalala.

Ang natatandaan ko lang, nagkasagutan kami ni Luis tapos lumabas na ko ng Bar niya. Habang naglalakad ako, may nakita akong isang magandang babae. Tapos, bigla na lang nagdilim ang paningin ko. Hanggang dun lang naaalala ko.

Pano ako nakauwi kagabi? Nakapagdrive pa ba ko kahit sobrang lasing ako.. Hay! Sumasakit lang lalo ulo ko sa kakaisip.

Tumayo na ko at dumiretcho sa banyo para maligo. After 30 minutes nakatapos na kong maligo.

Lalabas na sana ako ng kwarto ng may mapansin akong babae sa sofa.

Teka, di naman siguro multo to!

Scarryyy ! Kahit gwapo ako at kahit malaki ang katawan ko. Nakakahiya mang aminin pero....

Takot ako sa multo........

Biglang gumalaw yung babae sa sofa. So hindi siya multo, kasi mukhang natutulog siya eh.

Nilapitan ko yung babaeng nakahiga sa sofa.. Siya yung babae kagabi. Yung magandang babae. Siya kaya yung naguwi sakin dito?

Pero pano niya nalaman bahay ko.

Parang pamilyar siya sakin. Hindi lang dahil sa nakita ko na siya kagabi. Parang kilala ko na siya date pa.

Siya si ano.......


Sino nga ba yun????


Siya si........

Tama! Siya si Leslie yung pinsan ni Luis na naging crush ko dahil kabubbly niyang babae.

Lalo siyang gumanda ah.

Dug.dug.dug.dug.

Ano bang pakiramdam to..

Para akong kinakabahan.


Matagal din akong nakatitig sa kanya..

Natauhan ako ng may tumunog na cellphone sa table malapit sa sofa. Cellphone niya siguro to.


Saturday morning, jump out of bed and put on my best suit.
Got in my car and race like a jet all the way to you.

Ang lakas ng sounds pero tulog na tulog pa din tong si Leslie.

Tiningnan ko kung sino yung tumatawag.

Kuya Luis Calling......

Sinagot ko na tutal si Luis lang naman to.

"Hello, Leslie nasan ka na ba?! Wala nakong maisip na palusot kay Tita! Umuwi ka na! Ngayon na! Ako binubungangaan eh!" tuloy tuloy niyang sabi.

"Ihahatid ko na lang siya diyan sa inyo pre. Tulog pa kasi gigisingin ko na lang." sagot ko sa kanya.

"Mark? Nandiyan pa din siya sa inyo? Diyan pala siya natulog.. Anong nangyare sa inyo kagabi?" tanong niya.

"Oy! anong nangyare kagabi. Magdahan dahan ka nga sa pagtatanong.. Wala akong ginawa sa pinsan mo no!" pagdedepensa ko sa kanya.

Wala naman talagang nangyare eh. Tamang may gusto ako sa kanya noon pero si Clariz pa rin ang mahal ko.

Second Chance ♡ (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon