Leslie's POV
"Wala akong girlfriend." sabi niya.
Ano daw????
Wala siyang Girlfriend as in wala. Yieehhh! :)))
So, may pag asa nako. Wohoooo!
Napangiti ako sa sagot niya.
".... at wala nakong balak maggirlfriend." dagdag niya.
Awwwww!</3
Pano na ko kung wala siyang balak maggirlfriend..... :(
"Ah...." tanging sagot ko lang.
Pero hindi naman ibig sabihin nun na ayaw niya na sa akin diba?
Tama. Ok lang yan. Hindi pa naman niya alamna gusto ko siya eh. Baka pagumamin ako magbago na isip niya at magGirlfriend na siya. At syempre ako yung magiging Girlfriend niya. Nyahahaha! >:)
Uminum lang kami at nagkwentuhan ng konti.
Umuwi na din ako agad kasi nagtext sakin si Mama. Ngayon na daw sila uuwi dahil hindi daw natuloy yung meeting nila sa isang kliyente.
Akala ko pa naman matagal kaming makakapagkwentuhan.. Kaso hindi pala hayss..
Dumating ako sa bahay ng 8:00 na ng gabi. Naghihintay sila Mama sa sala.
"Good Evening Ma..... Pa" bati ko sa kanila sabay kiss sa pisngi nilang dalawa.
"Sanka galing baby? Bakit amoy alak ka.." tanong ni mama.
"Sa bar po ni Kuya Luis. Nakainum po ako pero konti lang." sagot ko at umupo sa sofa.
"Yan ang sinasabe ko sayo hon. Dito sa Pilipinas ganiyan lang ang gawain niyang si Leslie...! Dapat hindi na natin siya tanungin kung gusto niyang umuwi ng America!" galit na sabi ni Papa.
So yun pala ang tatanung nila sakin na importante?? Kung gusto kong umuwi ng America?
Ngayon pa ba ko uuwi kung kelang wala ng girlfriend yung taong matagal ko ng gusto.
"Ma... Pa... Ayoko na pong umuwi ng America. Dito na lang po ako sa Pilipinas... Sasideline na lang po ako sa Bar ni Kuya Luis bilang isang Cashier. Sigurado naman pong papayag yun eh..." paliwanag ko sa kanila na hindi yata nagustuhan ni Papa.
"Dun mo gustong magtrabaho?! Kesa sa sarili nating kompanya?! Bakit ha!? Mas importante ba yun sayo!!?" sigaw ni Papa sakin.
"Pa ayoko talaga sa America di nyo po ako mapipilit. Pasensya na po." sagot ko.
"Hon tama na. Hayaan na lang natin si Leslie kung anong gusto niya." sabi ni Mama sa kanya.
Tatalikod na sana ko ng hilahin ni Papa yung braso ko.
"Hwag mo kong tatalikuran pag kinakausap kita!!" sigaw niya sakin
"Aray! Pa naman! Pwede po ba sana po ako naman ang masunod ngayon.. Buong buhay ko kayo ang sinunod ko." sabi ko.
Nangingilid na ang luha ko dahil sa nangyayare. Totoo naman eh. Buong buhay ko sinunod ko sila. Hindi ko inisip ang sarili ko. Sa ngayon sarili ko naman ang iisipin ko.
*PAK!*
"At nanunumbat ka pa talaga ha?!!" sigaw ni Papa.
Sinampal ako ni Papa :(
Ngayon lang niya ko pinagbuhatan ng kamay. Ganiyan na ba siya kadesperadong mapalaki ang kompanya niya.
Tumakbo ako palabas ng bahay at nagdrive. Tuloy tuloy lang sa pagtulo ang luha ko..
Bahala na kung san ako mapupunta. Tutal, wala namang nagmamahal sakin eh...
Nakarating ako sa tapat ng bahay nila Mark..
Di ko din alam kung bakit dito ako napunta. Basta ang gusto ko lang ay may magcomfort sakin.
Hindi na ko nagdalawang isip at kumatok ako..
*Tok! Tok! Tok!*
*Tok! Tok! Tok!*
Maya maya lang ay may nagbukas ng pinto.
Halatang gulat si Mark ng makita niya ako.
Napayakap na lang ako sa kanya.
"Bakit? Anong problema? Dis oras na ng gabi ah."tuloy tuloy na sabi ni Mark sakin habang tinatapik yung likod ko.
"Mahal kita Mark......." yan yung salitang lumabas agad sa bibig ko.
****
Read. Vote and Comment.Lips_22 ♡♡
BINABASA MO ANG
Second Chance ♡ (Short Story)
Krótkie OpowiadaniaAll of us deserve to have a second chance..