Seventh Chapter

178 8 0
                                    

Maaga akong gumising para gumayak. Naempake ko na lahat ng gamit ko..

"Aalis na ko. Wala ng dahilan para magstay ako" bulong ko sa sarili ko bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Were on our way to airport.


Nalungkot ako ng maalala ko yung nangyare kagabi.

Tumingin na lang ako sa daan habang nagiisip.

Hindi kita gusto


Hindi kita gusto


Hindi kita gusto.

.

Paulit ulit na nagfflash back sa isip ko ang mga kataga na yan.


"Baby sigurado ka na bang sasama ka samin pauwi ng America." tanong ni Mama.

"Opo." sagot ko habang nakatingin pa din sa labas ng bintana.


Nasa airport na kami. Chineck ko muna kung may text ba yung cp ko, pero wala.

Naupo na kami sa waiting area habang hinihintay na tawagin ang Flight Destination namin. Nagmuni muni lang muna ako.

---
Mark's POV


*Nokia tune playing*


Ang aga aga namang may tumatawag sakin.

Tiningnan ko kung sino. Si Luis pala. Ano kayang kailangan netong gunggong nato.

"Oh?" tanong ko.

"Galing ba diyan si Leslie kagabe?" tanong ni Luis.

"Oo" tipid kong sagot.

Eh ano naman ang big deal dun kung galing si Leslie dito kagabe.


"Pre aalis na si Leslie ngayon." sabi ni Luis.


"Ohhhhhh, san siya pupunta?" tanong ko habang nagiinat.

"Pupunta na siyang America." sagot niya.

"So.. Ano naman ngayon sakin." sabi ko.

Aalis na si Leslie? Pero bakit.. Dahil ba sa nangyare kagabe..

Parang gusto ko siyang puntahan para sabihin yung totoo sa kanya..


Pero natatakot ako na pag inamin ko yun sa kanya eh masaktan lang ako tulad ng date.


"Pre sabi mo sakin gusto mo siya diba.. Kahit dati pa lang kayong nagkakilala....


.......Sana hwag kang matakot na magmahal ulit. Bigyan mo si Leslie ng Chance para patunayan na hindi lahat ng babae eh lolokohin ka.....


...Bigyan mo din ang sarili mo ng SECOND CHANCE para mahalin ng iba." tuloy tuloy niyang sabi sakin.


Parang natauhan ako sa sinabi niya.


Bakit nga ba hindi ko bigyan ang sarili ko ng Second Chance para magmahal ng iba.

Second Chance ♡ (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon