Leslies POV
Hayy! Nakatulog pala ko..
Anong oras na ba? Tumingin ako sa cellphone ko.
What?! Simula kaninang umaga ngayon lang ako nagising.
Alas kwatro na ng hapon. Pupunta nga pala ako ng Bar ni Kuya...
Pupunta kasi si Mark eh. Baka wala siyang kasama kaya pupunta ko para mas maging close kaming dalawa. Hihihi.
Itetext ko na lang muna siya para alam niya na pupunta ako.
Kinuha ko sa bag ko yung calling card niya saka ko sinave yung number niya sa cellphone ko.
Name: Crush :)
Number: 09*********
To: Crush :)
Hi Mark. Leslie to. Pupunta ka ba mamaya sa bar ni Kuya Luis?
SENT.
Maya maya nagvibrate yung cp ko. Akala ko si Mark na yung nagtext, si mama pala.
From: Mama.
Baby, uwi kami bukas diyan ng papa mo. May importante kaming itatanong sayo.
Ano kaya yung importanteng itatanong nila? Nagreply ako sa text ni Mama.
To: Mama.
Ok po ma. Hintayin ko na lang po kayo bukas.
Nagvibrate ulit yung cp ko.
Si Mark nagtext na.
From: Crush
Oo. Bakit mo natanong?
To: Crush
Samahan sana kita kung okay lang naman..
From: Crush
Okay lang. Sige, see you there at 6:00pm
To: Crush
Ok :)
Gumayak na ko sa pagpunta sa Bar ni Kuya Luis.. Nagdress lang ako na black na medyo above the knee..
Its already 5:30.
Nagdrive na ko papunta sa Bar.
Nagpark nako.
5:58pm na ng makarating ako sa Bar.
Nagpark lang ako then pumasok na ko sa Bar.
Nakita ko sa table sa dulo si Mark. Umiinum na sila.. Kasama niya si Kuya Luis.
"Hi Mark. Hi Kuya Luis" bati ko sa kanilang dalawa saka umupo sa tabi ni Kuya Luis. Nasa tapat ko si Mark.
"Kanina pa kayo?" tanong ko.
"Ako , kadarating ko lang." sagot ni Mark.
"Ako kanina pa." natatawang sagot ni Kuya Luis.
"Malamang. Ikaw ang may ari ng bar nato eh. Malamang sa kanina ka pa dito. Kumag ka talaga. Hahahaha" sabi ko.
Pinisil ni Kuya Luis yung pisngi ko.
"Aray ko naman Kuya." sabi ko habang hinihimas yung pisngi ko.
"Ang cute cute mo kasi eh...." sabi niya sabay amba ng kurot sa pisngi ko.
"Tumigil ka nga Kuya!" saway ko sabay tampal sa kamay niya.
"Alam nyo pag nagsama kayong dalawa. Parang sasabog eardrums ko. Ang ingay nyo eh. Hahahaha!" tumatawang sabi ni Mark.
Ang wafuu niya talaga. Lalo akong naiinlove eh. Yieehhhh!!!
"Teka, iwan ko muna kayo ah. May gagawin pa nga pala ko sa Counter eh." paalam ni Kuya Luis.
"Ikaw. Magbehave ka ah." sabi ni Kuya Luis sabay kurot sa pisngi ko.
"Oo na. Kailangan may kurot pa. Sakit na ng pisngi ko eh." sabi ko.
"Pre, ikaw na bahala sa pinsan ko ah." bilin ni Kuya Luis kay Mark bago tuluyang umalis.
"Hm.... Mark?" sabi ko.
"Bakit?" tanong niya.
"Sinong Girlfriend mo ngaun" tanong ko.
Parang ang awkward ng tanong ko.. Eehh. Gusto ko lang malaman eh..
Tumingin lang siya pero hindi niya sinagot ang tanong ko.
"Ok lang kung ayaw mong sagutin." sabi ko sabay inum ng Vodka na nasa harap ko.
"Wala akong Girlfriend."
*****
Read Vote Comment.Lips_22