Ilang araw narin kaming nanatili dito. Pero iyong mga kapatid ko mas gusto nilang manatili sa mansyon. Si mama at papa lang minsan kasama ko. Minsan naman si Ate merlin bagong yaya na kinuha ni mama.
"Saan punta mo?"
"May practice kami, Naka pag paalam na ako kay papa."
"Practice nanaman?" taas kilay ni mama.
"Myghad, Una na ako." Lumabas na agad ako ng bahay. kahit kilan talaga napala strict ni mama pag ako ang lalabas.
Inayos ko ang maliit kung bag at dumeretso papunta bahay ni lola. May pinapabigay kasi si papa. Kumatok ako habang kinukuha ang pera sa bag.
"Wala kaming bigas." Agad kung inirapan si thea.
"Saan si lola?"
"Ay nakiki lola." Pang iinis niya saakin.
"Ano ba! Nag mamadale ako. Sapakin kita eh."
"Pikon parin! Nasa kusina, Bakit mo saakin hinahanap? Nasa bulsa ko ba hah?" ngisi niya.
"Alam mo... Putangina mo." Linagpasan ko siya. Dumeretso ako sa kusina. Nag hahain si lola ng pagkain ni Grant.
"Parang bata." Bulong ko.
"Lola." Tawag ko sa atensyon niya.
"Liana, apo. Halika sabay kana kay grant."
"Wag na lola. Dinaan ko lang itong pinapabigay ni papa."
"Naku, sabing huwag na niyang bayaran eh." iritang sabi ni lola.
"Sayo nalang iyan apo." Nanlaki ang mga mata ko.
"Lah? Seryoso? limang libo ito, Lola."
"Oo nga, Bili kana rin ng bago mong Pants." Isang malakas na tawa ang narinig ko kay Thea at nabulunan pa si Grant.
"Ripped jeans to lola. Style niya to." Turo ko.
"Ahh basta. Saan ka pupunta? Ang aga-aga."
"Practice namin. Ay shit! Nag mamadale pala ako." usapan namin dapat ako mauuna doon.
"Sakay ka nalang kay, Grant. Tapos narin naman siya." Napatingin ako kay Grant. Tinaasan lang niya ako ng kilay.
"Naka motor yan, Liana." Ngisi ni Thea.
"Ahh Motor? Wag na lola, Salamat. Sige po una na ako." Paalam ko agad.
Hindi ko na hinintay na mag salita pa si lola. Pipilitin lang niya ako para maka sabay kay grant.
Pagdating ko sa Park agad kung nakita ang mga kasama ko.
"Sorry, Nalate ako."
"Hindi naman bago. Lagi ka naman late eh."
"Kung hindi lang talaga ikaw ang trainor namin!" sumbat saakin ng bestfriend kung si Neyca.
"Pake ko sayo."
Inirapan ko siya at sinabi sa ibang mag-line na para maka pag start narin kami.
"Hit you with that Ddu-du-Ddu-du then One,two and three then full it back." Tinignan ko sila sa at agad naman nilang nakuha.
"Okay, From the start."
"L-liana."
"Hmm?" tanong ko sakanila.
"Kanina pa nakatingin sayo ang lalaking iyon." Tinignan ko naman ang tinutukoy nila.
"Putangina." Tanging naibulong ko.
"Pero Infairness gwapo. Kaya hayaan na natin." Sambit naman nila.
Bigla nalang siya ngumisi at naglakad papunta sa direksyon namin.