Chapter 01

13 2 0
                                    

It was a rainy day. Papunta kami ngayon sa bagong bahay namin. Okay naman ang bahay namin pero hindi ko alam bakit pa kami lilipat.

Tumigil ang kotse kaya napatingin ako sa bintana. Isang masikip na daan pero okay na para kumasya ang kotse. Pumasok si papa sa masikip na daan na iyon.

Mga bahay ang bumungad saamin. Nakatingin rin saamin ang mga tao sa labas. Parang subdivision lang siya kung tutoosin.

"Nandito na tayo." Isa-isa kaming lumabas ng mga kapatid ko at tinignan ang bagong bahay.

"Ngeyk?" Rinig kung sambit ng kapatid ko.

"This is it? Our new house?."

Mas maliit ito kumpara sa bahay namin. Hindi siya ganon kaliit pero nakaka pagtaka bakit ganito ang pinili nila. May swimming pool panga sa bahay tapos ang laki pa.

Nag kibit balikat nalang ako at lumapit sa driver sit para buksan ang likod ng kotse.

"Yes, Our new house. Walang permanenteng tubig at walang... Yaya."sabay sabay kung narinig ang boses ng mga kapatid ko.

"What?!"

"Paano ang mga damit ko?! Sino ang mag lalaba?!"

"Ikaw." Irap ko at pumasok sa loob.

Not bad... Just a simple living room tapos nandoon narin ang dining room. Sa taas naman may dalawang kwarto.

"What the heck?!"

"Ang lakas ng boses mo!" Sambit ko.

"Mas malakas sayo!" irap saakin ng ate ko.

"Bakit dalawang kwarto lang? Omayghad."

"Nakita mo na nga kung gaano kaliit itong bahay na ito sa labas tapos magugulat kapa?"

"Shut.up." Bigla siyang nag walked out. maybe para mag reklamo at mag pumilit kina mama para bumalik sa mansyon.

Lumabas rin ako ng bahay. Naiingayan ako sa nga reklamo ng mga ate ko.

"Not bad..." Maraming tao sa labas. Lalo na ang mga bata dito. Binuksan ko ang kotse para i park ng maayos. I don't have a student license pero marunong na ako.

"Shit." Bulong ko. Biglang may dumating na mga lalaki. Agad kung pinatay ang makina at dali daling lumabas. Pero tangina lahat sila napatingin saakin.

I hate this situation. Hanggat maari iniiwas ko ang sarili ko sa mga ganitong sitwasyon. Sinara ko ng maayos ang kotse at nilock. Alam kung naka tingin sila saakin kaya agad akong pumunta ng bahay.

"Ni park mo ang kotse?" Tanong ni papa.

"Oo, Mag pahinga kana."

Nag ayos narin kami ng gamit ng mga kapatid ko. Di bale tabi tabi kami ng higaan. This is the first na mag tatabi tabi kami.

We stayed here for about 3 days. At masasabi kung mas gusto ko dito kesa sa mansyon. Sinalubong ko si papa sa labas dala ang mga binili nilang mga furniture ng bahay.

"Sino mag kakarga niyan? Wala namang lalaki sa bahay." Taas kilay ko.

"Sinabi ko bang ikaw?" Ganti saakin ni papa.

"Sabi ko nga hindi."

Pinark ko ng maayos ulit ang kotse tapos bumalik narin. Pag balik ko may mga kasama na si papang tatlong lalaki.

"Buksan mo ang pinto. Para deretso na itong maipasok." Agad ko namang sinunod.

Iyong tatlo na iyon. Parang nakita ko na sila noong ni park ko ang kotse. Amp ano naman kung nakita ko? Big deal ba?.

PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon