"Nandito na tayo. Pwede kanang dumilat."Dumilat ako. Nasa tapat kami ng court malapit sa bahay.
"Thanks." Binigay ko sakaniya ang helmet.
Isang katahimikan ang namayani saamin. Hindi ko alam ano ang sasabihin ko. Wala akong maisip.
"Uhmm, Pasok na ako. S-salamat." Dahan-dahan kung sabi.
"Darth." Napalingon ako agad.
"Si Darth?" Nakalimutan ko. Nalaman pala niyang ang tungkol samin ni Darth. Hindi naman ata sumbungero siya eh no?
"Hindi mo naman ako isusumbong no?"Kinakabahan ako.
"What? You're not allowed in a Relationship?" Takang tanong niya.
"Wag kang mag-sumbong pls." Kagat labi ko.
"I won't." Nagliwanag ang mukha ko. Sabi nanga ba mabait pala ang isang to.
"But it depends on how you treat me." Ngisi niya.
Binabawi ko na ang sinabi ko kanina. Nakalimutan ko lahat pala may kapalit. Bumagsak ang mga balikat ko.
"Hah?" Kinindatan niya lang ako at humarurot na ang motor niya. Iniwan ako mag isa. Okay lang sanay naman ako maiwan.
"It depends on how I treat him?" bulong ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa bahay.
Parang nagegets ko na ang sinabi niya. Pero hindi naman ako close sakaniya para sungitan ko. Oo sinugitan ko siya kanina pero doon lang iyon. Hindi ko pa iyong nasusungitang ng malala.
Ang arte naman ng lalaking iyon. Sinungitan lang kanina may pa 'It depends on how you treat me' pang nalalaman.
Pag talaga sinungbong ako non. End of world na saakin. Iba mamalakad pamilya namin pag dating sa mga ganitong issue.
"Huli ka! pero dika kulong!" Bigla akong napatalon.
"Ay gago! buset ka!" Sigaw ko sa kapatid ko.
"Sino iyon hah? Nakita ko iyon. Ma! Pa! May nakita ako dito sa labas!." Sigaw niya sa loob. Pinanlakihan ko siya ng mata at hinila ang buhok.
"Ano? Ano bang nakita mo hah? Maissue kang bata!" hila ko sa buhok niya.
"Aray! Ma! Pa!" Ayaw padin mag tigil. Hinila ko na siya sa loob dahil lumabas na ang mga kapit bahay namin.
"Ano bayan? Mag aaway nanaman kayo!"
"Ma! Si Lianna may kasama kanina." Angal ng kapatid kung si ashley.
"Gago! Maissue ka!Napadaan lang ako sa harap non." Gawa-gawa ko ng kwento kasi mahirap na.
"Wag ako! Bumaba kapa sa motor niya tapos binigay mopa helmet niya!" Natahimik ako.
Napatigil sa ginagawa si mama at papa.
"Halah ka! Huwag ako lokohin hindi pa sira mata ko gaya mo!" Tawa niya.
Napakagat labi nalang ako dahil sa mga reaksyon ni mama at papa. Tumigil din sa pagtawa ang kapatid ko ng mapansin niyang ang sitwasyon.
"Joke lang pala iyon, Mama." Yumuko pa siya. Nahuli na ang joke mo gagong bata.
"Marzannah, pasok ka sa taas. Baba kayo pag tapos na ang pagkain."
Wala akong nagawa at umakyat na lamang. Isang irap ang binigay ko sa kapatid ko. Bumuntong hininga ako at nagpalit narin ng damit.
Binagsak ko ang katawan ko sa kama at tumitig sa taas.
"More scolding later." Ayaw kung ganito nalang palagi. Laging ganito ang sitwasyon namin ni mama.