Napadilat ako nang may tumama saaking unan.
"Cellphone yun!" Angal ng ate ko. Kahit nahihirapan akong dumilat ay hinanap kopa ring ang cellphone ko. Sinagot ko iyon.
"Hello?" si thea. Hindi ako sumagot, hinihintay ang susunod na sasabihin niya.
"Tulog kapa rin? Maligo kana uy! Alas Dyes na. Mamimili pa tayo ng kakainin natin mamaya!" Nilayo ko ang cellphone sa tenga ko.
"H-hindi mo saakin sinabi." Antok kung sabi.
"Sinasabi ko nanga eh! bilisan mo! malapit na matapos si Kuya. Sasamahan niya tayo!" Sigaw niya saakin.
"Buset ka ng araw ko." Pinatay ko ang tawag. Matutulog nalang ako ng Limang minuto. Biglang nag text si Thea.
From: ManangThea
'Tapos na si kuya. Bibigyan ka namin ng 15 mins. tapos susunduin ka namin.' with winked emoji.
Napamura nalang ako at dumeretso sa banyo. Hindi ko alam naka ilang minuto ako sa banyo. Lumabas rin ako kaagad at nag sout ng simpleng damit. Nag Maong shorts lang ako at sweat shirt na Katamtaman ang haba para Kita ang maong shorts ko. Nilugay nalang rin ang Short hair ko and Wear my Haryy potter glass.
Narinig ko ang boses ni Thea sa baba kaya lumabas narin ako ng kwarto. Nakita ko silang nag uusap ni papa.
"Pa, Alis na kami." Kuha ko ng atensyon sakanila.
"Ingat kayo. Hah? Paki sabi kay Grant hinay hinay sa maneho. Takot si Liana sa mabilis." Paalala ni papa kay thea.
"Ako na po bahala mag sabe kay kuya. Sige po, salamat." Hinatak na niya ako palabas. Bigla nalang niya akong kinurot habang nakangisi.
"Bago yan hah? Hindi na nakatali ang buhok mo! sabi ko Sayo bagay sayo eh. Pero Bakit ka naka shorts?"
"Anong masama?" Nag kibit balikat siya at sumakay na sasakyan nila. Pumasok narin ako.
Tinignan kami ni Grant nang naka taas ng kilay.
"Umupo ung Isa dito. Ano ako Driver?" Sungit niya. Bigla akong tinapik ni thea. Sinasabing Pumunta ako sa harap.
"Gaga? Bakit ako? Ikaw ang kapatid no." Angal ko.
"Bawal ako umupo jan. Takot ako." Ngisi niya. Napatingin kami kay Grant dahil uma angal nanaman. Lumabas ako at lumipat ng upuan.
"Short amp." rinig kung bulong ni Grant. Napatingin naman ako sa shorts ko. Nilagay ko nalang ang maliit kung bag sa legs ko.
"Ang laki ng Problema niyong magkapatid sa shorts." Natawa naman si thea. tapos umismid si Grant.
"Si kuya lang." Nguso ni Thea.
Malayo pa naman ang pupuntahan. Mga isang oras ata kami sa daan. Malayo kasi ang Mall dito saamin. Nag soundtrip nalang kami. Minsan nakikita kung napapatingin saakin si Grant tapos ngising aso naman si Thea.
Pag untogin ko silang dalawa eh.
Inayos ko ang buhok ko at ang bag ko. Nasa Parking lot narin kami. Isa isa kaming bumaba at dumeretso papunta sa Entrance. Nakasunod lang saamin si grant.
May tumawag saakin pero hindi ko kakilala kaya tumangon nalang ako at nagpahatak kay thea. Ang daming nakatingin kay Grant.
"Sikat ba yang kuya mo? pati lalaki nakatingin sakaniya?" Bulong ko kay thea.
"Oo sa school nila. Pero gagik! Ikaw tinitignan ng mga lalaki." Tawa niya. Biglang may humila sa bag ko kaya napahinto rin si thea. Si Grant lang pala.