RIVER'S POV
"Azi Sakurai," sambit ni Master habang titig na titig sa ID na hawak niya. Iyon ang nakuha ko kanina sa warehouse kung saan kami natakasan ng kung sinong kumag na iyon. Tsk.
"Where is he?" Tipid niyang tanong dahilan para mapalunok ako.
Nagkatinginan naman kami ng mga kasama ko at ramdam ko na rin ang kanilang kaba. Ni isa sa kanila ay walang nagsalita.
Nang muli kong ibinalik ang tingin ko kay Master ay nagulat ako dahil nakatayo na ito sa aking harapan. Isang matalim na tingin ang ipinupukol nito.
"Is there any problem, Loyola?"
Kinakabahan man ay agad ko siyang sinagot. Bahala na.
"Natakasan po kami, Master."
Matapos kong sabihin iyon ay napaupo na lang ako sa sahig sa sobrang lakas ng suntok na pinakawalan nito.
"Iyan lang ang sasabihin mo pagkatapos kitang kupkupin?" Wala akong nagawa nang hatakin niya ang kuwelyo ko paitaas. "Aba'y wala ka palang silbi!!"
Muli na naman akong nakatanggap ng sunod-sunod na suntok. Nagtagal pa ito nang ilang minuto bago kumalma si Master. Tahimik namang nakamasid sa tabi ang aking mga kasama habang iniinda ko ang hapdi ng sugatan kong labi. Tiyak na ayaw rin nilang mapagbuntunan ng galit nito.
"I'll give you 24 hours to find that boy," muling pagsalita ni Master kaya agad na akong tumayo kahit masakit pa ang aking katawan.
"Sa oras na mahanap niyo siya, I want all of you to kill him no matter what. Understood?"
Sabay-sabay kaming tumango bago lumabas ng kaniyang opisina.
Nang masiguro kong nakalayo na kami ay hindi ko napigilang magmura. Lintik talaga. Nang dahil sa Sakurai na iyon, bugbog-sarado pa ako.
"Naku, River! Nagasgasan na ang gwapo mong mukha, paano ba iyan?" Natatawang pahayag ni Hades. Sa buong samahan, siya ang isa sa maituturing kong matalik na kaibigan.
"Tumahimik ka, duwag! Eh ikaw nga, hindi nakapagsalita kanina sa sobrang kaba. Baka naihi ka na diyan ah?" Pang-aasar ko naman.
"Pero maiba ang usapan, ano nang gagawin mo? 'Pag hindi mo nagawa ang ipinauutos ni Master, tiyak na aalisin ka niya sa samahan."
Napatingin naman ako kay Hades. Gaya ko, nag-aalala rin ito.
Napabuntong-hininga na lang ako. Sa sobrang tagal ko nang naging miyembro ng samahan, parang pamilya na ang turing ko sa kanila. Hindi ako makakapayag na basta-basta na lang akong alisin.
Kailangan kong makita ang Azi Sakurai na iyon.
"T-teka tol, saan ka pupunta?" Nagmamadaling tanong ni Hades nang sumampa ako sa aking motor.
"May papatayin lang ako," nakangising sagot ko bago pinaharurot ang sinasakyan.
***
"Nahanap mo ba kung saan siya nakatira?" Tanong ko sa kabilang linya.
Matapos kong iwan si Hades ay dumiretso ako sa paborito kong tambayan habang hinihintay ang tawag ni Chonna, girlfriend ko. Miyembro rin siya ng empire at dun kami nagkakilala. Siya ang tumutulong sa paghahanap ng mga taong tinutugis ng samahan.
"Wala ka bang tiwala sa'kin?" Ramdam ko ang kanyang pagngisi kahit 'di ko siya nakikita. "As usual, hindi ako nahirapan. I'll just send you the address."
"Thanks, babe."
Binaba ko na ang tawag at agad na tinungo ang parking lot. Sakto namang dumating ang message ni Chonna kaya mabilis ko itong binuksan bago sumakay sa aking motor at pinaandar ito.
CHONNA'S POV
"Thanks, babe." Tipid na sagot ni River bago nito binaba ang tawag.
"Sino iyang kausap mo? Boyfriend mo?"
Napatingin ako kay Rage na nasa tabi ko. Sinamaan ko siya ng tingin. I just hate it when he's referring to River as my boyfriend. Eh siya naman ang totoo kong boyfriend.
"Hanggang kailan pa ba ako magpapanggap na girlfriend ng gagong iyon?" Naiinis kong tanong.
Imbes na sumagot ay nagulat ako nang bigla na lang niya akong hinalikan sa labi. Hindi ko naman napigilang mapangiti. Gosh, I missed this.
Nang humiwalay siya sa halik ay saglit kaming nagkatinginan bago ito nagsalita.
"Konting tiis na lang, babe. Malapit na nating mapabagsak ang Rushifa."
RIVER'S POV
Kanina pa ako tingin nang tingin sa side mirror ng aking motor. At hanggang ngayon ay nakasunod pa rin ang isang itim na van sa'kin. Fuck.
Binilisan ko lalo ang pagtakbo ng motor. Tiyak akong kalaban ng samahan ang sino mang nasa loob ng van na iyon.
Tsk. Ngayon pa talaga nilang naisipang magpakita kung kailan may importante pa akong gagawin. I still have to get rid of that Azi Sakurai.
Iwinaksi ko na muna ang nasa isip nang makita ang pagitan namin ng van. Isang metro na lang ang layo namin sa isa't-isa. Ginawa ko itong pagkakataon para lumiko sa isang eskinita.
At hindi naman ako nabigo dahil wala na silang nagawa kundi tumigil. Nice.
Itinuloy ko na ang pagmamaneho at 'di rin tumagal nang makarating ako sa address na ibinigay ni Chonna.
Hindi pa ako nakakababa ng aking motor ay nakita ko na ang pamilyar na mukha ng taong nagmamay-ari ng ID. Kitang-kita ko ang paglabas niya mula sa isang 2-storey apartment.
Nang magsimula na siyang maglakad palayo ay saka pa lamang ako bumaba ng aking motor. Agad naman akong sumunod sa kanya habang sinisigurong hindi niya ako mahahalata. Mahirap na't baka matakasan na naman ako nito.
Pagkalagpas namin ng isang metro ay kinuha ko na ang aking baril mula sa bulsa ng jacket ko. Matapos ko itong lagyan ng bala ay lumingon-lingon muna ako sa paligid para matiyak na walang taong naroroon. Dahil wala naman akong nakita ay agad ko itong itinutok sa kaniyang ulo.
Kakalabitin ko na sana ang gatilyo ng baril nang bigla akong makaramdam ng hapdi sa bandang balikat ko. Pagtingin ko rito ay nagulat ako sa dugong umaagos mula rito. Tinamaan ako ng baril. Shit.
Mabilis kong hinanap ang sino mang bumaril sa'kin. Agad ko namang nakita ang isang lalaking nakasuot ng maskara na nakatayo malapit sa black na van na siyang sumusunod sa akin kanina. Paano nila ako nasundan?
Balak ko pa sana silang barilin ngunit naunahan ako nito. Sa puntong ito, nabitawan ko na ang aking baril dahil tumama ang bala sa aking tiyan.
Wala naman akong nagawa kundi ang mapahawak na lang rito habang pinanonood ang pag-alis ng van kasama ang gagong bumaril sa'kin. Humanda talaga iyon sa'kin.
"Kuya, naririnig niyo po ba ako? Sa tingin ko, kailangan ko kayong dalhin agad sa ospital."
Bago ako mawalan ng malay ay napatingin ako sa pinanggalingan ng boses.
Tumambad sa akin ang kaniyang mukha.
Walang iba kundi ang taong dapat kong patayin.
BINABASA MO ANG
Kill Me Softly
RomanceSa loob ng labing-walong taon, nabuhay si River Loyola na walang kinikilalang pamilya maliban sa grupong kinabibilangan niya-ang Rushifa Empire. Sa mundong kanyang kinamulatan, isa siyang halimaw na handang kitilin ang buhay ng sino mang magiging ba...