RIVER'S POV
"Ipinatawag ko kayo dahil may isang 'di kilalang taong pumatay sa dalawa ninyong kasamahan. At ang ipinagtataka ko, kagabi lang ito nangyari matapos nilang puntahan ang kinaroroonan ng Azi Sakurai na matagal na nating hinahanap."
Kasalukuyang nagsasalita si Master habang tahimik lang kaming nakaupo at nakikinig. Pagkatapos kong ihatid si Sakurai ay dumiretso na agad ako dito dahil nakatanggap ako ng tawag mula kay Hades na may importante daw na sasabihin si Master. At mukhang tama nga ang hinala ko.
"Loyola."
Agad akong napatingin kay Master nang tawagin niya ako. Walang mababakas na emosyon sa kaniyang boses at hindi ko rin masabi kung may alam na ba siya na ako ang may kagagawan ng lahat ng 'to.
"Nasaan ka kagabi?" Saglit akong napipi dahil sa biglaan niyang tanong. Buti na lang at mabilis akong nakasagot.
"Nasa bar lang po ako malapit sa headquarters, Master. Hindi pa rin po kasi ako makapaniwala na niloko ako ni Chonna." Kahit alam ko sa sarili kong walang kwenta ang alibi na sinambit ko, nakahinga pa rin ako nang maluwag dahil hindi na nagtanong pa si Master.
"O, siya. Bago ko kayo paalisin, may kakilala ba kayong pwedeng gumawa nito sa inyong kasamahan?"
Katahimikan.
Nagkatinginan lang kami ngunit wala sa amin ang sumagot.
"Dahil mukhang wala akong makukuhang sagot mula sa inyo, maaari na kayong umalis. Maliban sa'yo, Loyola." Puno ng awtoridad ang pagkakasabi ni Master kaya bigla akong nakaramdam ng konting kaba.
"May ipapagawa po ba kayo, Master?"
"Alam ko kung nasaan ka kagabi." Saglit siyang ngumiti bago niya sinindihan ang hawak na sigarilyo. "Pero huwag kang mag-alala," tinapik niya ang aking balikat bago niya itinuloy ang sasabihin. "Kalilimutan ko ang ginawa mo ngunit siguraduhin mo lang na mamaya ay kasama mo na ang batang iyon."
Hindi ko na nagawang magsalita pa. Umalis na si Master pero isa lang ang tumatakbo sa isipan ko...
Ayokong ipahamak si Sakurai.
AZI'S POV
"Leibniz," ito na ang ikaanim kong pagtawag sa kanya.
Magmula kanina ay hindi niya ako pinapansin. Hindi ko naman kasi talaga sinasadya na iwan siya kanina. Ayoko lang talagang malaman niya ang pinagsasabi ko kay River. At ngayon, mas lalo kong pinagsisihan na nagpahatid ako sa asungot na iyon.
"Gusto mo bang mahulog?"
Hindi ko alam kung nag-aalala ba talaga 'to sa akin o trip lang niyang asarin ako. Kahit na ayokong sumama sa kanya dahil mas gusto kong kasama si Leibniz, wala na akong nagawa dahil baka kung ano pa ang sabihin niya sa bestfriend ko.
"Huwag ka na ngang mahiya, dito mo dapat nilalagay ang kamay mo." Kasabay ng mga salitang binitawan niya ay hinablot niya ang magkabilang kamay ko na nasa balikat niya at ipinuwesto ito sa kanyang bewang.
"Gago ka talaga," naiinis kong sambit na tinawanan lang niya.
Hindi na lang ako umimik pa dahil binilisan niya ang pagtakbo ng motor. Mas lalo lang akong maaasar kung magpapatuloy ako sa pagsagot sa kanya.
Umabot nang sampung minuto bago kami nakarating sa gate ng campus. Saktong pagkababa namin ay sinalubong ako ng iba ko pang mga kaklase.
BINABASA MO ANG
Kill Me Softly
RomansaSa loob ng labing-walong taon, nabuhay si River Loyola na walang kinikilalang pamilya maliban sa grupong kinabibilangan niya-ang Rushifa Empire. Sa mundong kanyang kinamulatan, isa siyang halimaw na handang kitilin ang buhay ng sino mang magiging ba...