CHAPTER 05: LOVE TRIANGLE?

5 0 0
                                    


AZI'S POV

Napahawak ako sa aking mga labi nang makaalis na si River. Oo, alam ko na ang kanyang pangalan dahil sa calling card na ibinigay niya. Inaamin kong hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko ang paghalik niya sa akin. Hindi dahil sa nagustuhan ko, ito kasi ang unang pagkakataon na may humalik sa akin. At mula pa talaga sa kapwa ko lalaki.

Buti na nga lang at dinala ni Leibniz si Hero pauwi ng kanyang bahay. Kung hindi, nasaksihan na rin ng aso ko ang buong nangyari. Nakakahiya.

Pilit ko muna itong iwinaksi sa aking isipan. May pasok pa ako bukas kaya dapat na rin akong matulog. Sinubukan kong ipikit ang aking mga mata ngunit kusa pa ring sumasagi sa isipan ko kung paano niya ako hinalikan kanina. Walang silbi kahit ilang beses na akong nagpagulong-gulong sa kama.

Bumangon ako sa pagkakahiga at napahilamos sa mukha.

Dahil hindi pa rin ako makatulog, naisipan ko na lang na mag-Facebook. Tumayo ako para kunin ang cellphone kong naiwan sa sala. Pagkalabas ko ng kwarto ay sinalubong ako ng dalawang lalaki na nagmamadaling pumasok ng aking silid.

"Ano pong kailangan niyo?" Nagtataka kong tanong na agad ko namang pinagsisihan matapos kong maalala ang kanilang mga pagmumukha. Kasama sila sa grupo ng mga kalalakihang nakita ko sa warehouse kung saan ako muntikan nang mamatay.

Bago pa sila tuluyang makalapit ay umatras na ako. Dali-dali akong pumunta sa kwarto para magtago ngunit saka ko lang naalala na nasira pala 'yung pinto kanina. Patay.

"Huwag mo nang subukan pang tumakas, bata. Sabihin mo na lang sa amin kung ano ang mga nakita mo," naunang magsalita ang isang lalaking maraming tattoo sa braso.

"H-hindi ko po alam ang sinasabi niyo."

"Natitiyak kaming may nalalaman ka," napatingin sila sa isa't-isa bago tumawa nang malakas. "Kaya kailangan mo nang tumahimik."

Hindi ko na nagawang makapagsalita nang ilabas nila ang kanilang mga baril. Sabay nila itong itinutok sa ulo ko.

"Nagsasabi po ako ng tot--" Hindi ko natapos ang sasabihin dahil sa sunod-sunod na pagputok na baril.

Sa sobrang gulat ay hindi ko naiwasang pumikit. Nang muli ko itong idilat ay nakabulagta na sa sahig ang katawan nilang nababalot ng sariling dugo.

"Head shot," sambit ng isang pamilyar na boses.

Agad naman akong napalingon sa pinto at nakita siyang nakatayo habang hawak pa rin ang kanyang baril. Nang mapatingin siya sa'kin ay binitawan na niya ito. Sunod siyang pumasok ng kwarto na tila ba'y walang nangyari bago humiga sa kama ko.

"Hindi ka ba inaantok?" Humihikab niyang tanong nang hindi pa rin ako umalis sa kinatatayuan ko.

"Nag-iisip pa ako," diretsong sagot ko.

"Ano naman ang iniisip mo?" Nang tumingin ako sa kanya ay nakapikit na ito.

"Ikaw," napahinto ako saglit. "Kung bakit sa tuwing mapapahamak ako, nandiyan ka. May alam ka ba tungkol sa kanila?"

Hinintay ko siyang sumagot. Walang isang salita na lumabas mula sa kanyang bibig. Napabuntong-hininga ako.

"Matulog ka na," aniya bago ako hinila palapit sa kama.

Humiga na rin ako kahit na naiilang akong makatabi siya. Ayoko naman kasi siyang paalisin sa kama.

"Dito na muna ako matutulog habang hindi pa naaayos ang pinto. Kaya huwag ka nang mag-isip nang kung ano-ano, kailangan mong magpahinga." Dagdag nito.

Kill Me SoftlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon