"Goodmorning loves!" Bati ko pagdating ko sa classroom"Hoy 'di ako nakatulog kagabi, anong chika? Bakit badtrip si Vincent?" Tanong ni Leah
"HAAAHAHHA kase kahapon HAHAHAHAHAHAH ano HAAHAHAHAH"
"Putangina, tumawa ka muna" inis na sabi ni rose.
Kahit tawang-tawa ako nagawa ko paring ikwento sakanila ang nagyare kahapon, ang epic kase Ng momol time ni Vincent.
"Cr Lang ako." Paalam ni Ella
"Aray" napahawak ako sa batok ko dahil binatukan ako ng dalawa,
"Siraulo ka, kakabati lang Ng dalawa"
F*CK.
Hala anong nagawa ko? Tahimik lang si Ella pagkadating n'ya, 'di na namin s'ya kinausap dahil mukang badtrip. May usapan kaming manonood ng practice ng UPMBT after class, naghiwa hiwalay muna kami nong lunch time dahil may ginawa kami kasama ang mga groupmates namin, kasama ko si rose dahil magkagrupo kami.
4:30 na kami nakapunta ng Court. Tahimik padin si Ella pero 'di na namin pinansin dahil ang nasa isip lang namin ay asarin si Vincent.
"Centy, musta concert?" Sigaw ni rose pagkapasok namin. Timingin naman si Vincent sa'min especially sa'kin masama pa. Tumingin si Ella kay Vincent pero umiwas din agad ng tingin.
Nilibot ko ang paningin ko,'di ko s'ya Makita, Wala s'ya?"Anong meron sa concert ?" Tanong ni MJ. Breaktime ata nila kaya lahat sila nakaupo, nandon din si coach Mike kausap ang iba nilang team mate. Sanay na silang nandito kami kapag uwian Kaya medj prenny na din namin ang mga players.
"Epal nigels"
"Sus kasalanan ko bang narinig ko 'yon?"
"Ano 'yong narinig mo Jonna?" Tanong ni Julian
"Chika ko sa'yo lika ka dito" pagbibiro ko pero lumapit
Lumapit nga sa'kin si Julian , sumama pa si Justin, Mj at Juan. Pero s'yempre 'di ko naman sasabihin talaga, sobrang daldal ko naman Kung gano'n gagawin ko 'diba? Sa kaibigan Lang muna.
"Charot lang, kunware may sinabi ako sainyo ha? Asarin n'yo lang s'ya" bulong ko sa kanila
"Paasa." Si Juan
"Umasa." Pang-aasar ko.
Kahit medj badtrip ang apat ginawa padin nila ang sinabi ko, no'ng una natatawa pa si Vincent pero napikon din. Nagpractice na ulit sila, Kaya nandito na kami ngayon sa mga upuan. Badtrip pa din si Vince sa'kin, tuwing titingin s'ya tumatawa lang ako.
"Rovero, thank God you came" si Vincent, napatingin ako sa pintuan ng court, si Jonas ang pumasok, naka white hoodie lang s'ya at navy blue na short with matching white sneakers. Tumingin ako kay Vincent na ngayon ay nakatingin sa sa'kin at nakangising aso.
Iniisip neto?
YOU ARE READING
Nag-iisang muli
RomanceHanggang kailan mo kayang maghintay? Hanggang kailan mo kayang hintayin ang taong mahal mo? Nigela is a Taurus kaya hate na hate niya talaga ang paghihintay. Ayaw na ayaw niya talagang siya ang naghihintay, kaya minsan dahil sa pagkamainipin niya...