DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of the author's imagination or are used fictitiosly, and any resemblance to actual person, living or dead, business establishments, events, or locales are entirely coincidental.
----
Gabi na nang makauwi ako dahil sa nangyaring group project. My dad can't pick me up in my school because of a reason that they have a business meeting to attend with my mom.
Umihip ang malakas na hangin kasabay ng pagtayo ng mga balahibo ko sa batok dahil pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin. Natatakot ako dahil kaliwa't kanan na ang balitang may nari-rape sa school namin lalo na't gabi na. Tuloy ay nagsisisi ako na tinakasan ko pa si Hugo kanina.
Nilakasan ko na lang ang aking loob saka dumaan sa alam kong shortcut pauwi sa bahay. Balak ko pa sanang lumingon sa likuran ko kung hindi lang may biglang humila sa akin. Tuluyang umalpas ang luhang pinipigilan ko kanina. Sinubukan kong manlaban sa pamamagitan ng pag-apak sa mga paa niya pero hindi naging sapat iyon para makawala ako sa mga bisig niya.
Ito na nga ba ang katapusan ko? Hanggang dito na nga lang ba talaga ang buhay ko? piping tanong ko sa aking sarili.
"Bibitawan lang kita kung mangangako kang hindi ka sisigaw."
Mabilis akong napailing at muling sinubukang magpumiglas. Alam kong sa mga oras na ito ay wala akong laban sa kanya kung sakali mang gawan niya ako ng masama.
"Don't worry, Miss. Hindi ako masamang tao."
Maya-maya pa ay kumalma na ang naghuhurementado kong puso. Sa hindi malamang kadahilanan ay tila may bumubulong sa akin na ligtas ako sa taong ito. Hanggang sa unti-unti ay tinanggal na niya ang kamay niya sa bibig ko kaya bigla ay napaharap ako sa kanya.
Napanganga ako nang sumalubong sa akin ang kulay berde niyang mga mata. Pati na rin ang makapal at salubong niyang kilay. Hindi ko lubusang maaninag ang buo niyang mukha dahil natatakpan ng mask ang bibig niya. Idagdag pa na nakasuot siya ng kulay itim na hood.
"Dito ka lang. Huwag kang aalis."
Wala sa sariling napatango lang ako. Hanggang sa naupo ako sa puwesto kung saan niya ako iniwan at napadasal na lang nang makipagbuno siya sa kung sino. Sana lang at walang mangyaring masama sa kanya kung hindi ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
Pinagsalikop ko ang dalawa kong kamay. Ipinikit ang aking mga mata at tuluyang umusal ng panalangin. Naimulat ko lang ang aking mga mata nang may kamay na nagtayo sa akin mula sa aking pagkakaupo.
Sumalubong sa aking paningin ang kulay berde niyang mga mata. Tila nagsusumigaw iyon ng pag-aalala. Hanggang sa hindi ko napigilan pa ang sarili ko na tuluyan siyang yakapin. Mukhang nabigla pa siya sa ginawa ko, ngunit maya-maya lang din ay naramdaman ko ang mahigpit niyang pagyakap pabalik.
Hindi ko matukoy kung para saan at kanino ang takot na kanina ay nararamdaman ko. Kung para ba ito sa kaligtasan ko o sa kaligtasan ng taong ito?
Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng aking mga luha. Ngunit tila natigil iyon at nakaramdam ako ng ginhawa nang maamoy ko ang kanyang pabango. Hindi iyon masakit sa ilong. Tama lang para kumalma ako.
Maya-maya pa ay naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko nang maramdam ang paghalik niya sa buhok ko.
"Ihahatid na kita sa inyo."
Sunod-sunod akong napatango saka sinundan siyang sumakay sa kanyang motor. Sa buong biyahe ay nakayakap lang ako sa kanya. Kinailangan ko pang magsinungaling patungkol sa village na tinitirahan ko. Siguro dahil may parte sa akin na sinasabing hindi ko pa rin siya kilala.
BINABASA MO ANG
Chasing The Guy Who Saved Me ✔
Roman d'amourCOMPLETED | FULL VERSION WITH SPECIAL CHAPTER ON GOODNOVEL "Just say yes and I will court you forever. Give me your hand, and I will give you forever." - Joshua Arcel Gonzales She did everything just to find the guy who saved her that night. And whe...