Ayen's POV
Pagkadating sa venue, as expected nakaformal attire ang lahat at eleganteng-elegante kaya no choice ako kundi ang makigaya sa kanila.
Pero ito ang hindi ko ineexpect, Kenji offered his arm for me.
Nagtataka pa akong nag-angat ng tingin dito at tinanguan lang niya ako. Kaya ipinulupot ko na lang ang braso ko sa braso niya.
Have I told you na margaux is our childhood friend too? Yeah, kaya lang napalayo na siya sa amin simula nung maghigh school kami, at ngayon, aalis na talaga siya ng pilipinas for good.
Have I told you na excelerated kaming lahat? That's why 18 palang ako ay college na ko. Hihi.
Have I told myself na I'm spacing out na?! Gosh muntik na kong matalisod sa hagdan papasok! Grr!
But thanks to Kenji inalalayan niya ko. "Be careful Ayen.." sabi niya pa.
"Thanks." nginitian ko siya.
Ngunit hindi ko inaasahang iirapan niya ko! Parang timang!
Hinayupak na to..
Tuluyan na kaming pumasok at kahit napipilitan, ginawa ko ang lahat para maging mahinhin at elegante.
May mga kilala akong ka-business partner ni Lola at Lolo at panay naman ang bati sa'kin ng mga ito.
"Yo'nce Monaquiz's grandchild!" a fat guy exclaimed. "Hi there young lady.." hinalikan nito ang kamay ko.
Jusme!
Nagpilit ako ng ngiti atsaka pasimpleng pinunasan ang kamay ko. "Hi, mister.. Mister?" hindi ko alam ang pangalan niya.
"Joe Colt." he offered his hand.
Joe Colt amp. "Hi mister Colt!" tinanggap ko ang kamay niya. "I'm Ayen."
Napalingon ako kay Kenji ng maramdaman ang pagiging iretable niya. "Okay ka lang?" tanong ko sa kaniya.
"Ahh, okay Miss Ayen. Excuse me please." bahagya pa itong nagbow atsaka umalis sa harapan ko. Sinundan ko siya ng tingin at kita kong sumama siya sa grupo ng mga matatandang lalaki na mukhang business man din.
"Joe Colt.." hindi mapigilang matawa ni Phoebe sa pangalan nung fat guy.
"Hey, I'm asking you." hinarap ko si Kenji.
"That guy is weird." sabi niya.
"I know, don't mind him. Tss."
"Margaux!" tawag ni Penelope, agad namang lumapit ang isa at nakipagbeso sa kaniya.
Oh! She's look so pretty tonight!
"Gosh, is he your boyfriend?" tanong ni Margaux. Agad namang nagpakilala si Kiro.
"I can't believe you're leaving.." nakangusong sabi ni Phoebe at niyakap siya.
Alam kong magdadrama siya kaya sumingit na ko. "We'll miss you.." niyakap ko din siya.
"You look beautiful as always, Ayen." gumanti siya ng yakap.