Chapter 20

3 0 0
                                    

Chapter 20

"Ma'am, okay lang po talaga na magdala ng date mamaya?" kulit na tanong sakin ni Ven.

"Aba may Date ka mamaya Ven? Sino babae yan at nagmakilatis." tukso ni Gideon.

" Some random girl na nakilala ko nung saturday sa bar. Ang sexy pre." ngisi sagot ni Ven. At naghighfive ang dalawa. Parang alam ni Gideon nakalead si Ven dun sa tinutukoy nya random girls.

"Ang landi talaga." narinig kung singit ni K. .yung kasi ang palayaw nya..

"Di ako malandi ha. Mabait ako kasi nakikisakay ako sa paglalandi nila.." sabay tawa ng dalawang lalaki, napailing na lang ako.

"Magkasakit ka sana!" inis na bangit nito sa binata.

"Protektado to tol." sabay ngisi at turo ni Ven sa sarili.

"Hoy kayo dalawa mahiya nga kayo kay Mam Ana.. Andito sya for your info." natatawang singit ni Lucy. Nakalabas na ang dalawang babae bumili ng damit na inasist nya.

Andito kasi ako ngayon sa may counter at chenecheck ang sales at supply namin ng mga damit.

"L.Q na naman kayong dalawa." natatawang sambit ni Chin.

"Ha. .ako papatol sa lalaking may sakit na yan. No way no!" mataray na sagot ni K.

Tumingin ako kay Gideon and i mouthed 'Sila ba.?' umiling sya.

Sumandal silang dalawa ni Chin sa may counter habang nasa tabi ko si Lucy.

"Ah kaya pala." may sinabi pa si Ven kay K pero di na naman narinig. Mga isang metro ang layo nilang dalawa samin.

"May past sila Ma'am kaya bitter sila sa isa't isa." nagulat ako ng magsalita si Lucy sa tabi ko tumingin ako sa unahan at nakitang si Chin at Gideon na tumatango at nakangisi.

"Ah, kaya pala nung nagdinner tayo lagi nilang iniis ang bawat isa." napansin ko na yun pero ngayon lang ako naliwanagan.

"Past? Which mean mag ex sila?" tanong ko for confirmation.

"Opo. At sinasabuhay nila ang ampalaya." natawang halakhak ni Gideon.

"Sayang, bagay pa naman sila." nakanguso kung sagot.

"Hey lovers, mamaya na yang L.Q magtrabaho muna kayo. At ikaw Ven sabi ni Mam Ana bawal na daw magdala ng iba." sigaw ni Chin.

"Di kami lovers Chin, kita mong gusto ko na syang ibaon sa tiles ng mall." irap ni k.

"Hoy, akala mo naman gusto kung maging kalovers mo!" banat ni Ven.

"Ang Cute nyo dalawa." sawsaw ko sa usapan nila.

"Ma'am akala ko pwde magsama ng iba? Bakit biglang bawal na?" nakasimangot na tanong ni Ven sakin.

"Buti nga sayo." pang aasar ni K sa kanya binalingan sya ni Ven at sinaman ng tingin. Naglakad si Klarey palapit sa couter. .

"Sya lang ang cute Ma'am Ana kasi mukha syang aso." nakangising pahayag ni K samin. Nagtawanan kami ng mainis si Ven sa binangit yung ng dalaga.

"Chin Salvador." cheneck naman ng babae yung computer ng sabihin ni Chin ang pangalan nya. Andito na kami ngayon sa Center Stage para ganapin ang Christmas party namin. Hinihitay na lang namin iasist kami ng staff papuntang room na pinareserve namin. Maaga kaming nagsara ngayon.

"Pre, busangot ka dyan party pinunta natin dito di burol." sinamaan ni Ven ng tingin si Gideon ng asarin sya nito. Tumawa si Gideon at umatras ng tssk lang si Ven sakanya.

Kidnap My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon