01:00am
Sasha Kelly:
Galit ka ba?
Nagbibiro lang eh.
01:30am
Sasha Kelly:
Hindi ako makatulog. Gising ka pa?
03:00am
Sasha Kelly:
Sorry kung galit ka.
Biro lang naman yun.
Syempre ayoko na din naman magkaroon kami connection ni Nick.
Alam kong alam mo din pero bakit parang naniwala ka pa?
03:41am
Sasha Kelly:
Good mornight.
07:25am
King Israel:
What the?
Queen!!
Bakit umaga ka na natulog!!
Hindi 'yan healthy sayo!
Hayys ano ba gagawin ko sayo.
Sasha Kelly:
Hindi ako dalawin ng antok eh.
King Israel:
Bakit gising ka agad sa ganitong oras?
Ilang oras ka nakatulog?
Gusto mo ba mamatay!
Sasha Kelly:
Tch.
King Israel:
Sorry.
Sa sunod 'wag ka na magpupuyat ha!
Hindi ko naman kaya magalit sayo.
Nainis lang ako.
Sasha Kelly:
Okay.
King Israel:
Sorry na.
Sasha Kelly:
Okay.
King Israel:
Sorry na, hindi na mauulit.
Sasha Kelly:
Hindi pa tayo pero natitiis mo na ako.
King Israel:
Queen, hindi naman sa ganon.
Pero sorry. I'm sorry talaga.
Hindi ko na uulitin.
Sasha Kelly:
Sige apology accepted.
King Israel:
Ikaw yung may atraso pero at the end ako ang nag sorry, hay nako mga babae talaga!
Sasha Kelly:
Ay? Umaangal ka?
King Israel:
Sus HAHAHHA hindi ha!
Sasha Kelly:
Hindi. Umaangal ka eh.
King Israel:
Hindi nga haha, sige na. Sorry na ulit.
Sasha Kelly:
Tch. Kumain kana?
King Israel:
Good morning.
Eto nag luluto si mama ng pancake ikaw ba?
Sasha Kelly:
Hindi pa.
Tutulog ako eh.
King Israel:
Hindi mo naman kasi kailangan magpuyat ng ganon!
Sasha Kelly:
Ewan.
King Israel:
What can I do to make it up to you Queen?
I can't eat knowing na hindi ka nakatulog dahil sakin.
Sasha Kelly:
Hmm. Edi 'wag ka kumain.
King Israel:
Sige. Samahan kita sa pagtulog.
Pagkagising mo, message me.
Saka ako kakain.
Sasha Kelly:
Tch. Kumain ka na dyan.
Okay lang.
King Israel:
Queen
Sasha Kelly:
Alam mo ba?
King Israel:
Hindi ko alam kung hindi mo sasabihin.
Sasha Kelly:
Ganyan din siya noon at ganito din ako noon.
King Israel:
Ha? What do you mean by that?
Sasha Kelly:
Sa ganyan nagsimula si Nick. At sa ganito ako nagtapos.
King Israel:
Queen please make it more clear.
Hindi ko maintindihan.
Sasha Kelly:
Nagsimula siya sa hindi pagreply tuwing may hindi pagkakaintindihan.
Ang ending? Nag o-overthink ako hanggang sa sikatan na ako ng araw ng hindi namamalayan.
King Israel:
Queen, no.
I'm really sorry.
I'm really really sorry.
Please don't think that way.
Sasha Kelly:
Matutulog muna 'ko ha?
King Israel:
Queen I'm sorry.
Sasha Kelly:
Okay lang.
Hindi ka naman galit diba? Makakatulog na 'ko neto.
I'll message you later. Kain ka na dyan.
King Israel:
Are you okay?
Sasha Kelly:
Yeah.
Sige na.
King Israel:
Sige, message me pagkagising mo okay? Hintayin ko.
BINABASA MO ANG
Hey, It's Friday! (COMPLETED)
NonfiksiAn epistolary. Two lonely people met on a different world of social media. They give each other a chance to know, love and heal together. But they are just humans, they can't change what is already planned--- our fate. "The world is too cruel to let...
