Ala siete na kami nakaalis ng Maynila patungong probinsya, kina Lola. Napagdesisyunan nina Mama na isang Van na lang ang aming gamitin tutal kasya naman kaming anim.
Nag presintang mag drive si Tito Emil at katabi naman niya sa unahan si Papa para magpalitan sila sa pagda-drive para makapahinga ang isa. Katabi ko si Mama at nasa likod naman namin ang pinsan kong si Kai at si Tita.
Patuloy ang pagkukwentuhan nina Mama. Tanging kami lang ni Kai ang nanatiling tahimik at nakikinig.
Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya sa aking likuran. Siguro ay natutulog siya dahil mula ng umalis kami ay hindi ko pa naririnig na magsalita siya.
Hindi kami close sa isa't isa dahil ang sabi ni Mama ay lumaki siya sa ibang bansa. Gusto ko siya makalapit dahil gusto ko din siya makilala ngunit inuunahan ako ng kaba at hiya. Mukha kasi siyang suplado.
Siguro ay makakasundo ko din siya pagdating namin sa probinsya. Ilang araw din ang aming ilalagi doon ng magkakasama.
Naka-ilang baling na ako ng aking ulo para humanap nang magandang posisyon para makaidlip ngunit nabigo ako. Napagpasyahan ko na lang na mag online at i-chat si King.
"King" chat ko bago i-send. Hindi siya online kaya nag offline na lang din ako kaagad. Baka nasa byahe na din sila.
Bakit nga ba hindi ko naitanong kung saang probinsya sila uuwi?
Nag online ulit ako para mag chat sa kanya.
"King, saan pala kayo sa province uuwi?" Naghintay ako ng ilang minuto baka sakaling mag online siya. Huminga ako ng malalim bago patayin ang data ng aking phone at isinalampak na lang headphone sa aking tainga.
Pinanood ko ang pagbabago ng aming dinaraanan. Kung kanina ay matataas na gusali at dikit dikit na bahay ang makikita ngayon naman ay nabibilang na ang mga bahay na nadaraanan namin.
Matapos ang tatlong oras ng byahe ay nagpalitan sina Tito at Papa sa pagmamaneho at bumaba kami saglit sa isang gasolinahan upang makagamit ng restroom.
Hindi na ako bumaba at doon ko lang napagtantong kami lang ni Kai ang naiwan sa loob ng Van.
"Hindi ka ba gagamit ng restroom? Baka wala na tayo madaanan na ganito mamaya" basag niya sa katahimikan.
Tumagilid ako sa pagkaka upo para makaharap siya. Ang rude naman kung makikipag usap ako ng nakatalikod sa kanya diba?
"Hindi na, maybe when we get there na lang" sagot ko bago ngumiti.
"Do you get some signal kapag nasa bahay kayo ni Lola?"
"Hmm hindi eh, pero subukan mo tuwing gabi kasi gumagana naman sa phone ko kahit papaano" nahihiya kong sagot. Siguro hindi siya sanay sa internet dito sa Pinas. Lumaki ba naman siya sa ibang bansa tiyak na malakas ang Internet doon.
"Sige, thanks. Hindi ko kasi na try the last time I went there. Hindi kita nakita last birthday ni Lola the first time I saw you is when I returned your lost wallet" pag iiba niya ng usapan. Hindi ko mapigilang hindi humanga sa pagsasalita niya ng Ingles, bakit nga ba nagtataka pa ako na may British accent siya? E sa ibang bansa nga lumaki.
Nakita ko lumabas si Mama sa restroom at sumunod naman na pumasok si Tita.
"Dumalo kami doon, hindi lang ako masyado nakisalamuha." I said while changing my music. Mahina naman ang volume kaya naiintindihan ko siya.
Umayos na ako sa pagkaka upo ng buksan ni Tita ang pintuan at isa isa na silang pumasok.
Tahimik ang byahe at tanging tunog ng messenger ko lang ang naririnig tuwing may nagcha-chat. Hindi ako sanay ng naka silent ang phone ko, dahil tuwing naka silent ito ay doon naman umaatake ang pagiging burara ko sa gamit. Ilang beses na akong nawalan ng cellphone dahil sa kapabayaan ko, kaya mula noon ay hindi na ako nag silent ng phone.
BINABASA MO ANG
Hey, It's Friday! (COMPLETED)
NonfiksiAn epistolary. Two lonely people met on a different world of social media. They give each other a chance to know, love and heal together. But they are just humans, they can't change what is already planned--- our fate. "The world is too cruel to let...