52--THE END

221 7 5
                                    

"HAPPY NEW YEAR ALI!"

Natawa ako sa malakas na bati ni Kai pagkapasok sa aming bahay. May bitbit pa siyang cake at regalo.

Magkakasama kasi namin sinalubong ang bagong taon. Mas masaya kapag maraming kasama. Masarap din magsimula ng panibagong taon kasama ang mga taong mahal mo.

Nung una naging mahirap sa amin na tanggapin ang nangyari pero 'di tumagal ay nawala na ang awkwardness sa pagitan namin.

Naging mas matatag ang samahan namin bilang mag pinsan. Over protective pa din siya sa akin pagdating sa mga lalaking gusto manligaw sa akin. Dumadaan sa kanya ang mga gustong manligaw sa akin bago dumaan kina mama. He's my big bro na dahil sa ginagawa niya and I'm glad na may taong gusto akong protektahan.

"Happy new year Kai" bati ko pabalik. Lumapit siya sa akin ng nakangiti bago yumakap. Wala ng malisya. Wala na ang pagmamahal na hindi dapat dahil napalitan na ng pagmamahal na para sa pamilya.

Magkakasama kami nag celebrate ng pasko sa kanilang bahay. Hindi kami nakauwi sa probinsya noon dahil marami akong hinabol na projects sa school.

Masaya kaming kumain. Puno ng tawanan at kwentuhan. Katabi ko si Kai na panay ang lagay ng pagkain sa aking pinggan.

"Enough, busog na busog na ako." Angal ko.

"No, you have to eat more." Strikto niyang sagot.

Wala naman ako nagawa kundi ang kainin 'yon lahat.

Nagkantahan sina mama kasama sina Tita sa may garden. Habang kami ni Kai ay naka upo sa tabi ng swimming pool.

"I'm so glad na everything is okay na." Sabi niya out of nowhere.

Ngumiti ako sa kanya bago uminom sa hawak kong soda.

"I guess the most beautiful thing that we had this year is nasaktan at hindi tayo nagpatalo. This year was full of surprises sabi nga, may nawala at may nag stay. May nasaktan at may sumaya." Sabi ko habang nakatingin sa tubig.
"Tulad ng makilala kita pero tadhana ang humadlang. Simula pa lang, hindi na tayo pwede but I'm so grateful to have you as my cousin." Dagdag ko pa.

Tumingin ako sa kanya. Nakangiti siya habang nakatingala sa asul na asul na langit. Ang ganda ng panahon.

Huminga siya ng malalim bago magsalita.

"This life isn't for us. If God will hear my prayer, I want you in my life sa ating sunod na buhay. I will find you.... my heart will find you." Aniya.

Hindi na ako sumagot. Nanatili akong tahimik habang nakatingin sa tubig kung saan nakikita ko ang repleksyon ng langit.

Sa buhay namin ngayon, natuto kaming pahalagahan ang nararamdaman ng bawat isa. Respeto sa katotohanan ika nga nila. Hindi namin kayang baguhin ang naka tadhana na.

I didn't know na magiging ganito ang ending ng love story na inaasahan ko. It's not a love story, literally.

Noon, naghanap ako ng pagmamahal sa iba but it turns out na ang pagmamahal na 'yon ay galing din sa aking pamilya-- sa aking pinsan na si Kai, ang mga kaibigan ko at sina mama.

The world is too cruel to let us feel the love that we can't have.

Ang tadhana ay isang malaking biro na hindi nakakatawa. Corny. But it teaches me a life lesson.

We can't find the right love because the real love will find us.

THE END.



•••

THANK YOU SO MUCH EVERYONE FOR READING.

Hey, It's Friday! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon