Napabalikwas ako ng maalala ang nangyari kagabi.
"Paano ako nakarating dito sa kwarto ko?" Tanong ko sa sarili. Ang naaalala ko ay nasa duyan ako habang naghihintay ng reply ni King pero hindi ko naaalalang naglakad ako papasok dito.
Hindi kaya... naglakad ako ng tulog?
Napayakap ako sa aking katawan dahil sa takot. Kung ganoon ay napaka delikado pala ng ginawa ko. Paano kung naglakad ako ng tulog at napapunta ako sa kagubatan.
"Oh Ali, buti gising kana."
Pinanood ko si mama pumasok at dumiretcho sa tabi ko.
Sasabihin ko ba sa kanya?
"Mama..." agad nangilid ang luha ko sa takot at pangamba
"May problema ba Ali?" Tanong ni Mama habang inaayos ang magulo kong buhok dahil sa pagkakatulog.
"Mama kagabi po... naglakad ako ng tulog. Mama.. paano kung... paano kung sa ibang lugar ako mapunta... mama natatakot ako" magkakasunod na tumulo ang luha ko. Ang kamay ko ay hindi ko napigilang hindi manginig dahil sa takot.
"T-Teka Ali... anong sinasabi mo?" Naguguluhan si Mama. Maging ako ay naguguluhan. Ngayon lang ito nangyari sa akin. Ngayon ko lang naranasan ang ganitong takot.
"Mama.. hindi ko po naaalalang naglakad ako papasok dito kagabi... mama baka naglakad po ako papasok dito habang tulog ang diwa ko." Humihikbing sagot ko.
"Ano ba sinasabi mo Ali!! Binuhat ka ni Kai kagabi! Bakit ka ba umiiyak!?"
Ha?
Literal na tumigil ang mata ko sa pagluha at napatulala na lang sa nagpipigil na tawa ni Mama.
"Hindi ka naglakad ng tulog okay? Nakita ka ni Kai kagabi sa duyan, ala una na siguro iyon. Mabuti at gising si Kai, kaya dinala ka niya dito sa kwarto mo."
Si Kai ang nagdala sakin dito kagabi? Ibig sabihin hindi talaga ako naglakad ng tulog? Pero, hindi niya alam na nasa duyan ako. Ano ginagawa niya doon ng ganoon oras?
"Mama.."
"Hay naku, sige na. Tumayo ka na dyan at maligo. Bibisita tayo sa Lolo mo. Malapit na dumating ang mga pinsan mo.. maghanda kana."
Tumayo na si mama at iniwan ako nakatunganga sa kawalan.
Si King.
Patalon akong dumapa sa aking kama para abutin ang cellphone ko katabi ng lamp. Nagreply pa kaya siya kagabi.
Nanlumo ako ng makitang wala reply si King. May nasabi ba akong mali? Nag iinarte na naman siguro yun. Pati pinsan ko pinagselosan. Tsk.
Bumaba na ako pagkatapos ko maghanda. Fitted jeans at crop top lang ang sinuot ko, nagdala din ako ng sling bag para sa phone ko.
Nasa salas na silang lahat.
"Good morning Apo ko, tinanghali ka ata ng gising. Halika at sasamahan kita mag umagahan" bungad ni Lola.
Napangiti naman ako. Si Lola talaga. Nahagip ng mata ko si Kai na nakatingin sa akin ng seryoso.
Kailangan ko pala magpasalamat sa kanya mamaya. Iniisip ko pa lang na binuhat niya ako kagabi ay nahihiya na ako. Hindi naman ako ganoon kabigat, pero nakakahiya pa din at naging abala pa ako sa kanya.
"Ah Kai.." tawag ko habang abala sina mama sa pagsindi ng mga kandila sa harap ng lapida ni Lolo.
"Hmm?"
"A-Ah... nabanggit ni mama na... ikaw nagdala sa akin sa kwarto. Pasensya ka na sa abala at salamat" sabi ko. Halos hindi na ako makatingin sa kanya. Bakit ba naiilang ako sa tingin niya ngayon? Kahapon naman ay magkasama pa kami sa pamamasyal at dahil din doon kahit papaano ay malapit na ang loob namin sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Hey, It's Friday! (COMPLETED)
Non-FictionAn epistolary. Two lonely people met on a different world of social media. They give each other a chance to know, love and heal together. But they are just humans, they can't change what is already planned--- our fate. "The world is too cruel to let...
