"Ali, anak.." nagising ako sa pagtawag ni mama. Narinig ko ang pagsara ng pinto tsaka ako nagmulat.
Ang bigat pa din ng pakiramdam ko. Ramdam ko ang sariling init ko dahil sa nakabalot kong comforter.
"Mama.." sagot ko na halos naging bulong na.
Umupo si mama sa kama ko bago idampi ang likod ng kamay sa aking noo.
"Mainit ka pa din, kain ka muna para maka inom ka na ng gamot"
"Wala po ako gana mama, tutulog po muna ako" sabi ko habang nakapikit.
Hindi ko alam kung ilang oras na ako nakatulog. Naalimpungatan ko na lang ang mahinang pag-uusap sa loob ng kwarto ko.
"Mmm." Marahan akong umupo. Tsaka ko pa lang napansin na naroon pala si Kai.
"O, buti gising kana... dumalaw si Kai sayo. Halos kakarating lang niya." Sabi ni mama bago muling dampian ng kanyang palad ang noo ko.
Uminom ako ng tubig na nasa side table ko bago tumingin kay Kai.
Bakit siya narito?
Dinadalaw ka nga daw diba? Tanga lang Ali?
"Ipagluluto kita ng lugaw anak, dito muna kayong mag pinsan." Paalam ni mama bago tapikin ang balikat ni Kai.
Kaliwa't kanan ang tingin ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Wala din naman siya sinasabi.
"A-Ah, upo ka." Ani ko.
Sumunod naman siya.
Naestatwa ako ng direcho niyang hawakan ang noo ko.
"Bakit hindi mo inaalagaan ang sarili mo?" Sermon niya. Hindi ko alam kung bakit natatakot ako sa paraan ng pagsasalita niya.
"H-Hindi kasi ako makatulog ng maayos... ilang araw na akong puyat. Kaya siguro bigla akong nilagnat." Paliwanag ko habang nakayuko.
Matunog siyang bumuntong hininga.
Galit na naman ba siya?
"Ano pala ginagawa mo dito Kai?"
"Sabi mo may lagnat ka." Direcho niyang sagot.
Sinabi ko ba sa kanya? Wala akong maalala.
"H-Hindi ko sinabi sayo." Maang kong sagot.
Parang mas sumakit ang ulo ko sa pag-iisip.
"Hindi ka pa siguro nagbabasa ng messages." Aniya.
Dumating si mama na may dalang lugaw para sa akin at meryenda naman para kay Kai. Iniwan din niya kami agad at hinabilin na lang ang pagkain ko sa pinsan ko.
"Ako na.. kaya ko naman" protesta ko ng susubuan niya ako.
"No." Matigas niyang sagot. Napa-nga nga na lang ako sa kaba.
Clueless pa din ako sa nangyayari. Normal ba 'to?
"If there's something bothering you. Let it go. Unhealthy ang ginagawa mo." Bigla niyang sabi sa gitna ng pagkain namin.
"Hindi ko kasi alam. I'm trying naman, pero hindi talaga siya mawala sa isip ko."
Sa unang pagkakataon, umiyak ako. Umiyak ako sa bigat ng nararamdaman ko. Sa bigat na dinadala ko. Sa lahat ng tao bakit kay Kai pa? Sa pinsan ko pa ako nakapag open ng problema.
Tahimik lang niya akong pinapanood at nakikinig.
"Ang bigat kasi Kai, sorry ah..hindi mo ko dapat nakikitang ganito." Ani ko habang pinupunasan ang mga mata. "Iniwan niya ako sa ere, walang paliwanag.. wala kahit ano." Dagdag ko.
BINABASA MO ANG
Hey, It's Friday! (COMPLETED)
Non-FictionAn epistolary. Two lonely people met on a different world of social media. They give each other a chance to know, love and heal together. But they are just humans, they can't change what is already planned--- our fate. "The world is too cruel to let...