"You just did what?!"
Halos magpanting ang mga tainga ni Gabrielle sa lakas ng pagkakasabi ni Lana. Nakahiga ito sa bed nito, nanonood ng Netflix sa TV habang hinihintay na matuyo ang charcoal face mask sa mukha nito.
Minsan lang sila magpang-abot sa condo dahil sa sobrang hectic ng skeds nilang pareho.
"You just asked Zachary to be the father of your baby?!" anito nang hindi siya sumagot.
"Parang gano'n na nga," ani Gabrielle bago umupo sa swivel chair na nasa kabilang dulo ng kwarto.
Nando'n siya sa kuwarto ni Lana. Maliit lang iyon. Tamang-tama lang para magkasya ang isang single bed, isang 'di kalakihang closet, at isang study table where Lana puts her laptop and all her books. At doon kasalukuyang nakapwesto si Gabrielle.
"You must be kidding, right?" ani Lana. Mukhang ayaw pa ring maniwala.
"I'm afraid not," she said as she picked up a pen and started tapping it against the table.
Lana grabbed the remote control and paused whatever she's watching on Netflix. Pagkatapos ay bumangon ito sa kama at saka nagmartsang palapit sa kanya on her silk SpongeBob-printed pajamas.
"Nababaliw ka na ba?" anito nang makalapit sa kanya. The charcoal mask on her face was starting to get dry now kaya medyo nagka-crack na.
"Hindi pa naman siguro," aniya. "Pero sinabi ko na naman sa'yo 'yon, di ba? Na gusto kong magka-baby?"
"But I didn't think you were really serious."
"Yes, I am."
"No, you can't be serious."
"But I am."
"Jusko, ako yata ang mababaliw sa'yo!" anito bago sinimulang hilutin ang sariling sentido.
Bumalik ito sa bed at pabagsak na umupo doon.
"Okay, tell me. Why?" anito, she looked serious.
"What do you mean why?"
"Ipaintindi mo sa akin kung ano 'yang tumatakbo sa kokote mo ngayon kasi hindi ko naiintindihan," anito.
Nagpakawala muna siya ng isang malalim na buntong-hininga bago nagsalita.
"Honestly, hindi ko din alam," she started. "But I feel like all my life, ingat na ingat ako na 'wag magkamali. It's like I've lived a well-patterned life. Dapat ganito, dapat ganyan. Dapat by this age, ganito. Dapat by that time, ganyan. For once, I wanna do something unplanned."
"You can take a break and travel solo if you want," anito. "Hindi naman kailangang magka-baby to do that."
"But I wanted a baby. Gusto ko na talagang magka-baby, Lan," aniya dito.
"Isang malaking responsibilidad 'yan."
"Alam ko. Of course, I know."
"But we're planning to pursue specialization next year, right?" anito.
"Well, that's the plan. But I think that can wait."
"Look, Gabbi," Lana said. She looked like she's determined to talk her out of her plan. "Hindi mo naman kasi kailangang magmadali. We're still young. Your life doesn't end just because Drew cheated on you. You still have your whole future ahead of you. Madami ka pang makikilalang lalaki."
"I don't think I'll fall in love again anytime soon, Lan. Saka ayoko nang mag-asawa. Gusto ko lang magka-anak."
Lana heaved a deep sigh. Mukhang nag-iisip pa ito kung ano pang pwedeng sabihin para tuluyang magbago ang isip niya.
BINABASA MO ANG
Blind Shot (ON-HOLD)
RomanceGABRIELLE was fresh from a 15-year relationship with an ex-fiancé who cheated on her with someone he just met. Her whole life was all planned out. Gagraduate sila ng medical school together, magri-residency, magpapakasal, bubuo ng sariling pamilya...