DENVER
Nakarating ako sa basketball court na roon sina Keith, Aeron, Renz at Nick. Agad akong umupo sa tabi ni Keith.
"oh anong problema mo ba't ganyan ang mukha mo." ani sakin ni Aeron.
"huh ayos lang naman ako nakakpagod lang" tumango naman sila.
"Nga pala kilala mo ba ang secret admirer ni Kiera?" tanong sakin ni Keith.
"Bakit alam mo ang tungkol sa admirer " may alam ba sya kilala nya kaya ang admirer ng pinsan nya.
"ah sinabi kasi sakin kanina ni kie mukhang kinikilig."
"ays ang panget naman at ang baduy pa ng letter nya. three roses for it means I love you badoy." walang gana kong sabi.
"wow memorize naman talaga nya " ani sa kin ni kieth.
"may problema ka ba buddy."
Umiling naman ito."tara practice na tayo oh sakto dumating na rin kayo."
"yo." bati sa min ni alex.
"andito na ang pinaka pogi sa lahat." ani ni seth na napakahangin.
"guys warm up muna tayo"
"sige captain." ani ni Godwin kaya agad naman kaming nagwarm up nag push up muna kami katapos ay nag pasahan na ng bola. Katapos ay naglaro na kami.
SETH
Oy Seth is here ang pinakagwapo sa lahat narito kami ngayon at nag eensayo malapit na kasi ang foundation, medyo iba ngayon ang laro ni captain ano kaya ang meron sa kanya bakit parang kakaiba sya. Hanggang sa natapos na ang practice namin."lex ayos lang ba si Captain kanina pa sya ganyan."
"oo nga pero diba sabay tayong pumasok baka naman may problema si Captain sa bahay nila. " tumango na lamang kami.
"guys una na ako sa inyo." usal ni captain kaya nag sitanguan na kami, ng makaalis si Captain ay nagtawanan naman sina Keith, Renz, Nick at Aeron.
"anong meron?" tanong ni lex.
"baka hahanapin na iyon ang secret admirer ni kie." tawang tawa ni Renz.
"Inlababo na yun kay baby kie papayagan mo bang purmahan ni Denver si Kie " baling nito kay keith.
"kung ganon man ay papahirapan ko sya. " patay kang captain ka humanda ka na lang kay keith.
KIERA
Kalalabas ko lang ng classroom nadatnan ko si Denver sa labas kausap si Tisha. Bakit bigla na lang kumirot ang puso ko na makita silang naguusap.
"mahal kita Tish.."at hinalikan ni tisha si denver. ang sakit marinig mula kay Denver ang salitang iyon kaya pumunta na agad ako sa parking lot buti na lang dala ko ang sasakyan ko. Habang nasa daan ako walang tigil ang pagpatak ng mga luha ko ano ba ito sabi ko naman sayo self wag kang mafafall kay bato eh dahil nga bato sya. Kainis. Nagtungo na lamang ako sa bahay ng magulang ko. Pagkarating ko doon ay pumasok agad ako buti na lang binigyan ako ni daddy ng duplicate. Pumasok na lamang ako sa kwarto ko nagbihis at nahiga sa kama. Mas prefer ko ang mapag isa ngayon. Hays makatulog na nga lang para mawala na rin tong nararamdaman ko.
DENVER
Kanina pa kami nag iikot ikot sa subdivision namin nawawala kasi si Kiera. Nasan na kaya ang babaeng iyon sana naman safe sya.
"Den diba sayo ito." pinakita agad ni Seth ang isang panyo. Ang panyo na iyon ay na kay Kiera binigay ko yun sa kanya nong kumain kami sa jollibee bigla naman akong kinabahan.
"seth saan mo ito nakita?"
"kung saan nakita kayo na naghahalikan ni Tisha. "
"Shit." napasabunot na lamang ako ng buhok ko. Tinapik na lamang ni Seth ang balikat ko.
"kung mahal mo sya sabihin mo na habang maaga pa dahil ikaw ang mahihirapan." seryosong sabi ni seth.
"alam ko na meron kang nararamdaman sa pinsan ko pero kung ano mang mangyari kay kie ikaw ang sisisihin ko kahit na magkabuddy tayo mas importante sakin ang kaisa isa kong pinsan. " ani ni keith.
"keith tama na, hanapin na lamang natin si kie." ani ni tito ken. Umalis naman si keith.
"pagpasensyahan mo na lang si Keith nag aalala yun sa pinsan nya."
"naiiintindihan ko po tito."
"pero magkaliwanagan nga tayo totoo bang may gusto ka sa anak ko." tumungo na lamang ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko nahihiya ako sa kanya dahil sakin nawawala si Kiera.
"alam kong naguguluhan ka pero mas mabuti pang siguraduhin nyo ang mga nararamdaman nyo bago pa kayo masaktan" usal nito.
"andito na si Kie" sigaw ni Mika. Agad akong napatingin sa kinaruruonan nya.
"anong ginagawa nyo sa labas?" usal nito salamat na lang at ligtas sya.
"anak saan ka ba galing bakit di ka tumawag nag aalala kami sayo anak pasensya na kahapon patawarin mo si daddy naiintindihan ko kung galit ka sa kin." ani ni tito ken at niyakap ang anak. Nangunot naman ang noo ni Kiera.
"daddy sino po ang galit di naman po ako nagagalit ah at isa pa galing ako sa bahay natin nakatulog ako roon at isa pa lowbat ang phone ko." ani nito niyakap na lamang sya ng kanyang daddy.
Tumingin ito sa amin. "pasensya na kayo naabala pa tuloy kayo." ani nito at ngumite.
"seth bakit nandito ka pala?" baling nito kay seth.
"ah makikitulog sana ako sa inyo kung ayos lang." ngumite ng malapad si Kiera.
"sige ba mas enjoy ito at isa pa lutuan mo ako ng carbonara ha."
"oo naman." masaya nitong sabi. Habang tinitignan ko sila ng ganyan parang tinutusok ang puso ng maraming karayom. Kaya napagpasyahan na namin na magpaalam.
"Ah tito ken, tito kevin, guys una na kami ni Mika."
"salamat sa tulong denver ha."
"walang ano man po ang importante narito na sya." tumango na lamang ang mga ito at umalis na kami ni Mika.
KIERA
Matapos ang nangyari kanina ay narito ako sa kwarto ko, masaya ako dahil nag aalala sya sakin, ay baka naman pinapunta lang sya ni kuya para tumulong,mahal kita Tish
mahal kiya Tish
mahal kita Tish
Bumabalik sa alala ko ang nangyari kanina sa school, akala ko the feeling is mutual na yun pala one sided feeling lang. Saklap ngayon lang naman ako nagkagusto sa isang tao magiging ganyan pa.
knock knock
binuksan ko agad ang pinto at pumasok si....................................
Abangan.....see you next chapter.❤
YOU ARE READING
MY DEAREST YOU
Fanficoppssss magbasa kayo maganda ang takbo nito hhehehe babye po...