🌟 🌟 Prologo 🌟 🌟

3 1 0
                                    

Ang bawat isa sa atin ay tulad ng mga bituin sa langit. Nagtataglay ng kakaibang kinang na nangingibabaw sa madilim na kalangitan. Nagsisilbing tanglaw sa gabing mapanglaw at liwanag sa malawak na kalawakan.

Ngunit tulad rin ng mga bituin, nagsisimula tayo sa pagiging isang ligaw.

At dahil isa tayong ligaw, hindi maiiwasan na makagawa tayo ng mga bagay na ating pagsisisihan, subalit maaari rin natin itong gawing pundasyon upang ayusin ang ating sarili at maging mabuting bersyon ng ating pagkatao.

At sa punto na mabigyan tayo ng pagkakataon na magsimulang muli ay ating masisilayan ang ningning na higit pa sa ating inaakala. Kaya't marapat na ibahagi natin sa iba ang ating kinang na taglay upang bigyang liwanag ang kanilang paglalakbay. Nang sa gayon, mauwi man tayo sa paglabo at paglaho, ay mananatili ang ating ningning sa puso ng taong ito.

Kaya't aking paalala ....

Hwag mo sanang ipagkait ang taglay mong kinang sa sinuman...

Pagka't...

" Sa buhay at paglalakbay, ikaw at ako ay minsan nang naging mga ligaw na bituin ".
-Ares

-- 🌟 --


People may come and go'...

Kailangan nating tanggapin na sa buhay hindi lahat ng tao na ating nakikilala ay habambuhay nating makakasama, dahil ang ilan sa kanila ay magsisilbi na lamang na mga alaala.

Kahit pa ang isang tao na nagbigay sa atin ng pag-asa ay maaaring mawala at mamaalam.

Pero nasa sa atin ang pagpapasya kung ang liwanag na kanyang dala ay hayaang maglaho at mawala, o panatilihin itong magningning tulad ng mga bituin sa kalawakan...

" Dahil kung tunay at wagas ang pag-ibig mo sa sinuman marapat lamang na ipabatid sa kanya na dumating man ang kanyang paglabo at paglaho tulad ng mga bituin. Ang kinang na kanyang hatid sa ating puso ay mananatiling manining "
-Stello

katha ni:
-iamianthegreat23
Binibining-Ginoo

My Dear StelloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon