🌟🌟 My Dear 1 🌟🌟

5 1 0
                                    

"Magulo, malabo puno ng mga pagtatangkang hindi sigurado. Ganyan kawalang saysay ang buhay ko. Ngunit sa isang iglap binago ng mahikang taglay ng pagdating mo" ...

-- 🌟 --

Napakasarap sa pandinig ang tinig ng mga kabataang umaawit ng Christmas Carols'. Dagdag pa rito ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa ating balat twing sasapit ang buwan ng Disyembre.

Nakaupo ako ngayon sa harapan ng enteblado habang pinanonood ang mga kabataang ito na naghandog ng isang awitin bilang pasasalamat sa akin.

Ika-isang taong anibersaryo ngayon ng 'A Star For An Eye Foundation' ang samahan na naglalayong magbigay ng bagong pag-asa sa mga taong bulag na muling makakita at masilayan ang kagandahan ng mundo. Ang samahan na itinatag namin ni dad bilang pagtupad sa kahilingan ng pinaka-mahalagang sa aking buhay.

Ilang araw na lamang at magpapasko na kaya naman naglipana ang iba't-ibang dekorasyong pampasko. Tulad ng mga makukulay na parol na nakasabit sa bintana ng mga tahanan at ang mga Christmas lights na kumukutitap na animo'y mga bituin sa kalawakan.

Para sa karamihan ang araw na ito ang kanilang pinakahihintay. Dahil ito ang araw ng pagbibigyan at pagdiriwang.

Subalit para sa akin ay magkahalong saya at pangungulila ang hatid nito.

Pagka't ito ang panahon kung kailan dagsa ang libo-libong bituin sa kalangitan na handang tumupad sa kahilingan ng sinuman, ngunit ito rin ang panahon na namaalam ang tao na nagbigay ng ningning sa aking buhay.

Ang tao na minahal ko at nagbigay liwanag sa madilim kong paglalakbay. Ang tao na nagbalik sa tamang landas sa tulad kong .....

'Ligaw na Bituin'

-- 🌟 --


5 years ago'

Isa .. dalawa .. tatlo .. tatlong magkakasunod na suntok ang pinakawalan ko sa mukha nitong lalaki na kasalukuyang kapunombuno ko ngayon. Kasama ng iba ko pang mga tropa. Hinarang kase kami ng mga hambog na grupo ng mga kalalakihan mula sa squatter sa kabilang barangay. Syempre dahil atapang atao ang gagong tulad ko di uso sakin ang tumakbo. Kaya ..

"let's get ready to ramble!!"

Susubukan sana ng kasama niyang mukhang unggoy na tirahin ako ng suntok mula sa aking tagiliran, mabuti na lamang at maagap ako kaya't mabilis akong nakaiwas at tsaka ko siya inundayan ng isang malakas na sapak sa mukha na siya niyang ikinatumba.

Agad ko namang binalingan ang lalaki na una kong kasuntukan upang siguraduhin na di na siya makagaganti pa sakin. Nang makarinig ako ng pito mula sa aming likuran hudyat na nariyan na ang mga pulis na nagpapatrolya. "bwiset! mga panira talaga' .. usal ko sa aking sarili.

At akma akong tatakbo kasama ng iba pa upang makatakas mula sa mga panirang pulis ngunit sa kasamaang palad ay mukhang handa sila ngayon kaya't ayon corner ang gago ..

"shit!" inis kong sabi habang isinasakay kami sa patrol car papuntang presinto.

-- 🌟 --


"Kelan ka ba titigil sa mga kagaguhan mo na yan?!" may diin na anas ni dad pagkarating namin sa bahay matapos niya akong kaunin sa presinto, at kasalukuyan kaming nasa sala.

Habang siya ay nakatayo sa aking harapan at kulang na lamang ay patayin ako ng matatalim niyang tingin dahil sa sunod-sunod na kagaguhan na pinagagawa ko, samantalang heto ako at komportableng nakaupo sa sofa na parang walang naririnig.

My Dear StelloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon