🌟 🌟 My Dear 3 🌟 🌟

2 0 0
                                    

"tuliro at tila ba nalilito
may mahika nga bang hatid,
sa isang halik ako'y
nahipnotismo"


... 🌟 ...

Kailan mo balak magseryoso sa buhay mo?! Galit na panimula ni dad habang nakatayo sa aking harapan.

Di ko man siya tapunan ng tingin ay alam kong nanlilisik ang mga mata niya sa galit dahil sa mga bagsak kong grado.

Habang ako ay patuloy lamang sa pag-scroll sa aking cellphone at nakapasak ang earphone sa aking mga tainga.

Lumapit ng bahagya si dad sa aking kinauupuan at walang anu-ano'y hinablot ang mga ito. Alam kong ginawa niya yon upang makuha ang atensiyon ko. Pero pasensiya siya dahil walang talab sakin ang ginawa niya bagkus ay nagpatuloy ako sa aking ginawaga na tila ba walang nangyari.

Pinupuno mo talaga akong bata ka! Ano wala ka man lamang bang sasabihin sakin? Ganyan na ba talaga kakapal ang mukha mo?! .. Pagpapatuloy nito na animo'y striktong professor na kasaluluyang nagsesermon sa kanyang mga estudyante

At akmang ki-kwelyuhan niya ako ng biglang sumulpot ang pabidang si Stello mula sa kanyang likuran dahilan upang hindi matuloy ang kanyang binabalak.

Tito huminahon po kayo.. pakiusap nito kay dad.

..hmm kung alam ko lang sinadya niya talaga gawin ito upang ipakita kay dad na nag-aalala siya .. sipsip!.. anas ko sa aking sarili na sinabayan ko pa ng pag-iling.

Nagtaas ako ng tingin at sinalubong ang matalim na mga mata ni dad.

Look Ares, pinayagan kitang lumipat ng kurso kahit na panlimang beses mo na yan. Dahil ang sabi mo, iyan ang gusto mo, diyan ka magaling. Pero ano? Bagsak ka pa rin!.. Yan na ba yung galing na sinasabi mo? Ha? gitil na saad nito

Subalit hindi ko siya sinagot at tinignan lamang siya tulad ng isang batang nang-aasar.

Wala ka talagang balak magsalita o sabihin man lang sa mga kapalpakan mo?

Ano bang gusto mong sabihin ko DAD? Sorry? Yun ba ang gusto mong marinig? Mayabang kong panimula.

Okay... SORRY PO DAD.. mabagal at mahambog kong saad na sinamahan ko pa ng mapang-ulot na tingin at pagbukas ng aking mga kamay na parang isang utusan na humuhingi ng paumanhin sa kanyang Mahal na Hari, dahilan upang mas lalo siyang mainis at pakawalan sa aking mukha ang isang malakas na sapak mula sa kanya na siya kong ikinabagsak.

Hindi ko lubos maisip na magagawa niya na saktan ako. Dahil kahit madalas kaming mag-away ay ni minsan hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay. Ngayon lang.. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking labi at nalasahan ko rin ang lasang kalawang dulot ng umaagos na dugo mula rito.

Nag-angat ako ng tingin kay dad. Bakas sa kanyang mukha ang pagkabigla sa kanyang ginawa. At hindi man siya magsalita ay nasisiguro kong nakita niya ang pamumuo ng luha sa aking mga mata. Pero hindi ko hahayaan na kumawala ang mga ito na siya ang dahilan. Sapat na ang huli kong pag-iyak noong mawala si mom.

Dagli namang lumapit sa akin si Stello at nag-aalalang inalalayan akong makatayo na siya namang aking tinanggihan na kanya namang ikinabigla.

At sa kanyang mga mata ay nakita ko ang sinseridad. Bagay na ayokong pagtuunan ng pansin dahil ayokong muling magtiwala sa taong minsan ng sumira sa pangako niya.

My Dear StelloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon