Naubos ang tubig sa katawan ko sa kakasulat ah! Tissue pa po.
Mga ses, mejo marupok ako kasi nababasa ko comments nyo kaya ibibigay ko ang hiling nyo. Wala nga lang sisihan kasi hindi pa rin happy to.
10 chaps to go!
Bukod nga po pala dito, may isa pa akong story na nakakaubos tubig— A love that started In my boss' office. Ibang series po ito.
Wala lang baka trip nyo lang umiyak 😅
Carleen
Phone Call with Sandy
Sandy: Carleen, pinapaalala ko lang sa'yo, hindi ka pumunta nung kasal ko at hinayaan kita. Pero hindi ko matatanggap na di ka pupunta sa binyag ng anak ko.
Carleen: Sands...
Sandy: Hindi na lang ako basta magtatampo kapag hindi ka pumunta sa binyag. Ikaw lang ang Ninang ng anak ko, kapag di ka sumipot, hinding hindi na kita kakausapin kailanman. Sila Jake at Nikka na nasa New Zealand pupunta sila. Tapos ikaw hindi???
Carleen: Sandy,.
Sandy: Hindi ako nagbibiro. It's either you come or you forget me being a family.
She dropped the call. Haiii Sandy.
So I have no choice, I need to fly to Cebu. Kahit na ayaw na ayaw ko na tumapak pang muli doon.
I decided to come a day earlier. Gusto ko din naman makasama ng mas matagal si Sandy at ang baby nya. Pupunta na rin naman ako edi sulitin ko na. Baka kasi malaki na yung inaanak ko kapag bumalik ako dito, yun ay kung makakabalik pa ako.
"Akala ko di ka sisipot eh."
"Akala mo lang yun."
"Malungkot pa din ang mga mata mo Carleen."
"Akala mo lang yun."
"Gusto mo picturan ko kayo ni Four? "
So iniharap ko ang baby na hawak ko sa Mommy nya.
"Ang ganda."
"Bagay naman pala sa akin ang maging Mommy eh, sayang no Sandy? Sana nagkaroon ako ng sariling ganito."
"Hindi pa naman huli ang lahat Carleen."
I just laughed. Hindi na yun mangyayari. I already accepted my fate. I will never love again. My love for him will still be exclusive to him. I vowed that I will be his wife until my last breath kaya tutuparin ko yun. Kahit pa ba, ako na lamang ang makakatupad sa pangako namin sa altar.
Dahil sobrang busy ni Sandy at Fonzy, heto ako at naging baby sitter ni Alfonso IV. Binyag na binyag, busy ang mga magulang ng cute na cute na batang ito. Pero mabuti na yun kasi nakapaglaro kaming dalawa ng husto. Ang saya ko. Sana lagi na lamang ganito ang buhay. Yung kasama ko si Four, si Luke at si Matti. Pati na rin yung pinagbubuntis ni Nikka.
After all the chaos nabigyan ng chance si Fonzy na makausap ako sandali , kahapon kasi alipin sya ng asawa nya.
"Carleen."
"Hi Fonzy!"
"Masaya akong andito ka."
"Ako hindi, takot lang ako sa asawa mo."
"Hindi ko alam kung pupunta sila."
"Sana hindi Fonzy. Kasi hindi pa magaling eh."
"Sorry Carleen."
"Wala ka namang kasalanan diba?"
"Sorry Carleen, sorry talaga."
"Baliw ka. Okay lang, tapos naman na yun."
"Hate my clan Carleen, hate my family."
"Hayaan mo na sila Fonzy, basta mahalin mo lang itong mag-ina mo ha? Binigay ni Sandy ang lahat kaya pakiusap, ingatan mo sila."
"Oo Carleen, pangako ko sa'yo, magiging mabuti akong asawa at ama. Magiging tamang lalaki ang anak ko sa kahit sinong pakakasalan nya."
I smiled. "Tama yan Fonzy."
Fonzy sighed.
"Kung kaya ko lang Carleen, itatakwil ko na si Raz."
Hindi ko na nasagot si Fonzy dahil may tumawag sa kanya. Naiwan naman akong nilalaro ang bata. Haii Four, wag ka magpapakasal kapag di ka sure ha? Masalimuot eh. Gayahin mo ang Daddy mo kapag nagmahal. Wag yung iba mong kamag-anak ha?
May ilang nagpapapictire kay Four pero sa akin pa din nila binabalik ang bata na ikinatutuwa ko naman. My heart had timed out from crying today dahil sa batang ito. He is so cute. Natutuwa talaga ako. Imagine kahapon, tabi kami dalawa matulog. Haii, kung pwede magyaya na lang ako kasi kapag may baby, happy ang heart ko.
"Carleen picture ko kayo ni Four."
"Sweetheart, Carleen has a lot of pictures with Four already."
"Hayaan mo na! Ganda ng smile ni Carleen oh! Tsaka cute cute netong batang ito. Isa pa Carls!"
"Nikka ha! Di bale na ako paglihian mo wag lang si Four, baka mamayat to!"
Nikka just laughed. Umalis lang sila nung marami na ulit lumapit para magpapicture sa bida ngayong araw.
Just when I thought that my heart would have a rest today, Raz came with his wife.
Yes, his new wife. Just a week after the decision was released, nagpakasal sila Thea at Raz. Magarbo ang kasal nila. Hindi halatang hindi sila nagprepare. I attended in secret, may invitation naman ako eh. I needed to be there so I would stop hoping. And I was right, I stopped hoping but I started crying every day for the love I lost.
"Pwede ba kaming magpapicture kay Baby Four?" tanong ni Thea
Hindi na ako nakasagot, I gave them Baby Four. I asked the baby sitter to take charge. I went to the guest room and collect my things. I know that I will be breaking down again. I can't see them. I need to go away or I might cause a scene. Ayoko non. Ayokong makita pa nila akong umiiyak. Wala pa naman akong dalang pangpakalma. Magugulo na naman ang lahat. I must look okay, I should look fine but I was so weak, so weak I wanted to hug Raz again. So weak I want him to go back to me.
I cryingly ran when I saw Sandy commanding the nannies in the kitchen.
"Sandy, patawarin mo ako please. Kailangan ko nang umalis. Masayang masaya ako na nakasama ko kayo ng anak mo. Patawarin mo ako kung tatakbo na ako. Kahit magalit ka, aalis pa rin ako. Sorry Sandy. Mahina ang puso ko, hindi ko pa rin talaga kaya. Sorry sorry."
Hindi ko na hinintay pang magsalita sya, tumakbo na ako palabas. Inis na inis ako sa sarili ko kasi iyak ako ng iyak. Naiinis ako kasi ayaw tumigil ang luha ko sa pagbagsak. Sobrang sakit pa rin talaga.
Ano ba naman ang masama Carleen?!! Natural na magkasama sila, mag-asawa na sila! Diba nga umattend ka pa ng kasal! Ano bang problema mo Carleen! Magiisang taon na kayong hiwalay! Hindi ka pa rin tumitigil sa pag-iyak!
Gustong gusto kong saktan ang sarili ko para tumigil na ako sa pag luha.
Dahil ayaw tumigil ng pag iyak ko, hinubad ko ang mga sapatos ko at buong tapang na tumapak sa mainit na kalsada. Ala una na ng hapon at tirik na tirik ang araw kaya ramdam na ramdam ko ang init ng kalsada. I slowly am feeling the pain burning in my feet. Napapaso na ako kaya unti unti ng nadidivert yung sakit ng puso ko. Unti unti na ring tumitigil ang pagpatak ng luha ko.
I sighed.
I really need to go away and never return so he'll be happy without me seeing. And I? I would just grow old and die living with the vow I made, alone.
