CHAPTER 37

1.5K 76 28
                                    

Sinusubukan ko naman pong hindi nakakaiyak pero di kaya friends. Kailangang mangyari neto.

Sorry na ulit, prepare tissue muna ulit. Sorry guyth.

FYI, hindi po ako magiging marupok, 1 update lang today dahil need ko bumurlogs. Malala na ang allergic rhinitis ko. Also, hindi po maikli ang update. Pangako! 

Happy Reading! :)

Raz

Phone Call

Other line: Hi! may I speak with Mr. Azrael Ty?

Raz: Yes speaking. Who's this?

Other line: Hi Sir, this is Nurse Joseph Cinco of East Medical. You are the emergency contact of Ms. Carleen Marie Ty as written on her passport.

Raz: Yes, yes I am. What happened??

Other line: She's currently admitted in our ER and needs immediate procedures. Can you come here?

Raz: East Medical?! Papunta na ako. Please take care of my wife.

I ended the call and rush to the hospital.

Halos umusok ang kotse ko sa bilis ng takbo ko. Buti na lamang at andito ako sa Maynila dahil may inaasikaso ako but I didn't expect to hear this news.

"Nurse, Carleen Ty please."

"Kaano ano po kayo ng patient?"

"Husband."

The nurse guided me. I was shock to see Carleen fully blooded, lifeless with tubes connected to her.

"Malalalim po ang saksak na nakuha ng asawa nyo."

I was speechless! Hindi ko alam ang uunahin sa dami ng tumatakbo sa isip ko.

"Sir, you need to sign documents so we can do the procedure for your wife."

I nodded. Wala ako sa sarili. Payag lamang ako ng payag. Ang pinakaimportante lang naman sa akin maging maayos si Carleen.

Hindi ko isinakripisyo ang kaligayahan at pagmamahal ko para masaktan sya ng ganito.

I was in deep thoughts when the doctor came out.

"Doc!"

"Okay na po ang asawa nyo Sir. Dadalahin na po namin sya sa ICU para iobserve. Let's pray for her fast recovery."

I nodded and thank the doctor. Nakasilip lang ako sa ICU viewing nung dumating ang mga pulis.

"Sir, kayo daw po ang asawa ni Carleen Seigfreid-Ty?"

"Opo, Azrael Ty."

"Heto po ang narecover namin sa crime scene."

Iniabot nila sa akin ang bag ni Carleen kasama ang ilang nakaplastic na gamit gaya ng wallet, cellphone, relo at kwintas.

"Nahuli na ba ang gumawa nito sa kanya?"

"Opo, nasa presinto na po."

"Ano bang nangyari?"

"Nahold up po yung Misis nyo, sabi ng mga witness ibinigay naman daw po ni Mrs Ty ang lahat pati na rin ang bag nya pero kinukuha nya yung isang cellphone. Ayaw pumayag nung magnanakaw na may kuhanin pa sa bag ang Misis nyo, ayaw din daw po bitawan ng Misis nyo yung isang cellphone kaya sinaksak sya nung holdupper. At kahit po nakailang saksak, hindi po ibinigay ng misis nyo ang cellphone. Tiningnan na po namin ang laman pero wala naman pong kahinahinala. Wala rin pong sim card ang cellphone. Karamihan nga po ay picture nyo lang. "

Travel Goals: Fate and LoveWhere stories live. Discover now