CHAPTER 30

1.4K 66 42
                                    

Hindi naman nakakaiyak yung update kahapon diba? Try ulit natin ngayon :D

Hayaan nyo lang yan si Carleen, matatauhan din yan.

Carleen

Yesterday was my husband's birthday. I tried calling him once, pero hindi nya sinagot. Hindi rin sya nag return call so I suppose, he's busy. Or maybe he really don't want to talk to me. Hindi ko lang din alam bakit gustong gusto kong sinasaktan ang sarili ko.

After our 3rd anniversary, mga ilang linggo lang sya naging attentive ulit at umuuwi sa akin. After ilang buwan, nalimutan nya na ulit na may asawa syang iniwan dito. Back to being alone and waiting na ako.

I promised myself not to go to him pero siguro naman excemption ito diba? It was his birthday yesterday. Gusto ko lang naman syang makita at igreet na rin kung may chance. Miss na miss na miss ko na talaga sya.

Nakakatawa man, pero ang totoo ay may baon akong pampakalma. Baka atakihin ako sa makikita ko.

I checked in sa isang hotel. Hindi ko alam saan ba ako ako pupunta. Sa bahay ba nila agad? Paano pala kung wala sya? Bukod sa makikita ang biyenan kong galit na galit sa akin, baka makita ko rin ang papalit sa pagiging Mrs. Azrael Ty ko. Haiii.

I decided to surprise Sandy, matagal ko na nga pala syang hindi napupuntahan. Sa kanila na lang din siguro ako ni Fonzy magpapatulong para makita ko si Raz.

"Surprise!"

Sandy smiled and hugged me.

"Kilala mo pa pala ako! Tindi mo, kinalimutan mo na ako."

"Ui Sandy, grabe ka naman. Andito na nga ako eh."

"Sige na naiintindihan ko naman. Atleast, kahit hiwalay na kayo ni Raz, nakabalik ka pa rin dito sa Cebu."

Natigilan ako. Hiwalay na pala kami? Iinom na ba ako ng pampakalma?

"Carleen? Sandali. Ibig sabihin-"

Tears fell from my eyes while I am smiling. I am trying so hard to be fine, to be calm but my pain can't calm my heart.

"Hindi ko alam na hiwalay na pala kami Sandy."

"Ay! Ah--- Sandali. Mag-usap muna tayo."

Sandy guided me to seat on a sofa.

"Ano bang nangyari?"

"Hindi ko alam. Kita mo nga hindi ko alam na hiwalay na pala kami."

"Carls,..."

I sighed.

"Sana macelebrate pa namin yung 4th anniversary namin. Konting panahon na lang naman yun."

"Pisti! Magcelebrate pa nimo 4th year? Hiwalayan mo na!"

"Huwag muna Sandy. Gusto ko pa maging masaya."

"Masaya ka? Masaya ka sa ganito?"

"Masaya akong nakikita pa itong wedding ring sa daliri ko. Masaya pa akong natatawag akong Mrs. Ty. Dadahan-dahanin ko lang Sandy. Konti konti."

"Haiii Carleen."

"Lalayo na muna ako. Puntahan ko si Nikka at Kuya."

Sandy hugged me.

"Huwag na huwag mong pupuntahan ang gago mong asawa!"

"Sandy..."

"Hindi! Bumalik ka na Manila. Oh umalis ka na nga, pumunta ka na lang Germany, huwag ka ng bumalik ng Pilipinas! Ako na bahala sa animal nimo bana!"

"Sandy, please don't do anything. Please."

"Carleen!"

"Hayaan mo na lang, I will leave. Please."

"Carleen! Ako ang may kasalanan. Sorry, sorry if I tell him your office. Sorry if I helped him find you. I am so sorry Carleen."

"Sands, it's not your fault. I have been happy, I should thank you. So please, don't do anything to hurt him. Please."

"Pisti!"

I went back to my hotel and prepare to leave for Manila again. I already have flight ticket. Pero parang hindi ko kaya na hindi masulyapan man lamang ang asawa ko kaya naman I asked help from Fonzy. Hindi dapat malaman ni Sandy ang gusto kong mangyari.

"Carleen, papatayin ako ni Sandy kapag nalaman nya 'to"

"Fonzy, hindi nya malalaman."

"Carleen,.."

"Please Fonzy?"

"Haiii, Carleen."

"Please? Aalis naman na ako after."

"I really should kill my cousin."

"Huwag naman Fonzy. He needs to be happy muna."

"Haiiiii Carleen."

"Fonzy, after this, I may not be able to come back here. Hindi na rin siguro ako makakaattend ng kasal nyo ni Sandy. Fonz, wag mo saktan ang pinsan ko ah? Quota na ako."

"Sorry Carleen, I am really really sorry."

"Just please, do not hurt Sandy and we're even."

"We could never be even Carleen. Gago si Raz. Igaganti kita."

"No please. Mas masasaktan ako kapag nasaktan sya. Just let him enjoy the happiness he deserved."

"Bakit? Ikaw din naman Carleen ah."

"I already had my piece of happiness with him FOnzy, and that's enough."

"Carleen."

I just smiled at Fonzy and tapped his shoulders. I asked Fonzy where to find Raz. Mamayang gabi na kasi ang flight ko, hindi ko pa rin nakikita ang asawa ko. Ayaw nya talaga nung una, pero pumayag din sya sa paki-usap ko.

"Carleen."

"Sige na Fonzy, maabala pa kita, maghihintay na lang ako dito."

"Hindi na, hihintayin na lang kita."

I smiled at him. "Ano ka ba naman, hindi ako lalapit, gusto ko lang sya makita. Tapos aalis na ako."

"Carleen, masasaktan ka lang sa ginagawa nating ito eh."

"Okay lang Fonzy, masakit na rin naman eh, okay lang."

"Carleen please."

"Okay lang talaga ako Fonzy."

Ilang oras kami naghintay sa coffee shop. Katapat kasi nun yung lugar kung saan nagpark si Raz. Lumabas din si Raz, kasama nya si Thea. Bitbit pa ni Raz ang mga gamit ni Thea habang inaalalayan papasok ng kotse.

Sa sobrang sakit, wala ng luhang lumabas sa aking mga mata. Napangiti na lamang nga ako.

"Hiwalay na pala talaga kami ano Fonzy?"

"Carleen, I am sorry."

I just smiled at Fonzy. Hindi pa gaanong malaki ang tyan ni Thea, pero mukhang buntis na si Thea.

"Buntis na rin pala si Thea."

Fonzy bowed his head. And said sorry again.

"Congratulate him for me Fonzy. Matagal na pangarap ni Raz yan, finally, someone gave him what I can't give."

"Carleen..."

"Oh paano? Uuna na ako. Nakita ko na ang asawa ko eh. Maraming salamat Fonzy ha. Utang na loob ko ito sa'yo. Wag kang mag-alala, walang nangyari ngayon. Sabay nating kalimutan ang araw na ito."

"Carleen, sorry talaga."

"Fonzy, 'wag mo sasaktan si Sandy ha?"

"Carleen. . . ."

"Uuna na ako ha? Ingat ka Fonzy. Maging masaya sana kayo ni Sandy. Ipapadala ko na lamang ang regalo ko ha? Maraming maraming salamat."

Bumalik ako sa Maynila na mas mabigat ang kalooban. Magkaka-anak na ang asawa ko hindi nga lamang ako ang ina. Masayang masaya na siguro sya kaya hindi nya na naalala na may naghihintay na iba sa kanya.

Travel Goals: Fate and LoveWhere stories live. Discover now