Finale atlast! Nairaos din ang kumplikadong kwento nila Carleen at Azrael!
I hope you enjoy the story kahit may parts na pina-iyak kayo ng husto.
I love you all! Kita kita ulit tayo sa book ni Annika - Unvoiced
Carleen
"Zum Geburtstag viel Glück!
Zum Geburtstag viel Glück!
Zum Geburtstag liebe mädchen!
Zum Geburtstag viel Glück!"
"Happy Birthday Girls!!!"
Nikka immediately kissed my girls. Nakakatawa talaga to, kala mo sya yung Nanay! Aba sya pa ang tumerno sa kulay ng damit ng apat, parepareho pa sila ng ribbon sa ulo. Sya talaga Nanay eh oh!
"Wow! Ikaw Nanay? Ikaw umire jan?"
"Ihhh! Gusto ko nga kasi ng girls kasi!"
"I want girls too Carleen!" Fiona seconded.
Natatawa ako kay Fiona, nag-aral sya talagang magtagalog kasi nahihiwagaan sya sa mga pinaguusapan namin minsan kaya kahit papaano ay nakakaintindi na sya.
"Gumawa kayo ng sarili nyo ha! Wag nyong pangigilan yang mga anak ko! Puro kayo ganyan kapag naman nag-iyakan puro nyo naman ibabalik sa akin!"
Both my sisters-in-law laughed hard. Guilty yan sila. Panggigigilan tapos papaiyakin tapos ibabalik sa akin, yan kasi ang trabaho ng dalawang yan.
Well, I smiled seeing my toddlers behave for awhile. Yes, for awhile kasi paniguardong mamaya, magsisitakbuhan na ang apat na yan with matching iyakan. Sa ngayon, behaved pa yan sila kasi tuwang tuwa sila makakita ng candles at excited sila magblow for their 2nd birthday. Sa totoo lang ay pinractice pa sila ni Raz para sa birthday video.
We had a small party here in Germany. Thankfully, when the girls are about three months, the doctors allowed us to go back home here since they all grew well and healthy. Both of my parents ofcourse were extremely happy that we are coming home.
At dito na nga sila mga lumaki at nagiging makukulit. Dito na rin namin ipinagpatuloy ang buhay namin bilang masayang pamilya. So far, so good. Mejo magkasundo na sila Papa at Raz.
I don't know how Raz was able to find funds again but he was able to buy a small lot that he converted to farm. He started to plant apples at mukhang kumikita naman sya. Papa even was impressed because he was able to support us well through the small land he bought. Hindi man kami sagana, hindi rin kami naghihirap. Raz was so diligent in making sure his girls live comfortably.
Sa ngayon, hindi pa ako bumabalik sa trabaho kasi inihahanap pa namin ng mag-aalaga itong mga bata. At ayaw ni Mama ng basta lang, she is making sure that the nanny is responsible and kind.
This birthday party is small but a happy one kasi buo ang pamilyang kong andito. My parents, my brothers and their families and my husband. Masaya dahil atlast, lumalaki na rin ang pamilya namin. The little boys are very very attentive of my girls. Lahat sila busy na laruin at alagaan ang mga anak ko which made my heart flutter with Joy.
"Carleen, gusto ko din talaga ng baby girl."
I smiled at Nikka.
"Gusto mo ba hiramin? Pero all or nothing yan ha!"
![](https://img.wattpad.com/cover/101417083-288-k302714.jpg)