Carleen
"Mahal, matulog ka na muna. Kagabi ka pa jan ah? Nakaleave ka nga ng ilang araw, puro ka naman nakatutok jan."
"Magaling naman na ako Mahal. Galing kasi ng nurse ko."
"Matigas naman ang ulo ng pasyente ko."
"Sorry, I love you."
"Haii nako Azrael Ty."
"Mahal, tingnan mo ang FS ng farm. Hindi ko naiintindihan kung bakit ganito."
I was in doubt if I will help. Ayaw kasi ng Mama nya na makialam ako sa negosyo nila. Feeling nya kasi aagawin ko yun anytime. Kung tutuusin, di hamak na mas malaki ang net worth ko bilang isang Seigfreid kesa sa kanila, pero dahil nga anak pa rin ako ni Catalina, wala pa rin syang tiwala sa akin.
"Mahal, tutulungan kita pero please, wag mo sasabihin sa Mama mo ha."
"Sorry mahal."
I smiled and look at the FS.
May mali talaga sa farm at sa management nito. For an old farm business, nakakapagtaka na ngayon pa sila nalugi.
Ang problema ng farm ngayon ay pera. Mas malaki ang payables nila kesa sa receivables. Mukhang maraming maling investment ang management. Sa ngayon, ang nangngailangan ng immediate attention ay bayaran ang loans na may malalaking interest or babagsak na talaga ang farm.
The loan interest alone can kill the farm. Bakit naman kaya sumugal ng ganito ang management?
"Mahal, gusto mo bang tulungan kita?"
"Tinutulungan mo na ako mahal."
"Hindi, ang ibig kong sabihin, gusto mo bang tulungan ko kayo. I can invest on the farm."
"No Mahal ko. Kaya na namin 'to. I really appreciate your offer but no, my family should shoulder this pain. Hindi dapat ikaw. Sa papel mo na lamang ako tutulungan."
"Pero pamilya mo rin ako Raz. Asawa mo ako."
"Alam ko po yun Mahal ko. Ayaw ko lang na madamay ka dito. Wala ka bang tiwala sa akin."
I kissed his head.
"Malaki ang tiwala ko sayo. Mahal na mahal kita Raz."
"Mahal na mahal din kita Carleen Marie, Mahal ko."
At kahit ba alam kong hirap na hirap si Raz, all I do is to support him. Ayaw nya kasi magpatulong sa pera. He asked for leave of absence in his duty to make sure he focused on the farm. He stays in Cebu for the mean time but he flies back at least twice a week.
Sa ginagawa nya, para na rin kaming si Nikka at Kuya Jake noong wala pa silang anak. Yung LDR per ginagawan ng paraan na kahit minsan na lamang sa isang linggo ay magkasama sila.
I was home alone, when one night, on a very rare chance, his mother called.
She wants me to go to Cebu and meet her but I was told not to tell my husband that I will be coming to Cebu. I was commanded by my mother in law to meet her in Cebu, walang pakiusap, walang pasuyo, inutusan nya akong puntahan sya.
I was early that day but she was a little earlier than I am.
"Good Morning po."
"Have a seat."
I took a seat pero kakaupo ko pa lang, may greetings na agad ang biyenan ko.
"Do you know how big is our problem?"
Ito talagang biyenan ko, ni hindi man lang ako ginoodmorning eh.
"I am sorry Maam."
A waiter came and asked for orders. I just order a tea. Ang biyenan ko kape, brewed coffee. Pero bakit kaya di man lang sya tinalban man lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/101417083-288-k302714.jpg)