Chapter 8: I am your wife

176 7 0
                                    


"COME ON, bigyan mo na kami ng beer! Kanina pa kami rito, oh." Sa sobrang pagkadismaya ko sa nangyayari, hindi sinasadya kong nasigawan ang barmaid na naroon. Nang marinig ay agad agad itong nagkamadali sa pagkilos at saka naglapag ng beer na hinihingi ko kanina pa.

"Ma'am, kalma lang ho kayo. Pwede naman pong mag-usap tayo tungkol sa problema ninyo," singit ni Rod na nasa likuran ko na ngayon. Mukhang pati siya ay natatakot na rin sa mga pagsigaw ko.

At iyon pa ang mas nakakadismaya! Ilang beses niya ba ako kailangang tawaging Ma'am sa araw na 'to?!

"I am your wife, you idiot." bulong ko na lang sa sarili ko. Ano man ang kagustuhan kong ipagdukdukan yan sa lalaki ay paniguradong magmumukha lang akong baliw.

Paano niya ako magiging asawa kung wala lang ako sa buhay niya?

Mabilisan kong ininom ang hawak pagkatapos ay muling bumaling sa lalaki. "Upo ka kasi! Ano ka bodyguard?"

"Ma'am, kailangan ko pa rin ho kayong bantayan-"

"Pwede ba?! Pwede ba tantanan mo ako sa kaka-Ma'am mo?"

Sa totoo lang, hindi ko na rin talaga alam kung ano ang nangyayari sa akin.

Pakiramdam ko sobrang disappointed ako sa nangyayari. Sinong hindi, alright? Apat na taon kong itinuring na asawa si Rod pagkatapos biglang nangyari ito na maski hibla ata ng buhok ko ay hindi siya pamilyar.

Wait, I need to get a hold of myself. Kung talagang gusto kong makuha ang plano, dapat ay mas maging kalmado pa lalo ako.

Come on, Jewel. Just give it a shot.

"Saan ka ba nakatira?" kalmadong tanong ko. I need to figure it all out. I need to know the truth. May alam ba talaga siya tungkol rito?

"Ah, sa tondo po."

Unang sagot ay parang nilakumos na agad ang puso ko. Hindi siya doon nakatira bago kami magkakilala. Nakatira ito malapit sa milktea shop sa may BGC na pinagtatrabahuhan nito noon.

What the hell is happening? Why do I need to figure this out alone?

"Ang layo, ah. Bakit sa kompanya ka pa nagtatrabaho?" Sumimsim ako nsa hawak kong baso ng beer, pakiramdam ko kasi natatakpan noon ang kabang nararamdaman ko.

"Wala na pong ibang tatangggap sa akin, Ma'am. Pasalamat na lang po akong tinanggap ako ng kompanya ninyo," saad nito saka nagsimula na ring uminom ng kanya.

"But that's a lot of hard work. Considering babyahe ka pa then mabigat na trabaho pa nag-aabang sa'yo sa kompanya," sabi ko naman.

I was actually amazed on how casual our conversation is. Sa loob ng apat na taon, kailan ba kami huling nag-usap ng ganito ni Rod sa bahay?

Ang Rod noon, palaging bagsak sa higaan pagkarating galing sa trabaho. Naiintindihan ko naman iyon lalo pa't nagawa siyang tanggalin ni daddy noon sa kompanya kaya kung ano anong sideline na lang ang sinubukan niya.

Noon at ngayon... sobrang sipag pa rin talaga ni Rod.

"Kailangan ho Ma'am, eh. May mag-ina akong umaasa sa akin."

Gusto kong magwala sa inis dahil sa pagtawag nito sa akin ng Ma'am pero may kung anong punyal na ang naunang pumasok sa dibdib ko.

May mag-ina siyang umaasa sakanya...

And that's definitely not me and Jihan. Fuck.

"M-Mag-ina?" Ginawa ko ang lahat para umaktong kalmado pero hindi pa rin nakatakas ang animo'y awtomatikong panginginig ng mga kamay ko.

"Opo, Ma'am. Kailangan kumayod para sakanila lalo na't magpapasko na naman. Gusto ko sana mapasyal 'yung pamilya ko kahit papaano. Kaya nga rin po, kinuha ko ang alok ninyo kanina." Mahina siyang natawa pagkatapos magsalita. Kung mayroon kang isang bagay kay Rod na hindi ko nakita noon ay iyong pagiging mas passionate niya sa ginagawa.

At sobrang sakit na noon para sakin.

Sa huli naming pag-uusap sinabi niyang nagsisisi siya sa akin, pagkatapos ngayon, may ibang pamilya na siyang inuuwian.

Maaaring magulo pa ang lahat sa ngayon, pero isa lang ang pinakanaiintindihan ko.

Posibleng hindi na ako makabalik.

Posibleng hindi ko na mabalik ang dati kong pamilya. Hindi ko na mahawakan ang maliliit na kamay ni Jihan, hindi ko na marinig ang mga tawa maging ang mga iyak nito.

Posibleng hindi ko na antayin ang alas sais ng gabi para dumating si Rod galing sa trabaho.

Posibleng mabura ang lahat at manatili na lang ang mga iyon sa alaala ko.

"C-Can I meet them?" Halatang nagulat siya dahil sa sinabi ko. "Dalhin mo sila sa kompanya then I will shoulder all the expenses para sa pamamasyal ninyo."

Ang gulat niya ay mabilis na napalitan ng pagkamangha at galak. "Talaga po, Ma'am?!"

Ang masakit pa roon, hindi ko man lang siya nakitang ganyan kasaya noon.

"Nako, Ma'am. Hinding hindi ko ho kayo tatanggihan ha? Blessing po 'yan. Saka..." Bahagya itong nagkamot sa ulo. "'Yung anak ko po, kinukulit na ako ng kinukulit kahit matagal pa po 'yung bonus."

Wala na akong ibang narinig sa mga susunod pa nitong kwento tungkol sa anak at asawa niya. Nanatili na lang ako sa katotohanang hindi na ako. Hindi lang malinaw sa akin kung totoo ba ang apat na taon naming pagsasama.

Alin ba talaga ang panaginip? Ang apat na taon o ang nangyayari sa akin ngayon?

Umaalon na ang paningin ko noong nagbukas ako ng telepono. Tadtad ang tawag at messages mula kay mommy.

Mommy
8:35 pm

Kanina pa kita kino-contact. Kanina ka pa hinahanap ng daddy mo. Uwi na

Muli kong nilingon ang lalaking kasama gamit ang pagod na mga mata. May kausap na ito ngayon sa telepono na halatang halata ang kasiyahan.

"Oo, 'nak! Malapit na 'yun, okay? Sabihan mo na lang si mama na pauwi na rin ako."

No Rod... no... I am your wife.

•••
LILAC: Short update dahil sobrang busy. #YesToAcademicFreeze

Stay home, everyone. Keep safe!

Her Awaited AnswerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon