Chapter 18: Emergency

180 6 0
                                    


"DADDY, have you seen Jihan?" Tuloy-tuloy kong binabagtas ang mataas na hagdan habang nagsasalita. Simula kasi paggising ay hindi ko nakita ang anak.

Inaalala kong baka lumabas na naman at maggala kung saan-saan o kaya naman lumabas ng subdivision.

"Call Manang Esi, nakita kong nagkausap sila kanina." sabi ni daddy na hindi man lang nagagawang alisin ang mga mata sa laptop na kaharap.

Madali akong nagtungo sa kusina. Baka naman kasi nagsimula na namang magpasaway ang anak ko sa mga kasambahay ni daddy. Naalala ko noong nakaraan, umalis lang si Manang Esi sandali, pinaglalagay na ng anak ko ang mga sangkap na lulutuin kahit hindi naman nito alam kung para saan ang mga iyon.

"Jihan?" Intrada ko nang makapasok pero sinalubong ako agad ni Ate Tess, isa sa mga kasama rin ni Manang Esi. Itinuro nito ang pinto papalabas sa maliit na garden ni daddy kaya madali ko iyong tinungo.

What does my baby's business for today, huh?

Awtomatiko akong napangiti nang makita ang anak na naka-squat habang marahang hinahaplos ang iilang bulaklak na naroon. Maya't maya ko ring nakikita ang pagbukas ng bibig nito na para bang kinakausap nito ang mga ito.

Marahan akong lumapit at hindi nagpahalata kaya doon ko nakumpirmang nagagawa ngang kausapin ni Jihan ang mga halamang naroon.

"–hindi ko nga alam pero alam kong may hindi okay. I've never seen my mother na umiyak ng gano'n. I hate to see it. Kaya lang, wala naman akong magagawa kasi hindi ko pa naman alam kung paano siya matutulungan."

Para namang agad na nanlambot ang puso ko at hindi na natiis ang hindi yakapin ang anak. Marahan ko ring hinaplos ang buhok nito at hinalikan.

"Mommy naman, eh! Kanina ka pa dyan?" aburido niyang banggit kaya tinawanan ko na lang. 

Tinutuo ni Rod ang sinabi niyang hindi na nga ito manggugulo o magpapakita. Finally, I'm at peace. Alam kong mas okay na ang ganito kaysa palagi pa siyang makikita ni Jihan dahil kahit papaano matatanggap ni Jihan ang sitwasyon. At sa isang buwan na iyon, mas napanatag akong sabihin na ang lahat sa anak ngayon.

Hinila ko ang anak papunta sa dalawang bakanteng upuang naroon. Maybe he's a little bit young pero alam kong maiintindihan niya na ito ngayon. Matalino ang anak ko at hindi siya basta-basta kaya malaki ang pag-asa kong mas magagawa niya iyong matanggap ngayon.

"Ji? May sasabihin si mommy..." May ngiti sa inosente nitong mukha nang hinarap niya ako dahilan para mas lalo kong pag-igihan ang pagkukumbinsi ko sa sarili kong sabihin ang totoo.

"Si mama at si papa mo–"

"Magkaaway po kayo, Mama. Alam ko na po 'yun. Sabi ng klasmeyt ko, normal lang po sa mama at papa ang mag-away. Kung galit po kayo kay Papa, Ma, okay lang po sakin. Basta po ha, magbati po kayo kasi gusto ko na rin pong makita si Papa. Miss ko na po ulit siya," maligaya pa nitong sabi. Sa pagkakataong iyon, mas gusto ko nang umatras pero kung ganito nga ang iniisip ng anak ko ay hindi malayong umasa pa ang bata.

Mas mahihirapan pa itong bumitaw sa isang bagay na matagal nang naglaho.

"Nak, makinig ka muna kay Mama." Pilit kong tinatatagan ang sarili pati na ang pagpipigil sa mga magbabadyang luha.

Sa isang buwan matapos ang pag-uusap naming iyon, alam ko okay na ako. Pero iba pala kapag alam kong masasaktan ang anak ko sa totoo.

Isang buwan akong nag-isip isip para matimbang ang dapat kong gawin at ito ang naging resulta noon kaya dapat ko pa rin nitong panindigan.

"Si Mama at Papa, hindi na magkakaayos. Totoong umalis si Papa noon para sa trabaho pero ginusto niya pa ring iwan tayo, 'nak..." Mabilis na nag-iba ang ekspresyong ipinapakita ng mukha ni Jihan kaya agad akong nataranta. Hinawakan ko ang pisngi nito at inilebel sa mukha ko. "Nak, hindi na babalik si Papa sa atin."

Her Awaited AnswerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon