Chapter 12: Bring her back

160 8 0
                                    

Third person's point of view

Taguig, 2020

PAUNTI-ONTING idinilat ni Jewel ang mga mata. Hindi matawaran ang pagsakit ng ulo at mabigat na loob.

Nasaan siya?

Hindi niya mapigilang kumpirmahin na baka nababaliw na nga talaga siya.

Nang may magbukas ng pinto ay walang pag-aatubili niyang isinarado ang mga mata. Sa totoo lang, natatakot na siya. Baka naman isa na naman ito sa mga hallucinations niya. Baka naman kung saan na naman siya dalhin.

Maigi niyang pinakiramdaman ang lugar. Narinig nito ang pagbukas ng pinto at ang yapak ng dalawang taong pumasok.

"At paano naman 'yan mangyayari sa anak ko?" Hindi niya napigilan ang mapayukom ng kamao. Kilala niya ang may-ari ng boses — ang dahilan ng pagkawala ng mommy niya.

"Well, actually, Sir... the doctors can't be exact kung ano marahil ang cause ng Catatonic depression. But one of its symptoms is due to the depletion of dopamine. Alam naman natin na dopamine is a neurotransmitter in the brain associated with mood. So, this maybe changes in the brain structure or functioning which may make the brain less responsive to hormones. Or is there a family history of depression sainyo?"

Nanatili ang katahimikan sa dalawang nag-uusap, nanatili rin ang nakayukom na mga kamay ni Jewel sa naririnig at nalalaman.

"It could be some life changes such as death of a loved ones or divorce," pagpapatuloy pa ng doktor na matiim ang titig sa babaeng nakaratay sa kama.

Mag-iisang buwan na siyang ganito. Pagbukas at pagsara ng mga mata lang ang ginagawa. Tuwing nakadilat naman ay hindi mo rin magagawang makausap, parating malayo ang tingin at tulala.

Tuwing kinakausap din ng iilang mga kaibigan ay binabagsakan niya lang ito ng pilikmata. Hindi ito nakararamdam sa paligid. Hindi nalalaman kung ano na ang nangyayari.

"Well, her mother died three months ago. Hindi siya nagpunta kahit sa forty days at hindi ko pa rin siya nakikita sa puntod nito para bumisita."

Doon pa lang gusto nang sugurin ni Jewel ang ama pero sa labis na paghihinagpis dahil sa naalala, hindi na rin siya nakakilos.

Kahit gusto nitong magsalita at pagsisinghalan ang lalaki ay hindi niya magawa.

"That may be taking a toll on her, Mr. Salazar. Hindi niya pa mabitawan ang mommy niya kaya mas pinipili nitong manatili sa mga iniisip. It's actually possible. She chose to stay in daze, maaaring wala itong ibang iniisip kundi masasayang alaala nila ng mommy niya," abi pa ng doktor.

Ang totoo, kinakain rin siya ng pag-aalala para sa babae. Ilang beses niya na rin kasing nakitang umiiyak ang maliit nitong anak at paulit-ulit siyang hinahanap.

"She'll overcome, right?" nag-aalalang tanong ng daddy ni Jewel.

Alam nitong marami siyang hindi nagawang mabuti sa anak but seeing her like that is scaring him. Paano kung hindi na ito magising? Paano kung tuluyan na itong mawala sakanya?

Simula't sapul, wala itong ibang hinangad kay Jewel kundi ang magandang buhay. Nang maipanganak nila si Jewel noon ay ipinangako nito sa sarili niyang pakaaalagaan niya ang anak.

He did.

Kaya lang mukhang nasobrahan. Inaamin niya naman iyon. Maaaring may galit ito sa ina nito noon ay hindi naman nahadlangan ang pagmamahal sa anak.

It may be out of the picture dahil nakapokus ang lahat sa pagmamaltrato nito sa asawa pero hindi iyon nawala.

In fact, he's a changed man now. Labis rin nitong pinagsisihan ang pananakit na ginawa sa asawa sa loob ng maraming taon na naging dahilan ng pagpapakamatay nito.

Pinagsisisihan nito ang ginawa pero siguro siyang hindi na iyon kailanman matatanggap ng anak.

Jewel hates him. Alam niyang isa sa mga rason ng anak sa hindi pagpunta sa libing ng ina ay hindi lang basta sa lungkot at hindi pagtanggap kundi sa pagkamuhi rin nito sakanya.

Pero hindi pa rin ito tumitigil kakahiling na magawa siyang patawarin ni Jewel. Kilala nito ang anak, marahil sobrang madamdamin pero matalino at paniguradong alam ang tama at mali.

Marahan siyang nginitian ng doktor na kaharap. "She will. Hindi natin titigilan ang iilang medicines at therapy pero ang kailangan lang sa ngayon ay magising siya – mapull out natin siya in her own reverie."

Muling natahimik ang dalawang lalaki sa kwartong iyon, pawang nakatingin sa nagtutulog-tulugang si Jewel ngayon.

Taliwas sa kaalaman ng dalawa, naririnig ni Jewel ang pinag-uusapan nito. Nalaman na niya ang lahat. Nagkaroon na siya ng eksplinasyon sa mga nangyayari.

Eto ang totoong mundo. Hindi totoong dalawang pu't dalawang taong babae siya. Hindi totoong nakasama niyang muli ang ina. Hindi totoong may bagong pamilya si Rod.

Si Jihan... mahina niyang bulong sa sarili dahilan para tuluyan nitong imulat ang mga mata.

Miss na miss na nito ang anak, ang pagtawa maging ang palahaw nito sa pag-iyak.

Si Rod...

Nasaan marahil ang asawa niya? Mag-iisang buwan siyang walang malay sa paligid kaya mas lalo lang nag-alab ang kagustuhan nitong makita ang asawa.

Where are they? Bakit wala sila rito sa silid?

"A-Anak?" Sa naisip ay nawala sa isip niyang narito pa pala ang ama. Wala tuloy itong choice kundi ang makita ang lalaking dahilan ng paghihirap nito.

Sandali siyang tsinek ng doktor. Maging ito ay nagulat sa biglaang paggising at pagsasalita ng dalaga lalo pa't ilang linggo rin nila iyong inaasahan.

Nang matapos ang doktor ay agad muna itong lumabas kaya nagawang maiwan ng mag-ama sa loob ng kwarto.

"Jewel–"

"Ayaw kitang makita," malamig na sabi niya. Walang ekspresyon ang kanyang mukha at deretso lang ang tingin sa mga matang amang kaharap.

"Jewel, anak, I'm sorry–"

"Leave me alone." Nakakatakot. Hindi makapaniwala si Jelo sa inaakto ng anak. Para bang hindi ito si Jewel... parang maraming nabago sa anak niya sa ilang taon nilang hindi pagkikita.

"Anak, pakinggan mo naman si Da–"

"I said, leave me alone!!" Bahagyang napaatras sa lakas ng boses ni Jewel si Jelo. Ngayon lang niya nakitang ganito ang anak. Malayong malayo sa napakasweet nitong anak noon.

Sakto namang bumukas ulit ang pinto ng kwarto at iniluwa noon ang iilang mga nars na magbabantay kay Jewel kasama ang kaibigan nitong si Faye na karga naman si Jihan.

"Mama!"

Walang pagsidlan ng kasiyahan ang kaninang nakakatakot na si Jewel ng makita ang anak. Hindi natigil ang pagyakap niya rito.

Miss na miss niya ang anak. Miss na miss niya ang mga panahong nasa bahay lang sila at prenteng nag-aantay sa pagdating ng asawa.

Si Rod...

Bakit wala siya sa ospital?

"Si Rod?" Bago pa man tuluyang kainin ng kung ano-anong naiisip si Jewel at nagtanong na siya kay Faye na siyang kaharap.

Agad itong natahimik at bahagyang napalingon kay Jelo na naroon pa rin sa silid, tahimik.

Wala siyang alam. Hindi nito alam ang pupwedeng isagot sa kaibigan lalo't isa lang ang alam niya.

"Faye. Ang sabi ko, nasaan si Rod?" Iyon na ang huling narinig niyang kalmadong boses ng kaibigan nang nagsimula na itong magsisisigaw at magwala.

Her Awaited AnswerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon