Chapter 15: Stronger

164 6 0
                                    

"IYAN PO ang invitation para bukas papa. Buti na lang dalawa ang hiningi ko sa teacher ko nu'ng Friday," tuloy-tuloy lang ang pagsasalita ni Jihan. Excited na excited siya sa ama, kung hindi ito nakayakap ay paniguradong nakahawak naman ito sa mga kamay nito.

"Jihan, eat first." sabi ko na lang. Marami akong rason para sabihin iyon; una, ayokong kausapin ito ang ama. Para saan ba, hindi ba? Para saan pa ang pagkukwento nito kung hindi naman nararapat para sa lalaking ito ang lahat?

For earth's sake, he abandoned us! 

Ano 'yun hindi niya biglang alam? Ano bigla soyang nawalan ng alaala at nakalimutang may anak siya? That's a pure bullshit. 

Naloko na niya kami ni Jihan noon tungkol sa pangako niyang hindi kami iiwan, paano pa kami maniniwala sa kung ano mang sasabihin niya ngayon o kung may sasabihin man lang ba siya? 

I deserve an explanation but I prefer not to ask. Masyado nang maraming nangyari sa loob ng limang taon.

Sandali kong binalingan ng tingin ang lalaking nakangiti habang nakatingin sa anak ko. Hindi ko mapigilang hindi kuluan ng dugo. Ano ito? Lokohan? Iiwan pagkatapos babalik na parang walang nangyari?

"Papa, alam niyo po ba 'yung Minecraft–"

"Jihan ang sabi ko, kumain ka muna." madiin kong pagkakasabi. Naramdaman ko naman ang biglaang pagtitig ng lalaki sa akin, napairap na lang ako sa kawalan. 

"Pero I can eat naman po while kausap ko si daddy..." mangiyak-iyak na tugon ng anak ko dahilan para mas lalo pa siyang aluin ni Rod. 

Ibang-iba na ang itsura nito ngayon. Ibang iba na sa itsurang nakasanayan. Kung titingnan mo ngang maigi ay malabong makita pa ang dating Rod Antonio. Mukhang malaki ang naitulong ng pag-a-abroad sa katauhan niya.

Maganda ang naging epekto ng lahat sa buhay niya samantala kaming naiwan niya ay ngayon ngayon pa lang nakakabangon.

"Oo nga, 'Nak. Sundin mo na muna si mama mo. Pagkatapos mo, saka na lang tayo mag-usap."

Parang sinulid na biglang napigtas ang pasensya ko. Padabog akong tumayo at umalis doon. Dumeretso ako sa banyo ng fast food na kinaroroonan pagkatapos ay nagkulong sa cubicle.

Did he just shamelessly call MY son as his? Teka sandali, anong karapatan niya?

Ngayon tuloy, pinagsisihahan kong hindi ko itinuloy ang plano ni Faye sa pagtatanggal ng karapatan kay Rod.

Dismayado kong inihilamos ang palad ko sa mga mukha. Kung hindi naman kasi dahil sa pamimilit ni Jihan na sumama si Rod sa pagkain namin ay paniguradong hindi rin ako papayag. Kaya lang, nakaramdam din ako ng pagkaawa sa anak. Lumaki ako sa magulo pero kumpletong pamilya kaya alam komg mahirap din para sakanya ang walang amang kasama.

Pero sana naman si Rod na ang umiwas tutal siya naman talaga ang nang-iwan.

Sana lang natapatan ng mamahalin niyang damit at alahas ang ginawa nitong pang-aabandona sa amin.

Ilang minuto lang ay pinili ko na ang lumabas sa banyo. Kailangan kong kumbinsihin ang sarili ko. Kailangan kong magpanggap na hindi ako naaapektuhan, na wala akong pakealam sa kung ano pa mang nangyayari. Kailangan kong maging malakas.

Pabalik ako sa lugar ng makasalubong ko si Andrei. Isa rin ito sa mga naging kaklase namin sa isang minor subject sa colloege. Kaya lang, batak ang utak nito dahil itinuloy ang pagmemedisina.

Sabagay, sakanya rin kasi kumukopya ni Faye noon. Natatawa na lang ako tuwing naaalala ang mga iyon.

"Uy, Doc!" bulalas ko rito.

"Jewel," he said while flashing his genuine smile. Palagi naman iyang ganyan kaya maging ang mga nurse sa ospital na pinagtatrabahuhan, pinag-aagawan pa siya.

Kaya lang, pihikan. Tatanda ata tong binata.

"You feeling better?" Agad naglaho ang ngiti ko sa tanong niya. Alam niya rin kasi ang nangyari sa akin, doon mas lalo tuloy kaming nagkasama-sama ni Faye lalo pa't madalas din siya sa bahay.

Ewan ko ba. Lagi rin kasing iniinvite ni daddy para raw may magbantay sa akin.

Andrei is a neurosurgeon. Napakalayo naman sa sakit ko, diba?

But still, mukhang tinutuo niya ang bilin ni dad ay binantayan pa rin ako.

"'Yun nga, eh. Parang makakapatay ako ngayon," mahina kong sabi kaya nabalot agad ng pag-aalala ang mukha ni Andrei.

"What?!" Agad niyang hinawakan ang mga kamay ko at mukhang kinukumpirma kung may panginginig pero madali ko lang itong iwinakli.

Malamang pagtitripan lang ako ng lalaking ito kung malaman man niya ang dahilan. Dahil kasi sa kami na lang palagi ang magkakasamang tatlo ni Faye ng mga nakaraang taon, pati mga katangahan ko alam na niya.

Bukod tuloy sa pag-iisip ko kay Jihan–

"Si Jihan!"

Hindi ko na tuluyang napagtuunan ng pansin ang kasamang si Andrei dahil dali-dali kong tinahak ang daan pabalik sa anak.

Ito na nga ba ang paulit-ulit na binibilin sa akin ni Dr. Tamayo, mabilis akong madistract kaya kaonting kibot lang ay agad ko nang nakalimutan ang anak kong naiwan sa lalaking iyon.

"Jihan!"

Nang makarating, agad kong hinila ang anak ko patayo kaya hindi nakatakas sa akin ang gulat na bumalatay sa mukha ni Rod.

"Tito Andrei!"

Mabuti na lang at hindi na nabigyang-pansin ni Jihan ang kumosyon lalo pa't nakita nito sa Andrei na sumunod pala sa akin at nagpakarga.

Nilalaro-laro nito ang kwintas ni Andrei habang prenteng nakayakap sa binata.

"Uuwi na kami," malamig kong sabi. Sa totoo lang, pinilit ko talaga ang sarili kong ang salita dahil mukhang napipilan na naman ako habang kaharap ang lalaki. 

"Teka, Jewel. Mag-usap naman tayo." 

Nakakukuryente ang mga hawak niya. Magaan lang ang pagkakahawak nito sa braso ko pero para akong pinasukan ng bulto-bultong kuryente.

Pero imbes na magpaapekto, pormal ko itong nginisian at nagtaas-noo. "Sana man lang tinanong mo muna ako kung gusto kitang kausap para naman nasagot kitang hindi." 

Kitang-kita ko ang pag-awang ng bibig ni Rod. Halatang gulat na gulat at hindi inasahang maggagaling ang mga salitang iyon sa bibig ko.

"Hindi lang iilang araw ang lumipas, Rod. Limang taon iyon. Limang taon na wala akong nakuhang kahit ano sa'yo — salita, paliwanag. Kaya kung ano man ang lahat ng naiisip mo ngayon, tumigil ka na. Tigilan mo na kami."

Marahas kong hinigit ang braso ni Andrei at kumapit doon habang naglalakad palayo. Ilang beses na akong tinakasan ng lakas pero hindi na ako magiging mahina.

•••

Malalakas ang paghalakhak ni Andrei habang inihahatid niya kami sa sasakyan ko. Ang loko! Asarin ba naman ako sa pagiging marupok? Nasaan ang pagiging marupok don?

"Ang tatanda niyo na para pa rin kayong mga highschool," sabi nito habang ibinababa ang nakatulog ng si Jihan sa passenger's seat.

Swerte niya na lang dahil hawak nito ang anak ko dahil kung hindi, nabatukan ko na naman siya.

"Hiyang-hiya naman ako sa'yong nalipasan na ng panahon dahil sa pag-aaral!" Sa pagkakataong iyon, ako naman ang tumawa nang tumawa at sa isang iglap ay bigla na lang sumeryoso ang mukha niya.

"But seriously, Je. This is one of a hell ride. Hindi lang ikaw ang maaapektuhan kundi si Jihan. Guard your heart, guard your family. " Ngumiti ito nang pagkalawak-lawak bago tuluyang isarado ang pinto ng sasakyan. Kailangan pa nitong magtrabaho at kahit gaano nito kagustong ihatid kami ni Jihan ay wala siyang magagawa.

Itinuloy ko ang pagmamaneho habang baon ang mga katagang binitawan ng kaibigan.

Kailangan kong mas patatagin ang sarili. Hindi na akong muli matatalo. Hindi ko na ulit maiwawala ang sarili.

Her Awaited AnswerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon