Ramdam ko ang ihip ng hangin na tumatama sa aking balat, at tunog lamang ng mga punong sumasabay sa sayaw ng hangin ang tanging naririnig ko. Hinawi ko ang buhok na humaharang sa aking mukha dulot ng malakas na hangin. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papasok ng pintuan."Callie!" rinig kong tawag ng lalaki sa di kalayuan, napangiti ako sa ingay ng kaniyang boses. Tumakbo siya papalapit sa akin "Handa ka na ba?" tanong niya habang hinihingal pa, tumango ako at inimuwestra naman niya ang kaniyang braso na siyang inakayan ko,
"kinakabahan ako." ani ko, "Bakit naman? Matagal mo nang gustong gawin 'to eh, ngayon ka pa ba matatakot." sagot niya sa akin.
Nakalabas na kami at natanaw ko na ang sasakiyan, pinagbukas niya ako ng pinto at otomatiko naman akong pumasok, hinintay ko lang siyang pumasok at agad naman niyang pinaandar ang kotse.
Nakatingin lamang ako sa bintana habang papunta sa aming destinasiyon, pinagmamasadan ang paligid at kinakabisado ang mga tanawin, ang saya ng ganito. Inaantok ako ngunit nilalabanan ko dahil gusto kong sulitin apresyahin ang mga nadadaanan namin, minsan lang ito.
Nakarating kami sa aming pupuntahan ng hindi pa masiyadong matao, tamang tama lang dahil hindi kami mahihirapang pumila. "Saan mo gusto?" tanong niya sa akin ng nasa malayo ang tingin, ngayon ay binalingan na niya ako "Doon tayo!" turo ko sa mataaas na gusali,
tinaasan niya ako ng kilay "Kaya mo ba?" tanong niya, hinampas ko siya sa braso "Wala ka talagang pananalig sa akin Xanthus. Syempre kaya." sabi ko sa kaniya ng naka simangot, dinikit niya ang kaniyang mga daliri sa gilid ng aking labi at pinipilit akong ngumiti, talagang inaasar ako, "Ngumiti ka muna", ngumiti ako ng pagkalaki-laki ngunit pilit na siyang dahilan ng kaniyang paghalakhak.
Nakaakyat naman kami agad sa itaas ng mataas na gusali. Inabot namin ang ticket na kanina naming binili sa may entrance s a lalaki, kinuha ng lalaki ang ticket, tinignan niya at saka tumango sa amin. Pagkapasok sa harang ay agad na kaming sinuotan ng kung ano-ano para sa kaligtasan.
Habang sinusuotan pa lang si Xan ay naglakad ako malapit sa may barrier at sinilip kung gaano kami kataas, para namang nangatog ang aking mga binti ng mapagtantong napakataas pala.
" Kaya mo ba?" ani Xan nang tumabi sa akin,
"Kaya." sabay ngiti sa kaniya.
Nagsabi lang ang lalaki ng mga paalala, at kung ano-ano pa. Nang kami ay handa na, hinawakan ni Xan ang kamay ko at sabay kaming tinulak ng lalaki.
BINABASA MO ANG
Kaya pa
Short StoryThis is a one shot story. I made this for my school project, but decided to put it here because why not. _____________________________________ "Kaya pa" -Callie