Pangatlo at huli, paalam.

7 2 0
                                    

Mabilis lang kaming nakarating sa pupuntahan namin, nauna akong bumaba dahil sa pagkasabik, hindi ko na hinintay si Xan at tumakbo na upang salubungin ang dalawang batang naaaninag ko sa di kalayuan.

"Ate Cal!" ​salubong sa akin ni Erika at Alicia niyakap ko sila parehas,

"Akala namin hindi ka po makakapunta ate" ​sabi ni Erika matapos makawala sa yakap ko,

lumuhod ako para makapantay ko sila ​"Pwede ba naman yon? ​Pasensiya na, may dinaanan pa kami nang Kuya Xan niyo" ​

tumango naman sila sa akin, muli akong nagsalita "Erika, Alicia... baka last ko nang dalaw dito ha?" mukha namang nalungkot ang dalawa sa sinabi ko,

"Bakit po ate? Ayaw niyo na po ba sa amin?" tanong ni Alicia,

umiling ako ​"Hindi ah, gusto ko nga araw-araw ay nandito ako" sabi ko,

"Eh bakit po hindi na kayo makakpunta?" ​muling tanong ni Alicia,

nginitian ko sila "Aalis na kasi ako, baka hindi na ulit ako makabalik dito" ani ko,

bumagsak ang balikat ng dalawa "Saan po kayo pupunta?, Masaya po ba doon?" ​tanong ni Erika,

"Oo masaya doon, masayang-masaya doon" sagot ko sa kanila.

Niyakap ko muli sila sa huling pagkakataon. Nagpaalam pa muli kami sa isa't isa bago kami umalis ni Xan.

"Ma-mimiss ko sila, gusto ko pa silang makasama" banggit ko habang pauwi na,

"Balikan mo sila, puntahan mo ulit" sabi ni Xan, ngumiti akong muli, ngunit sa pagkakataong ito ay may kasama ng luha na hindi ko alam kung bakit nagpupumilit lumabas. Humarap ako sa bintana at marahang pinunasan ng mga daliri ang takas na luha.

Nakarating na kami ni Xan sa aking inuuwian, lubog na ang araw at madilim na ang paligid ng makabalik kami.

Lumabas ako ng sasakyan at pati rin siya, naglakad na ako papasok habang siya ay nakasunod lamang sa aking likuran hawak ang mga gamit ko.

Tanging lagatok lamang ng sapatos ko sa tiles ang ingay na maririnig, pati na rin ang dagundong ng aking puso.

"Dadalin ko na ang mga gamit ko sa kwarto, mauna ka na" sabay hablot ko ng gamit ko sa mga kamay ni Xan, tumango na lang siya.

Binilisan ko ang paglalakad patungo sa kwarto. Nag-ayos ako ng sarili at sinuot ang paborito kong bestida, isang puting bestida na huminto ang haba sa itaas ng aking tuhod, inayos ko rin ang medyo magulo kong buhok dahil sa aming lakad.

Sumunod na ako sa itaas, habang palapit ng palapit ay pabagal ng pabagal ang aking hakbang.

Parang ayaw ko na pala, huwag na lang kaya?, Huwag na muna? Umatras na ba ako?, ngunit sa kabila ng pagdadalawang isip ko ay humakbang ako ng humakbang hanggang sa makarating ako sa tapat ng pintuan. Pinagiisipan kung bubuksan ba o lilisan, ano nga ba ang tamang piliin?.

Binuksan ko ang pintuan at bumugad sa akin ang napaka guwapong si Xanthus.

Inabot niya sa akin ang kaniyang kamay na siyang tinanggap ko, Nilagay niya ang kamay ko sa kaniyang balikat at ang kamay sa aking baywang, banayad kaming sumayaw sa ilalim ng buwan, sa tugtog na "teka lang",

bago matapos ay hinalikan niya muna ako noo at mahigpit na niyakap, kusang tumulo ang aking mga luha, tila naguunahan sa pagtakas mula sa aking mga mata, pinigilan kong huwag humikbi ngunit ako'y bigo.

Matapos ang aming pagsasayaw ay naupo kami sa inihanda niyang tela na aming mauupuan habang pagmamasdan ang mga bituwin. ​

"Happy Birthday Callie" bati sa akin ni Xanthus,

​"Salamat Xan"​, ani ko

​"Hindi na ba talaga kita mapipigilan?" ani niya,

ngumiti ako habang nakaharap sa mga bituwin at nagkukunwaring inaabot ito, ​

"Pagod na ako Xan" ani ko ngunit nakangiti pa rin.

Hinarap ko siya at nakita kong kumikislap ang mga mata niya, napagtanto kong may takas na luha galing sa kaniyang mga mata, kaya ako na ang nagpunas noon. ​

"Kaya mo pa ba?" ​tanong niya,

humarap akong muli bago siya sagutin, ​"Oo, pero pagod na ako, ayoko na, gusto ko ng magpahinga... Kuya" marahan kong sabi, ​

"Akala ko hindi mo ako matatawag na Kuya kahit sa huling pagkakataon" ​ani niya,

​"Gusto kong marinig ang boses mo Kuya... sa huling pagkakataon" ​ani ko,

nagsimula siyang kumanta ngunit hindi pa nangangalahati ay nabasag na ang kaniyang boses, ngunit ipinagpatuloy niya pa rin kahit hirap na,

"Kuya, magpapahinga na ako, tignan mo lang ang mga bituwin kapag gusto mo akong kausapin"​, pagpapaalam ko.

"Mahal kita Callie, kung hindi mo lang ako pinigilang ibigay sayo ang puso ko ay sana magagawa mo pa ang gusto mong gawin" ​narinig kong sabi ni Kuya Xanthus,

unti-unti kong pinikit ang aking mga mata at inintay ang oras, ilang sandali pa lamang ay nararamdaman ko na ang bigat ng aking pakiramdam, at lahat ng pagod, tila buhat ko ang mundo, ngunit mawawala lahat ng iyon, pagkatapos nito.

Naramdaman kong hinalikan ni Kuya Xanthus ang aking noo at mahigpit akong niyakap, nararamdaman kong nababasa ako galing sa kaniyang mga luha.

"Kaya pa" bulong ko habang nakangiti bago tuluyan makatulog..


Habang buhay.

Kaya paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon