"Wahhhhhhhhhhhhh!!!" nabibingi na ako sa sarili kong sigaw, naramdaman kong humigpit ang hawak ni Xan sa kamay ko,
"Kaya?" narinig kong sigaw niya,
"Kaya" sigaw ko pabalik, sabay kaming natawa.
Napakaganda ng tanawin mula dito sa itaas, nararamdaman ko ang marahas na pag dampi ng hangin sa aking balat dulot ng mabilis naming pag-andar.
Naka dating na kami sa kadugtong na tower at agad naman kaming inalalayan mga tao doon.
"Gusto ko ulit bumalik dito sa Skyranch" sabi ko, tinignan naman ako ni Xan diretso sa mata,
"Babalik ka dito" seryoso niyang sabi, nginitian ko siya.
Lumiban na kami doon at sumakay sa
sasakyan, sa labas ulit naka-tuon ang aking pansin sinusulit ang bawat detalye ng lugar.Hindi pa kami nakakalayo ay nagsalita na agad si Xan,"Saan mo gusto kumain?" tanong niya,
"Alam mo na." sabi ko habang sa labas pa rin ang pansin.
Naramdaman kong liniko niya na ang sasakyan. Nang makarating sa kainan ay naghanap agad siya ng upuan para sa aming dalawa,
"Kaya mo?" tanong ni Xan,
"Kaya" sagot ko ng may ngiti,
kinausap niya ang weytres at um-order. Makalipas lamang ang kalahating oras ay dumating na ang limpak-limpak na pagkain sa aking harapan,
"Kaya?" naghahamon na tanong ni Xan,
"Kaya" sagot ko ng may halong pagayayabang pa.
Nagbilang ang weytres bago kami magumpisa, "One, Two, Three... Go!" pagpapaalam ng weytres,
parang gatilyo naman yon at nagumpisa na akong lumantak ng pagkain. Nakaka- tatlong plato pa lang ako ay para bang sasabog na ako sa kabusugan ngunit nagpatuloy lang ako sa pagnguya, sinilip ko ang katabi ko at nakitang nakaka-apat na plato na si Xan kaya naman mas binilisan ko pa ang pagkain.
"Stop" anunsiyo ng weytres, parang masusuka na ako sa pakiramdam ko at sa palagay ko ay ganoon rin ang kasama ko, "Naka 7 na plato si Sir Xan, 7 at kalahati naman ang kay ma'am Callie" pagpapaalam ng weytres sa amin,
Ngumiti ako ng matagumpay, binalingan ko si Xan at binelatan, nagsalita naman siya sa akin ng may mapang-asar na ngiti
"Pinagbigyan lang kita", umirap ako at pumuntang banyo upang maghugas ng kamay at ayusin ang sarili.
Pagkatapos maghugas ng kamay ay pinagmasdan ko ang sarili sa salamin, nginitian ko ang repleksyon ko sa salamin at saka ako nagsalita "kaya" sabi ko.
Pagkalabas ko ay naabutan ko si Xan na nagiintay sa akin sa may pinto ng kainan, ng makita niya ako ay umayos siya ng tayo at sumenyas na aalis na kami, sumunod ako sa kaniya. Sa pangatlong pagkakataon ay sumakay na kami sa kaniyang sasakyan at nilisan ang lugar,
"Masarap pala ang pagkain dito sa Caballen... gusto ko ulit matikman" ani ko habang nakatingin sa labas ng kainan mula sa loob ng sasakyan, " Masarap nga, kaya babalikan natin ito" may diin niyang sabi, ngumiti ako sa kawalan.

BINABASA MO ANG
Kaya pa
Short StoryThis is a one shot story. I made this for my school project, but decided to put it here because why not. _____________________________________ "Kaya pa" -Callie