Chapter XIII: The Untold Story of Prince

72 16 0
                                    

Pj's daddy's POV

Hayyy,*hingang malalim*. Malaki na talaga ang anak kong si Pj pero isip bata parin sya! Pano ko sya pagkakatiwalaan pamanahan ng negosyo ko kung hanggang ngayon ganun parin sya? Madalang kami magkita dito sa bahay at kahit magkita man kami eh parang wala din, kahit kinakausap ko sya eh walang pake. 

Dati naman matino sya eh pero matapos syang iwan at maaksidente ng mama nya eh nagkaganun na sya. Sumabay pa ang pagkabussy ko sa kompanya.

Inisip nya siguro na wala ng nagmamahal sa kanya. Teka bat ba ang drama ko, by the way hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako nga pala ang daddy ni Prince a.k.a Pj, prince ang tawag ko sa kanya pero nung high school na sya, nagagalit sya kapag tinatawag ko syang Prince.

*flashback*

2rd year high na si Pj, umuwi sya na maraming pasa sa mukha, nakipagrambulan nanaman ata.

"Prince, bat ganyan ang mukha mo? Nakipag away ka nanaman?"

Tanong ko sa kanya pero hindi nya pinansin.

*tumalikod sya*

"PRINCE!! Kinakausap kita! Wag mo kong talikuran!"

Napasigaw ako sa sobrang inis.

*huminto sya*

"ano bang nangyayari sayo?"

"wala!"

Parumbado nyang sagot.

" humarap ka nga sakin, mag usap nga tayo Prince?"

*humarap sya*

"wala naman tayong dapat pag usapan eh! At isa pa hindi na ko bata para tawagin mo kong Prince!"

 

Nagulat ako sa mga sinabi nya, hindi na daw sya bata? Eh anong itatawag ko sa kanya?

 

"bat ka ba nagkakaganyan? Ano bang pagkukulang ko?"

 

"dahil sayo! Dahil sa inyo ni mommy! Wala kayong paki sakin! Lagi nyo nalang akong iniiwan tapos ngayong sanay na kong wala kayo nangangay kayo?!"

Hindi ako nakapagsalita, ngayon ko lang nalaman na malaki pala ang galit samin ng anak ko.

 

"nang dahil samin? Bakit? Lahat naman ginawa namin ah? Lahat para lang mapunan ang mga pangangailangan mo!"

"hindi naman mahalaga sakin yun eh! Ang mahalaga kasama ko kayo pero ano? Mas mahalaga ang pera para sa inyo!"

"ano? Gusto mo bang mawala lahat ng bagay na meron ka? Kung papabayaan ko ang kompanya tyak na wala ka ng mga bagay na meron ka ngayon"

 

When the Crazy Guy Fell Inlove (On Going Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon