Public Apology

101 0 0
                                    

Aminin mo mahilig kang mamuna ng iyong kapwa. Mamintas, mag-komentaryo o manlait ng iba. Sa totoo lang iisa lang ang kahulugan ng mga ito. Nagmamasid tayo ng ating paligid. At higit ngayon kesa sa mga tao noon na lahat tayo ay mas mapag-matyag na sa mga nagaganap sa ating kapaligiran. Bente Kwatro Oras! Hindi na uso ang bulag pipi at binging mga uri ng tao sa lipunan. May ilan siguro na pilit pa ring nagbu-bulag-bulagan sa mga bagay na nagaganap sa kanyang kapaligiran. Ngunit sa bilis ng pag-unlad ng ating teknolohiya- ano mang bagay halos sa mundo ay halos bukas na sa kaalaman ng lahat. Importanteng maikalam tayo at magbigay ng komentaryo sa mga bagay na ito at walang masama doon. Ooops!! Mag-rere-act ka agad, alam ko. Masama kapag ito ay wala sa lugar. May isang video na posted minsan sa Facebook tungkol sa dalawang babae na binosohan sa isang karinderya na pinuntahan nila. Nahuli ng isa mga babaeng ito na kinukuhanan ang wetpaks ng kaibigan niya ng isa sa mga waiter. Sa galit ng babaeng ito ay sinugod nila ang waiter habang kinukuhanan nga ng video ang confrontation na ito. Ngunit parang iba ang simpatyang nakuha ng nag-post na babae dahil sa inasal niya habang sinusumbong ang waiter sa may ari. May karapatan naman siyang magalit sa totoo lang pero sobra namang pagsu-suntukin pa niya ang waiter at mura-murahin. Kung bakit ba naman kailangan mong magsuot ng pagka-iksi-iksing shorts- swimming ito teh???. Hindi ba't parang ang pananamit na ito na din ang nagsasabing “halika, silipan mo ako.” Ewan ko sayo!!!

Keep it to yourself or kausapin mo ng mahinahon ang isang tao kung may gusto kang sabihin- minsan sa sobrang intense ng ating emosyon ay madalas tayong makapag-bitaw ng mga salitang nakakasakit sa ating kapwa o nakaka-pagpakunot ng noo sa sino mang makakarinig o makaka-panood. Best way, don't be too comfortable at all times without knowing or getting familiar with the place, the people around you and whatever the mood is. Simple as that- bakit may mga taong ang lakas magkwentuhan sa Jeepney? May ilan na ang hilig- suminghot ng sipon nila na akala mo eh walang ibang tao sa paligid.

Ang Mga Weird Observations Ng Isang GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon