ONE BIG HAPPY PLASTIC FAMILY

16 1 0
                                    

Kung kabilang ka sa mga taong walang trabaho ay tiyak na hindi ka makaka-relate dito. Kaya kung ako sayo balikan mo na lang ang bahaging ito pag pasok ka na sa Final Interview mo. Wait!!! There's more! Kailangan wala ding hahanash na kaibigan mo dahil para fair daw sa iba. Follow the rules tayo para walang masabi ang iba.

Okay...nalito ka na noh? Pansin mo ba ang mga ka-officemates mong ang lakas magpalapad ng papel sa Boss mo. Yung tipong kontrabida lagi sa buhay mo. Lahat na lang ng gawin mo pag-iisipan ka ng masama. Lahat na lang ng absent mo eh pagdududahang nagsisinungaling ka. Pero sa galing niyang manilip ng gawain ng iba akala mo naman eh pagka-linis-linis din niya.

Umpisahan natin sa mga ka-officemates mo na mahilig manggatong ng kwento para mag-away away ang mga tao sa paligid niya. Yung tipong pag-nagkuwento akala mo siya na yung banal sa mga pagsisimba niya tuwing linggo pero kung makapanggatong naman ng away ng katrabaho niya akala mo gustong sirain pati na kompanyang pinatatrabahuhan niya.

Minsan maiisip mo na lang din kung bakit may mga taong ganun. Ang lakas ng sama ng loob sa kapwa nila. Ang itim ng budhi. Maririnig mo siya na para bang agrabyadong-agrabyado dahil sa mga confessions niya. Pero sa totoo lang  ginagatungan ka lang niya para lalo kayong mag-away ng officemate mo. Nakuh! Akala mo may malasakit siya sayo pero ang totoo natutuwa siyang makita kang nanggagalaiti lalo.

Umpisa pa lang mahahalata mo na ang budhi ng taong ito. Lahat papansinin niya dahil ultimately ayaw niyang malamangan ng eksena. Kailangan siya parati ang magaling at mabait ang imahe. Dyosa Dimonyita!!!! Yung Boss mo nauuto din. Dahil siya din ay may motibo sa pangu-uto at panggagamit sa kontrabida mong ka-opisina.

Isa lang ang bottomline ng motibo nila. Pareho silang naga-gamitan. Nakakalungkot isipin na may mga ganitong tao. Gusto nilang magpaka-buti ka at magpaka-linis. Magpaka-sipag, magpaka-galing at magpaka-propesyunal. Eh shutang ina!!! Magmalinis nga ng sarili nila hindi nila magawa. Sino lang ang malinis sa inyo? Bibigyan kayo ng rules sa office pero yung rules mag-aaply lang sa mga hindi nila gusto. Ramdam mo ba yung Boss mong masyadong may pinapaboran sa mga requests? Pero pagdating sayo parating by the book. Punyeta!!!! Ang sarap tampalin ng flat screen TV!!!

Kung silipin ang mga lates mo ang bilis bilis. Pero kung magkamali siya sa mga reports niya todo dispensa. Ipokrita!!!! Hindi ata gumagana ng maayos ang utak niya. Kung gumana man puro kasamaang isip lang para sa kapwa at matiyak na hindi siya malalamangan. Aminin na nating may grupohan sa trabaho. Pero magugulat ka kasi mismong grupo nila nagsisiraan. Nakakatawa kasi akala nila naloloko nila ang isa't isa. Ito yung hindi lang mga inggetera kundi ito yung mga taong walang ibang inisip kung hindi ang silipin ang maling kilos ng katrabaho nila. At ang Boss mong bobo din na nagpapauto sa kanila ay gumagawa ng sariling eskandalo niya para protektahan siya. Ang saya nila di ba?

Huwag kang magpahuli sa mga pakain o pot luck sa office niyo. Bukod sa may mga patay gutom na may mga taong sadyang nasa laylayan ng mesa ang pagtitipid. Kaya aside from panis pollution ang hininga nila, never ka din nilang maiisip na pagtirhan ng pagkain. Kung magkataong mahiya man sila never din nilang iisiping fair lang na magtira ng sobra. Kailangan lamang pa rin talaga ang Alaska sa Ginebra. Hindi ko alam kung bakit sa dami ng pwedeng ulamin, tae pa ang kinain niya. Ang baho!!!

Mahirap isipin na may mga ganito talagang tao sa opisina. Pero isipin mo na lang na mga tao silang matindi amg pangangailangan sa napakaraming mga bagay. Sadyang nahulog lang talaga sila sa kuna nung bata pa. Nagka-taghiyawat ang utak nung teenager at nakalunok ng condom ng College. Isipin mo na lang kung gaano kahirap ang pinagdadaanan ng sistema ng katawan nila. Eventually, kahit hindi mo man banggitin sa kanila ang masamang ugali nila. Hayaan mong karma ang magpakasal sa kanila. Bubuo sila ng pamilya na kasing itim ng mga anino nila.

Hayaan mo na din ang Boss mo. Pasasaan ba at mahuhuli din yan. Pasasaan ba at matotokhang din siya. For sure hindi ka naman nag-iisa. Marami kayong star witness.

Ang Mga Weird Observations Ng Isang GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon