Music To My Ears

182 0 0
                                    

Masarap nga naman ang makinig ng musika, mag-sound trip ka minsan. Maganda itong pantanggal ng stress, pang relax. Iba -iba man ang layunin natin kung bakit tayo nakikinig ng music isa lang ang sigurado- masarap ito sa pakiramdam. Anu man ang tipo ng klase ng musika ang gusto mo, sige lang dahil trip mo yan.

Ito ang ilang sa mga random facts na nakalap ko lang sa pagbabasa mula sa internet:

Ilan sa mga taga-russia na singers nagmama-astang kumakanta ng English na song kahit sa totoo lang wala namang maintindihan sa mga pinagsasabi nila dahil sa kanila kapag marunong kang magsalita ng englis ay sikat ka o titingalain ka. ( Si Alissa Alano ba Russian???)

Kaya naman mabibilis na music ang pinapatugtug sa mga fast food at matitigas ang mga upuan dito ay upang bilisan ng mga tao ang pagkain nila para mas madaming tao ang makakain sa kanila. Lakas lang ngtrip di ba? May ilang writers naman nagpapatugtug ng malakas na music at sa kanila dito sila mas nakakapag-concentrate sa halip na tahimik ang paligid. Pero may ilang nabuburyo sa trip ng ilan. Sabi ng friend ko tuwing maliligo na ang kasama niya sa boarding house eh nagpapatugtug ito ng pagkalakas-lakas na musika at kumakanta sa banyo. Nagfa-falsetto pa akala mo eh diva ang bakla. Ang sarap kuryentehin habang naliligo.

Marami ang hatid na memorya sa atin ng isang musika. Malamang ang isang lumang kanta na nauso ng iyung pagkabata ay magbalik ng libo-libong emosyon sayo. Masasakit o masasayang alaala. Nakakaiyak o nakapang-hihinayang. Malamang naramdaman mo na ang ganuong pakiramdam, nagsenti ka na din minsan sa iyong buhay. Maaring ngayon habang nagbabasa ka o kahapon lang ay nagbalik sa alaala mo ang una mong crush habang nasa loob ka ng FX at tinugtug ang makabagbag damdaming Got To Believe in Magic o di kaya ay ang Pangako. Umi-emote ka jan ng very light aminin mo teh...

Heto ka ngayon mag-isa- inaalala ang nakaraan at mga sandali habang ang bawat bigkas ng letra at kumpas ng musika ay dinuduyan ang iyung puso. Emotional ka lately, napansin ko lang. Maaring malaki ang iyung problema at sa mga pagkakataong ito madalas kaawaan natin ang ating sarili. OO, mali ang magmukmuk ka dahil lalo mo lang dadamdamin ang iyung problema,.Bagkus ay lumabas ka, pero kung wala ka namang pera eh okay na ang muling pakikinig mo ng musika. Pero kapag malungkot ka huwag ng mga lungkot-lungkotan ang mga kantang paulit-ulit mong patutugtugin sa playlist mo. Iwasan mo na yung senti music kung pwede, manood ka ng TV o di kaya ay magdilig ka ng halaman o maglaba. Kapag nalilibang ka ay maiiwasan mo ang problema- gaya ng ginagawa mo ngayon. Nagbabasa ka nito- umaasa na maaliw ka at may ma-realize na ang mga sinusulat ko ay pawang mga bagay na napansin mo din hindi lang sa sarili mo at sa ibang tao. Ilang taon ka na ba? Isipin mo- limang taon pa maaaring trenta ka na? At ano na ang narating mo sa buhay- mag -isa ka pa din. Dahil dito mapi-pressure ka ng mag-asawa dahil takot kang tumandang dalaga o binata. Huwag, pero kung nais mo na talaga eh wag ka naman sa kanto lang teh parating tumambay. Kung nais mong magkaroon ng makakasama sa buhay na maayos at hindi ka sasaktan eh sa matinong lugar ka pumunta. Katulad ng simbahan, banko, mga conference o forum dahil dito mo malamang na pu-pwedeng makilala ang iyung makakatuluyan. At hindi sa kulungan, o sa eskinita, o sa tambakan ng basura o mga lugar na pu-pwede na mismong maglawaran kung anong klaseng tao malamang ang pu-pwede mong makilala. Hindi yung liligawan ka ng langaw o bangaw o lamok. Sakit ang aabutin mo pag ganun.

Kung hindi mo gusto ang isang tao bakit mo e-entertain ito? May ilang babae na magbibigay ng motibo kaya ang lalaki nagkakaroon din ng lakas ng loob para ligawan ito. Una pa lang kung ayaw mo at hanggang kaibigan lang ang turing mo sa kanya- hindi ka ganyang maglalandi at ipaparamdam mong kaibigan lang ang turing mo sa kanya. Huwag kang tumanggap ng mga bagay na alam mong may kahulugan ng pagmamahal mula sa kanya ng higit pa sa pagkakaibigan niyo. Bata ka pa pero hindi tanga. Mahirap bang intindihin yun??? Hangga't maari huwag mong sasabihang cute o guwapo siya kahit totoo naman at nanginginig ka na ng sobra kapag kinakausap ka niya. Huwag mo rin agad ibibigay ang cellphone number mo lalo na kung hindi naman ang crush mo ang personal na kumuha. Ang taong nagmamahal ay gagawa ng paraan upang mas makilala ng personal ang taong gusto niya.

Sa music mo nailabas lahat ng emosyong nararamdaman mo. Minsan intindihin mo naman yung lyrics. Sikat ang marunong gumamit ng google ngayon. Lakas mo pang magyabang sa napili mong theme song ng love story niyo mali- mali naman ang lyrics ng kinanta mo. Yung totoo??? Huwag puro One Direction- maging computer literate din mga ateh at koya!!

Malaking bahagi ng buhay natin ang musika. Ako personally ay mahilig sa music. Hindi lilipas ang isang araw ng hindi ako nakikinig ng paborito kung kanta. Maraming klase- may playlist ako ng mga Pop Songs, RNB, Jazz, Classic, Mga Cover Songs. Mash Up, Accoustics, at ang special favorite ko lately na EDM! Lakas maka-party animal ang peg!

Ang music ay pwedeng magpa-bago ng mood ng isang tao. Pwedeng itong magpatawa, magpa-iyak, or mang-inis ng mga matatanda mong tita na dumalaw sa bahay niyo kaya ka nagpatugtug ng mga Slapshock, System of a Down, Limp Bizkit, Metallica at marami pang Hard Metal Music. Wala pang limang minuto goodbye na ang mga tita mo. Salbahe ka talaga!

Ilang beses na nating natunghayan kung gaano kalaki ang impluwensya ng musika sa buhay ng tao. Charice Pempengco, Arnel Pineda, Marcelito Pomoy, Aldrich Talunding at maraming pang iba ang nakilala dahil sa husay nila sa pagkanta. Maraming mga musika ang muli nilang binigyan ng buhay. Pero sa ibang bansa kalakip ng husay mo sa pagkanta ay kailangan din na maganda ang iyung histura. Ang iyung appeal sa masa. Sa isang Olympic Ceremony sa China ay nag-lypsynch ang isang bata sa awit ng isang batang hindi pinayagang kumanta ng live ng director dahil sa hindi raw ito maganda. Sad part but true.

Karaoke time ang isa sa paborito nating mga Pilipino. Please lang huwag niyong isama yung mga taong kung makapag-lagay ng kanta eh parang sila lang ata ang gustong kumanta. Heto na nga ng kumanta na- masama pa sa tono ng limang taong gulang na batang bulol ang bigkas niya sa bawat letra. Benteng kanta puro pa sa kanya. Meron namang shy type sa una. Sa inuman kunwari. Pag nalasing lang ay tska lang napapakanta. Merong trying hard kumanta, merong magaling pero common ang boses, meron talagang magaling at nasa puso. Feel na feel with emotions pa ang mukha akala mo concert niya na. Akala mo laban ng buhay niya ang effort. The Voice Battle final round lang peg. Nakakaloka!!!

Basta kung gusto mong makining ng music at kumanta. Go! Huwag lang hating gabi at nakaka-bulahaw ka. Letche ka!!!! Kakantahin pa yung Aray ni Ara Mina O kaya yung Nilunok Kung Lahat. Casa ito teh?????

Ang Mga Weird Observations Ng Isang GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon