Chapter 02

18 1 0
                                    

"Class Dismissed" tapos na pala yung klase di ko man lang napansin.


"Buong araw atang lumilipad utak mo?" tanong ni Blake.


"shut up, wala ako sa mood" sabi ko at sumimangot. Ano ba kasi dapat isagot ko? should I help him or not? 


"Why? Red days mo? ano gusto mo?" He asked.


"Ikaw" bulong ko.


"Ha? Ano? Hikaw? you have a lot of accessories na ahhh" reklamo niya.


"Wala! manhid kana nga bingi ka pa!" inis na sigaw ko at dali daling naglakad.


"Hey wait for me!" habol niya sakin.


"Where is Cally?" I asked him.


"Ayan sa sobrang lutang mo di mo na siya napansin. Nauna na siyang umuwi, inaantok na daw siya kasi pinuyat mo daw kagabi" he explained.


"Sabi ko naman kasi dapat seperate kami ng kama alam niya namang malikot akong matulog" sabi ko.


"Give me your bag, I'll take you home" He's such a gentleman kaya lagi kaming pinagkakamalang magjowa, well I hope so pero may iba siyang gusto at hindi ako yun:)


"I can manage na, Kaya walang nanliligaw saakin kasi akala nila jowa kita ehhh" reklamo ko.


"You're too young to have a boyfriend noh, and if he really likes you maglalaks loob siyang magtanong and of course dadaan muna siya sakin, shunga kang mamili eh" nanlait pa. 


Ang shunga ko nga kasi sa lahat ng pwedeng piliin ba't bestfriend ko pa?


"Ewan ko sa'yo, I will call our driver nalang para di kana maistorbo sa panliligaw mo" I smiled bitterly.


"You said you'll help me?" he asked.


"Sabi ko pagiisipan ko muna" I rolled my eyes so he won't see the pain in my eyes.


"So what's your desicion?" he asked again.


"I can't help you with that, wala pa namang nanliligaw saakin and d rin naman ako nanliligaw Iw." sabi ko ba with a disgusted face.


"Pleaseeee, sige na I really need your help and support. Boto ka naman kay Diana diba? baka naman nagseselos ka kasi di mo nako laging makakasama if ever man na sagutin niya ako" sabi niya. Konti nalang lumuhod siya.


"Luh ang kapal mo talaga, oo na I'll help you na!" inis kong sabi. Kalma lang self, wag kang magbbreakdown dito.


"Kaya mahal na mahal kita ehhh" he said happily while hugging me.


"kadiri ka" sabi ko. Pigil lang self, kaya mo yan.


Pagkauwi ko humiga agad ako sa kama.


Ang saya niya nung pumayag ako, ang saya niya kasi tutulungan ko siyang manligaw sa taong mahal niya. Kailangan ko na talagang mag move on para matulungan ko siya ng maayos.


He deserves to be happy, so I will help him to achieve his dreams, kahit hindi ako yung girl na pinapangarap niya. If that will make him happy It's okay, I have to be okay dahil wala naman akong karapatan.


I cried the whole night, promising myself na last na toh and I have to move on na, pero I know it's just a scam. Move forward lang pala dahil hindi naman naging kami.


I woked up early kaya naman nagluluto ako ng breakfast for my family. I'm so masipag.


"Aba! milagro at maaga kag nagising?" tanong ng dad ko pagkakita niya sakin sa kusina.


Total Eclipse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon