Chapter 22

3.9K 103 7
                                    

CHAPTER 22

[Sweetheart, where are you?]

"No need to find me, mom. I'm still alive and kicking. No worries."

"No worries? Hindi ka nagparamdam ng tatlong buong linggo, ni hindi ka pumasok sa office. Tapos sasabihin mo huwag kaming mag-alala? Ano ba talagang nangyayari sa'yo?"

Ang tagal ko nang hindi nagpaparamdam kila mommy at ngayon ko lang napagdesisyonan na sagutin ang mga tawag niya. Kahit sa office ay nagtataka rin daw na wala akong paalam.

It may sounds unprofessional, but I just want to rest from them. At biglaan lahat ng pag-stay ko rito sa unit ni Vanessa. I know i'm safe here dahil wala pa namang nakakapasok sa unit ng babae na 'to kahit isa. Ngayon lang rin ako nakapasok sa pad niya dahil madalas siyang nasa lugar ko.

Pero nakaraang araw grabe ang kaba ko nang marinig na kumatok sila Kuya Cloud pero magaling naman na nalusutan ni Vanessa. Thrice a week lang kasi siyang umuuwi rito kahit noon pa man. Kaya hindi talaga maiisip na may tumitirang iba dito.

Ilang minuto mula nang matapos ang tawag ni Mommy ay nakatunganga lang ako sa television. Muntik na akong ipahanap ni Mommy sa mga Police mabuti na lang at kinakausap naman ni Vanessa si Mommy na nasa maayos na kalagayan ako.

Wala sa sariling napangiti ako nang sumunod na lumabas sa TV ay ang short video ng banda nila Kuya Cloud. Napahawak ako sa walang umbok ko na tiyan.

"Baby, that's your daddy, oh."

Masaya ako para sa kanila nung nasa publiko na ang grupo at single album nila nakaraang dalawang linggo. Sabi pa ni Vanessa ay dagsaan agad ang mga fans sa kanila lalo na 'yong mga nagi hintay talaga na lumabas sila.

Madalas kasi sumama si Vanessa para na rin daw hindi siya paghinalaan. Napangisi ako sa taktikang ginagawa niya para maitago lang ako, dahil hindi ko pwede mastress ang sarili ko sa kakaisip kung papaano ko sasabihin sa mga magulang ko ang pagdadalang tao ko.

Makapit naman daw si baby ayon kay doktora pero maigi pa rin mag-ingat dahil sensitive ang taong nagbubuntis lalo na kapag first trimester pa lang.

"Hi, baby's mommy." Napadako ang tingin ko sa taong nagbukas ng pinto dito sa unit saka napailing.

Kahit kailan talaga 'tong kaibigan ko. Ang dami na namang dala na pagkain. Ang dalas niya mag grocery na para lang naman sa akin.

Napatingin siya sa pinapanuod ko at ngumiti ng nakakaloko nang makita kung sino ang mga ito habang umuupo sa tabi ko.

"My friend misses someone." She teased me.

"Shut up. Pakiramdam ko ikaw ang nagbubuntis sa mga binibili mo."

"Ano ka ba. Para sa'yo to, noh! Binili ko na rin ang gummy bears at buko pie na pinaglilihian mo, pero bawal na ang sweet next time. Pinagbigyan lang kita ngayon."

Nanlaki sa tuwa ang mata ko. "Seryoso ba? Salamat naman."

Nilapag niya sa coffee table ang dalawang box ng buko pie at isang malaking garapon ng gummy bears.

Kumislap pa ang mata ko sa itsura ng garapon. Hugis bear din ito. Oh! My heart melts.

"Thank you talaga, Van. Sa lahat lahat ng tulong mo."

"Aist. Don't mention it." Tipid akong ngumiti sa kanya. Saka ibinalik sa television ang aking paningin, wala na ang short vid. nila.

"Nahihirapan ka na ba?"

"Nagsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi." Sumandal ako sa sofa at huminga ng malalim. "Mom called me earlier. Halos hilahin na niya ako sa kabilang linya." Hindi ko mapigilang tumawa.

Burning Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon