Prologue

110 13 0
                                    




Sa mundo hindi mawawala ang kasakiman, nakabuntot na ata sa lahat ng tao iyon. Lahat ay naghahangad ng kapangyarihan, sino ba naman kasi ang hindi? Kung mataas ka sa lipunan titingalain ka ng lahat na para bang isa kang diyos sa kalangitan gayunpaman may mga tao pa rin talaga na kahit nasa kaniya na ang lahat lahat nagawa pang apakan ang mga taong kung tingnan nila ay basura na kailangang burahin sa mundo. Iyon ang realidad ng buhay. Kailanman ay hindi magiging patas ang mundo. Kung pinanganak kang mahirap kailangan mo pa talagang makipagsapalaran at magbanat ng buto para umangat hindi kagaya ng mga ipinanganak na may ginintuang kutsara sa bibig nung pinangak na sa isang pitik lang ng mga daliri ay makukuha na agad ang gusto pero bukod sa dalawang yun hindi din mawawala ang mga taong guminhawa lang ang buhay ay nakalimutan ng lumingon kung saan sila nagmula at ang masama pa dun kung itrato nila ang mga taong mas mababa sa kanila ay para nila itong alipin. Ang tangi mo na lang na magagawa ay ang magalit ng magalit sa hindi pagiging patas ng mundo.














Iyon ang labis na nararamdaman ngayon ni Sian. Sa kasalukuyan ay tumatakbo siya sa gubat ng kanilang nayon matapos na akusahan ang kanilang pamilya ng pagnanakaw sa pinagtatrabahuhang hacienda bilang mga magsasaka. Lumaki siyang mahirap kaya sa murang edad ay natuto ng magbanat ng buto. Sinakripisyo niya ang kaniyang pag-aaral at nagdesisyong tumulong na lang sa mga magulang bilang magsasaka sa sakahang pagmamay-ari ni Don Felipe. Hindi madali para sa kanila ang kanilang buhay pero wala silang magagawa, ang magagawa lang nila ay magtrabaho ng magtrabaho upang may pangkain at panggastos sa mga pangangailangan nila araw-araw gayunpaman kahit mahirap lang sila ng kaniyang pamilya ay tinuruan siyang maging mapagkumbaba at ng tamang asal kaya kailanman ay hindi nila magagawang magnakaw. Tapat sila sa kanilang trabaho at alam iyon ng Diyos. Malinis ang kanilang konsensiya, ang totoo nga niyan ay masaya na sila dahil kahit papano ay nagkaroon sila ng trabaho pero ang pagnanakaw ay hinding hindi nila kailanman maiisip kahit sa hirap ng buhay. Oo nga't mahirap lamang sila pero may takot sila sa Diyos. Hindi mapigilang humikbi ni Sian habang inaalala ang mga bagay na iyon.














"Si Itay at si Inay..."














Muling tumulo ang mga luha ng binata ngunit ng makarinig siya ng ilang malalakas na yapak na naggaling sa kaniyang likuran ay muli siyang nagpatuloy sa pagtakbo. Galit man ay takot pa rin ang nangingibabaw sa binata lalo pa't sa oras na madakip siya ng mga taong humahabol sa kaniya ay alam niya ng katapusan niya na. Ito na lang ang huling hiling ng mga magulang niya na matutupad niya, ang mabuhay pero mukhang mababali niya ata ang pangakong ito. Tuloyan na siyang nawalan ng pag-asa ng mapatid siya sa ugat ng malaking puno at tuloyang dumausdos at nahulog sa nakaabang na bangin. Naramdaman niya na lamang ang ginhawa ng tubig ng tuloyan siyang mahulog rito bago siya tuloyang pumikit.














"Patawad...Itay, Inay" aniya habang unti unti siyang nilulubog ng tubig sa kailaliman nito.














Napamulat ang binata at mula sa unti unting paglubog ng kaniyang katawan sa tubig ay nakita niya ang liwanag ng buwan na tumatama sa tubig. Ngayon niya lamang napagtanto kung gaano kaganda ang buwan. Naisip niya na sana buwan na lamang siya, mapayapa at malaya.

















"Paalam...Itay, Inay" at tuloyan na siyang napapikit at nagpadala sa hatak ng tubig.

HiraethTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon